PAGKATAPOS NAMING kumain, ay tinulungan ako ni Joshua at DK maghugas ng pinggan. Kaya ko naman, pero sabi nila tutulong na din daw sila para mapadali.
"Deo galeuchyeojuseyo!" Teach me more! Sabi ni DK sakin habang nagpupunas ng pinggan. Natawa naman ako sa pagiging hyper nya habang tumutulong sakin.
"Hanmadi man haejuseyo." Give me some words. Sabi ko sa kanya.
"What is 'You are'?" Napalingon ako kay Joshua ng sya ang magtanong.
"Ikaw ay." Sagot ko ng nagtataka.
"And what is 'Beautiful' in your words?" Napatigil ako dahil sa tanong nya.
Alam ko na kung saan mapupunta 'to!
"Maganda." Mahina kong sagot sa kanya. Gusto ko man magsinungaling ay parang pagtataksil na din yung sa salita namin.
"Then..." Humarap sya sakin habang nakangiti, "Ikaw ay maganda." Banggit nya. How could this man be so good in every language?
Tinignan ko lang sya habang pinoproseso ng utak ko ang sinabi nya. Hindi naman ako ngayon unang nakarinig ng ganyang papuri, I recieved that a lot. Pero nung si Joshua na ang nagsabi ay tila nahiha ang buong lahi ko.
"Salamat." Sagot ko gamit ang salitang tagalog.
"Geunyeoneun gomabdago malhaessda, hyung!" She said thank you, hyung! Sabat ni DK samin habang tumatawa.
"Geogiseo an haess-eo? Mul nangbileul jungjihasibsio." Aren't you done there? Stop wasting water. Narinig namin ang isang malalim na boses na tila iritado, dahil sa tono na gamit nya.
"Hyung, ulineun kkeutnassseubnida." Hyung we're done. Sagot ni DK sa kanya.
Pinunasan ko ang kamay ko atsaka humarap sa lalaki na nasa likod namin. The grumpy man.
"Mulgeon-eul pojanghasibsio. Dangsin-eun uliwa hamkke ol geos-ida." Pack your things. You'll come with us. Utos nya sakin pagkatapos tumalikod.
"Pek yor tengs yol kam wed as." Panggagaya ko sa sinabi nya atsaka pinagpagan ang damit ko. Asar talaga eversince si S.Coups.
Napatingin naman ako sa gilid ko ng makita na tumatawa si Joshua dahil sa ginawa ko. Nginitian ko na lang sya, atsaka nagpaalam na aakyat na ako sa taas.
NAPATITIG AKO sa kawalan dahil sa pagkabored ko. Dalawang araw na ang nakalipas at kahapon pa kami nandito sa Japan, para sa concert ng Seventeen. Hindi ko na nga namamalayan ang oras. Gusto kong magreklamo na ayaw kong pumunta dito pero wala akong magagawa.
Kinuha ko ang cellphone ko ay tinext si Naya. Buti na lang roaming ang sim ko, pwede all around.
'Track me. I need some eyes.'
Binulsa ko na ang phone ko pagkatapos ko syang i-text atsaka nilabot ng mata ko ang Yokohama, Japan. Anong gagawin ko dito ngayon aber?
"Punta kaya ako sa bahay?" Bulong ko sa sarili ko. "Tama matagal na din simula ng nakadalaw ako sa bahay namin."
Nagpaalam ako sa Manager ng Seventeen na may pupuntahan lang akong lugar at sobrang sandali lang akong mawawala. Pumayag naman sya dahil nagpa-practice pa daw ang grupo. Sumakay ako sa taxi atsaka sinabi ang eksaktong address. Inabot ng isang oras mahigit ang byahe, at nasa tapat na ako ng bahay na pangalawa naming napundar.
Pumasok na ako sa loob atsaka tinignan kung may mga bagay bang nabago o nawala simula ng huli akong pumunta. At infairness, nalilinis naman sya ng caretaker na kinuha ko.
BINABASA MO ANG
Don't Wanna Cry (Seventeen's Fanfic) [ MILITIA SERIES 1 ]
FanfictionSerenity's life is not perfect but she's trying atleast to make it near as perfect for her to help the world. All of her life, she never felt the happiness that will last until forever, if there is one. She can't make mistakes, because if she make j...