Chapter 7

27 3 0
                                    

PAGKATAPOS kong iwan sila sa Evie sa labas ay saka lang ako pumasok sa loob ng concert hall. Pagkabalik ko sa loob, ay napag-alaman kong malapit ng matapos ang concert nila.

Ilang oras ba akong nawala? Dalawa? Tatlo? Hindi ko na namalayan.

Dire-diretso lang akong pumasok sa dressing room ng Seventeen, atsaka kinuha ang bag ko sa gilid. Hanggang ngayon ay malakas pa din ang mga hiyawan nila, tila hindi sila napapagod sa pagsigaw sa labas.

Ito pa lang ang unang beses na makikita ko silang mag-perform, pero ayun at nabulilyaso pa. Sayang. Napapikit ako dahil naalala ko na naman ang mukha ng lalaking 'yon. Bwiset.

Narinig kong tumugtog ang isang masiyahin na kanta sa stage, atsaka nagsimulang kumanta si DK.

Napasimangot na lang ako, dahil gusto kong manuod pero hindi ako makilos ng maayos. Medyo marami din ang nawalang dugo sakin kaya nanghihina ako.

I gibun-eun mwoya eotteoghae.

Sobrang lambing ng boses ni Joshua at napakadaling malaman ang boses nya sa kanilang lahat.

Aju nice!

Mas lalo akong napasimangot ng marinig ang boses nilang lahat na sabay sabay sumigaw ng 'very nice'. Tumayo ako at naglakad papunta sa harap ng salamin atsaka inayos ang suot kong hoodie na binagay ni Evie sakin kanina. Saan nya kaya binili 'to? Maganda, infairness.

Meosjin namja doegopa fitness kkeunh-eun geos gat-ae?

Narinig ko ang malalim na boses ni Vernon na nagra-rap sa stage. Infairness ang galing nya mag-korean kahit na half-american sya. Sana all.

Oneul nalssi neoleul manh-i dalm-a neoege ganeun gil-eun kkochgil-i doego.

Boses naman ngayon ni Joshua ang naririnig ko. Sobrang blessed din ng lalaking 'to. Isipin mo yun, good facial looks, tas wonderful voice? Total package din. Talent.

Actually pwede naman akong lumabas para manuod, pero mas pinili ko na lang na mapirme dito sa loob ng dressing room. Ayaw kong gumawa ng eksena, lalo na kapag nawalan ako ng malay dahil sa kalagayan ko.

"Mwoya eotteoghae!" Nanlaki ang mata ko dahil sa boses ng isang babae na kumanta. What a fan service.

She's a lucky fan. Saad ko sa isip ko.

Makaraan pa ang ilang saglit ay narinig ko ang hiyawan ng mga tao at ang pagtigil ng tugtog sa stage.

"Gamsahabnida!" Rinig kong pagpapasalamat ng Seventeen sa mga fans nila. Tapos na?

"Sum-i chaseo bab naemsaeganayo." I smell puffed rice. Napakunot naman ang noo ko dahil sa narinig ko. Sino yun? Wag mong sabihin na 'yun ang gusto nilang kainin mamayang pag-uwi? Pakshet.

Narinig ko pang nagtanong sila about sa puffed rice, pero nagsimula muli ang kanta, kaya nagsigawan ulit ang mga tao. Pati sila ay sumigaw din habang kumakanta.

Natawa naman ako dahil sa concert nila. Are they being played while having their concert? Or is this part of the concert?

Natapos na ulit ang kanta at nagsalita si Seungkwan habang hinihingal. Ikaw ba naman kasi kumanta habang nagtatalon at sinasayawan ang mga tao, hindi ka ba naman hihingalin.

Don't Wanna Cry (Seventeen's Fanfic) [ MILITIA SERIES 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon