Chapter 33

21 2 0
                                    

PAGKAGISING namin kinabukasan ay agad naming pinagusapan ang mga dapat naming gawin. Malapit na ang concert ng Seventeen sa New York. Dahil ang time difference ng Korea at New York ay 12 hours, at ang araw ngayon dito ay lunes, kaya naman sa tantsa ko ay martes sa lugar na kung nasaan ang Seventeen.

"We need to find anything here before we go there, and finish this all at once." Napatango naman sila sa sinabi ko.

Maagang umalis si Uniques at nagtataka pa nga ito kung bakit daw ako nasa Korea, samantalang ang sinabi sa kanya ni Naya ay hindi na daw ako babalik dito. 'Akala ko din.' Yun na lang ang sinagot ko sa kanya para hindi na sya lalong magtaka.

"I've been digging some websites and even some non-illogical things, since last night, but I can't find anything. Hindi ko alam kung sinong may gawa nito." May halong inis at frustration na saad ni Brinley samin habang umiinom ng kape sa tasa nito.

"Have you tried checking Luna?" Lahat kami napatingin kay Elodie dahil sa sinabi nya.

"Shit, no." Mahinang usal ni Brinley kasabay ng paglingon nya kay Celeste na syang inilingan lang sya.

"Please, go, check and update me if you have anything." Tinuro ko pa ang kamay ko sa gawi ng lamesa sa salas kung nasaan ang laptop na dala dala nya.

"On it." Sagot nya sabay tayo habang buhat buhat pa sa kamay nya ang iniinom nyang kape.

Binalik ko ang tingin sa mga kasama kong kumakain sa lamesa. "Kailangan na nating matapos 'to sa lalong madaling panahon. If we can polish this mission before the week ends, then the Officials can lift Elodie's punishment."

"I don't mind if they want me in house arrest mode." Kibit balikat naman na sagot sakin ni Elodie na syang inilingan lang ni Evie bago ito nagsalita.

"That's not the thing, Elo. Nasa deliberation ang kaso mo ngayon, at kapag walang kahit na anong nangyare na maganda sa mga inuutos ng Officials ay maaring madawit ang pangalan mo pati na ang kaso mo, at may posibilidad na matanggalan ka ng lisensya." Paliwanag ni Evie sa kanya kaya naman natahimik ito at napahigpit ang kapit sa kutsarang nasa kamay nya.

"Let's not wish for that to happen. We can do this before the week ends." Hinawakan ko ang kamay ni Elodie pagkatapos kong magsalita ng ganon.

As much as I can, I will everything in my power to make my team still intact for the longest time. Walang kahit na ano ang pwedeng manira at magpahiwalay saming lahat.

"We need to fly to New York at this afternoon, so that we will be there by morning or by midnight." Anunsyo ko sa kanila.

"Hindi kaya magahol tayo sa oras? We need to check the perimeter and all of the nearest surroundings of the concert place. Hindi pwedeng maubusan tayo ng oras para protektahan sila." Napaisip naman ako sa sinabi ni Celeste.

Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita, "Stick to the flying hours. We will just change the things we have to do when we arrive there. Wala tayong oras para magpahinga kaya naman sulitin nyo ang mga natitira nyong libreng oras."

"This will be a long day." Tila pagod na saad ni Evie kahit na wala pa kaming nasisimulan.

Tinapos na namin ang pagkain at nagsimula na kaming magayos ng mga gamit. Tinignan ko ang oras sa relos ko at nalaman kong alas-dos na ng hapon. Ganoon kabilis lumipas ang oras namin ng hindi namin namamalayan.

"Brinley, the plane." Utos ko sa kanya na syang sinagot nya lang ng tango.

Nagiwan na lang ako ng sulat kay Uniques na isara nya ng mabuti ang lahat ng pintuan ng bahay dahil hindi kami uuwi miski si Naya. Siniguro ko din na nakabukas ang lahat ng CCTV sa labas at loob ng bahay para mamatyagan ko ang dalawang bata na nasa loob nito.

Don't Wanna Cry (Seventeen's Fanfic) [ MILITIA SERIES 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon