HINDI pa din mawala sa mga mukha nila ang pagkabigla, dahil akala nila lalaki ako. Hindi ko din alam kung maiinsulto ba ako o ano eh.
Gustong gusto kong magsalita ng masama dahil sa akusasyon nila sakin. Sa ganda 'kong 'to, napagkamalan pa akong lalaki? Grabe!
"So you're from?" Tanong ni Joshua sakin na medyo nahimasmasan na sa mga nakita at nalaman nya.
"Philippines." Maikling sagot ko.
You can't tell others about yourself.
Biglang nag-echo sa tenga ko ang boses ni Sir Louie. Being impormative in this job, is not acceptable. Rules are rules.
"How old are you?" Vernon asked me.
"Twenty-three." I lied. Twenty-one pa lang ako!
"Naneun yeoja in hanyeoga pyeon-anhaji anhseubnida." I'm not comfortable having a maid who is a girl. Napatingin kami sa lalaking nagsalita. Ang lalaking humila ng sumbrero ko kanina, yung nakaputi, si S.Coups.
"Let's consider her here. Manager said it will not be permanent." Saad ni Joshua. "Let's go, i'll take you to your room." Pag-aaya nya. What a gentleman.
Hinila ko naman ang maleta ko nang akmang kukuhanin ito ni Joshua. Not my things.
"I can handle this. Please lead the way." Nakangiti kong sabi sa kanya, kahit na nagngi-ngitngit na ang loob ko sa inis.
"You can sleep here in this room, it is actually vacant. We clean this a week ago." Nakangiting paliwanag sakin ni Joshua.
"Thank you."
Ngumiti lang sya sakin bilang sagot. Pagkapasok ko sa loob ay sinara nya ang pintuan kaya malaya akong nakakilos. Nilapag ko ang bag ko sa kama at tinabi ang maleta ko sa isang gilid. Nilibot ng mata ko ang buong kwarto. Mas malaki pa ang banyo ko sa kwarto na 'to, pero pwede na.
Pero sanay na 'ko matulog sa mga iba't ibang bahay o lugar, kaya wala na sakin ang mga ganitong sitwasyon, kaya kong makatulog may kutson man o wala.
Kinuha ko ang cellphone ko at tatawagan sana si Elodie, para makibalita sa nangyare sa kanya, kung pinarusan ba sya o pinalagpas na naman. Pero bago pa ako makagawa ng tawag ay may biglang kumatok sa pintuan.
"It's already lunch, can you cook for us?" Napapikit ako ng marinig ang boses ni Vernon.
Hanggang ngayon naiinis padin ako, dahil sa ginawa nilang rason para mabantayan ko ng malapit ang lalaking 'yon. Mas gusto pang makipagbarilan sa mga rebelde sa Iraq!
"Wait. I'll just change my clothes." Sigaw ko. Ramdam ko naman na umalis na sya sa tapat ng pintuan kaya nakahinga ako.
Habang nag-iisip ako kung anong lulutin, ay dinig ko ang tawanan nila habang nanunuod ng tv sa salas. Bigla akong napasimangot, dahil hindi ko alam kung anong kinakain nila.
Kung sila Elodie o Evie lang kasama ko ngayon ay wala akong maririnig na reklamo, dahil kahit anong lutuin ko ay masarap para sa kanila.
"You need help?" Napatingin ako sa nagsalita sa gilid ko.
"Slight. I don't know what you all like to eat." Diretso kong sagot sa kanya.
"Any korean food? We're korean." Nakangiwing suwestyon sakin ni Joshua.
"I am not familiar on how to cook food in Korean way."
Napakamot naman sya dahil sa sagot ko. Halatang hindi din nya alam anong sasabihin sakin. Napabuntong hininga ako dahil sa frusrasyon na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Don't Wanna Cry (Seventeen's Fanfic) [ MILITIA SERIES 1 ]
FanfictionSerenity's life is not perfect but she's trying atleast to make it near as perfect for her to help the world. All of her life, she never felt the happiness that will last until forever, if there is one. She can't make mistakes, because if she make j...