Chapter 16

19 2 2
                                    

INALALAYAN AKO ni Naya pagkababa ko ng hagdan. Gamit pa din namin ang pribadong eroplano na inipon namin para sa biglaang pangangailangan.

"Hindi naman halata na masaya ka 'noh?" Napaismid naman ako dahil sa sinabi nga.

"Napaka-kontrabida. Bwiset." Inis na baling ko sa kanya.

"Dalian mo na." Hinawakan nya ang kaliwang braso pagkatapos ay bumulong, "Tulak kita dito eh."

"Tulak mo. Tignan naten kung makita mo pang buo 'yang kamay mo." Nagulat naman sya sa pagbabanta ko. Akala nya ata hindi ko sya maririnig.

Pagkasakay namin sa kotse ay sya ang nag-drive. Nasa passenger seat naman ako, at nakatingin sa labas ng bintana.

"Pinadala ni Brinley ang motor mo dito." Napangiti naman ako dahil sa binalita nya. Hindi na ako sumagot sa sinabi nya. Tumingin lang ako sa labas at hinihintay na makadating kami sa dorm. Miss ko na sila!

"Call their manager and ask them if where are they." Hindi ko na kailangan pang tignan si Naya, dahil naramdaman ko na ginagalaw nya ang phone nya habang naka-stop ang traffic lights.

"Hello, Manager." Seryoso nyang bungad, "Yes." Tumigil sya, "Where?" Ngumiti naman sya, "Oh. Okay. Thank you." Tinignan ko sya at naghintay sa sasabihin nya.

"Wala daw sila dito sa bansa. Kakaalis lang daw nila para sa concert tour nila. It will take them three days before they come back."

"Good. Pwede akong magpahinga sa loob ng tatlong araw na 'yon." Napangiti ako dahil sa naiisip ko. I'll suprised them!

Pagkadating namin sa tapat ng dorm ng Seventeen ay tinulungan lang ako ni Naya umakyat sa taas, pagkatapos ay umalis na din sya. Pagkapasok ko ay laking gulat ko ng makita na malinis ang dorm.

Walang kalat? Ano meron?

"Himala ba 'to?" Inalis ko ang jacket ko, "Shit. Nanaginip ata ako?" Tinapik ko ang pisngi ko. Pakshet! Tunay 'to! Malinis yung dorm! Grabe!

"Siguro naglinis na naman si Mingyu o The8 dito." Naglakad ako papunta sa kusina para tignan kung marumi o may tirang pagkain na nakalagay 'don, pero wala.

"Bongga ang himala ngayon." Bulong ko sa hangin pagkatapos ay sinara ang ref. Tinignan ko ang mga damit na nakasampay sa salas atsaka kinapa ito kung tuyo na ba o hindi. Kaninong damit ba 'to?

"Hoshi." Iniangat ko ang damit na hawak ko, "Dino."

Galing talaga ng dalawang 'to. Minsan talaga sarap kurutin sa mukha dahil sa pagiging masipag. Tiniklop ko ang mga damit na naka-hanger at nilagay ito sa damitan nila. Binalikan ko naman ang mga hanger na nakakalat sa salas at dahan dahan itong inayos sa may labahan sa likod.

Hindi padin magaling ang sugat ko sa tyan. Hanggang ngayon ay iniinda ko padin ito. Sino ba naman kasing magsabing magpabaril ka? Napairap naman ako dahil sa naisip ko.

Dahan dahan akong kumilos at binuksan ang pintuan. Nagulat naman ako ng makakita ng isang box sa tapat ng pintuan. Ano 'to?

Dinala ko ang box sa loob ng dorm, saka ito binuksan. Gulat akong napatingin sa nakita ko.

"I'll send some pictures. Find the culprit!" Pagkatapos kong tawagan si Naya ay tinitigan kong mabuti ang laman ng box.

Mga picture ni Joshua sa iba't ibang anggulo. Stalker. May mga litrato na nakahubad sya sa pantaas at meron naman na wala syang ulo. Edited.

"Sinong tarantado ang gagawa nito?" Napakunot ang noo ko dahil sa naalala ko ang sinabi sakin ni Sir Mel.

'Hindi mo alam kung kelan at saan pwedeng mangyare ang insidente. Magugulat ka na lang, isang araw nangyayare na.'

Don't Wanna Cry (Seventeen's Fanfic) [ MILITIA SERIES 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon