Si Boss

4.4K 100 3
                                    

Hindi naman talaga mukhang sugar mommy si Boss. Siyempre, gaya ng inaasahan, medyo may edad na, pero ayos pa rin ang katawan. Kung tutuusin, wala sa itsura niya yung taong pupunta sa mga lugar na ganito. Hindi kaya may problema lang siya sa pamilya niya? O sadyang late bloomer lang siya? Paano na kaya kapag nalaman ito ng pamilya niya? Sigurado naman ako na may asawa ito at anak.

"Boss, tapos na po ang masahe..." Dahan-dahan ko na lang siyang tinapik. Nakatulog siguro sa pagod, o baka nasarapan lang. Kahit man ako noon kapag nagpapamasahe ako, di ko namamalayang tulog na ako.

Ayaw ko siyang maistorbo, kaso...

"Ganun ba? Grabe, nakatulog pala ako." Reaksyon niya, papikit-pikit pa ang mata. "Hindi naman ako nakakatulog ng ganito! Hmm...magaling ka nga gaya ng sabi nila dito."

Ngumiti na lang ako at nagpasalamat.

"Boss, gusto niyo po ba ng...extra service?"

"Anong pangalan mo?"

Aba, mukhang wala siyang gana. Naku, huwag naman sana...

"Ah...eh...Gab po."

"Hmm...Gab..." Matagal din siyang napaisip. "Sigurado akong bata ka pa. Tama? Halata sa itsura mo eh. Gaano katagal ka na ba dito?"

Tama nga naman siya. "Mga 2 taon na rin po. Actually, ginagawa ko lang po ito para sa lola kong may-sakit. Nag-aaral po ako dati pero kailangan ko pong magsakripisyo."

"Ganun ba?" Sabay lapit sa akin; umupo siya sa tabi ko. "Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Na ganito trabaho mo?"

"Nasanay na rin po ako." Aaminin ko, kinaawaan ko rin ang sarili ko sa puntong iyon. "Mahirap po siyang gawin, nakakababa ng pagkatao...pero di ko naiisip iyon. Di na lang yung sa kailangan ko ng pera. Yung marami kang nakikilala, at yung mga nalalaman mo sa kanila; minsan daig pa noon yung matututunan mo sa eskwela."

Ang lalim ko.

"Sa lahat ng nakilala ko dito, ikaw lang yung ganyan." Ngumiti siya pabalik. "Di ko alam pero...kahit na ganyan situwasyon mo, nagagawa mo pa ring maging masaya sa buhay..."

Inulit ko ulit ang tanong: "Sir..."

Sabay abot sa akin ng isang calling card. Aanhin ko naman ito? Unti-unti kong binasa; aba...sikat nga talaga siya't di lang siya nakikisakay sa kotse na nakita ko kanina.

"Heto, tumawag ka sa opisina ko."

*****

At bakit naman niya ako papupuntahin sa opisina niya? Hindi kaya delikado 'to? O baka gusto niya ng home service at naghahanap ng second round? Biro lang. Pero kung ganun man, lagot ako nito sa manager namin dahil di ko siya sinabihan.

Room 105, North Wing. Office of Representative...ito na nga iyon. Pero imposible namang nandito siya. Alam ko madalas naman silang wala dito eh. Hinga muna ng kaunti, sabay hawak sa doorknob para buksan ang pinto.

Mukhang normal naman ang lahat. Di naman siguro siya corrupt gaya ng mga madalas na iniisip natin sa tulad nila. May picture niya na nakataas ang kamao habang nasa rally, poster at plakard na nanawagan ng reporma: sa palupa, karapatan, edukasyon...

"Good morning po." Bati ko sa iisang taong nasa opisina, nakaupo sa desk; mukhang sekretarya niya. "Pinapunta po ako dito ni Congressman..."

"Sorry, wala kasi siya ngayon eh...may pinuntahang press conference. Wala rin siyang nabanggit na may pupunta dito kasi...di naman araw ng consultation today."

Nanlumo ako ng kaunti. Sayang pamasahe ko.

"Ay, tignan ko, tawagan ko siya."

Hinawakan niya ang cellphone, sabay dial. Ring. Ring. Mga ilang minuto din bago may nakasagot. Hinayaan ko na lang silang magusap kahit na wala akong naiintindihan sa sinasabi nila.

"Kayo po ba si Gab...Ignacio?" Tumungo na lang ako.

"May iniwan palang check sa iyo para sa scholarship assistance? Tignan ko lang ah." Mga ilang minuto din niyang kinalikot ang mga cabinet hanggang sa...

"Pa-sign na lang dito. Sabi din niya, kung may kailangan ka, tumawag ka na lang daw o kaya pumunta ka dito sa office. May dagdag pa daw iyan."

Pinasalamatan ko siya sabay labas sa opisina. Tinignan ko bigla ang tseke - P100,000? Totoo ba ito? Di nga?

Nag-dilang anghel nga si Vernon. Makakabalik na ako sa wakas!

ElesiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon