Prolouge

75 2 0
                                    

Pinalaki ako ng mga magulang ko na may paninindigan. Yung tipong, kapag alam mong nasa tama ka, ipaglalaban mo.

Isa na din siguro 'yong dahilan kung bakit sa murang edad ko ay pumasok ako sa Militar. Namulat ako sa buhay kung saan, ang tatay ko isang mataas na opisyal sa isang organisasyon na may mga mayayamang kasapi.

Pinalaki nya ako na walang takot sa kahit na ano, maliban sa Diyos.

Nasanay ako sa loob ng kampo na wala kang ibang kakampi, kundi ang sarili mo. Nasanay akong maging matigas, at malamig ang pakikitungo sa mga tao sa paligid.

Tipong may tiwala ka sa kanila, pero hindi yung lubus-lubusang pagtitiwala.

Pero simula ng makilala ko sya, nagbabago ako. Lumalambot ako, at yun ang hindi ko matanggap.

Hindi ko matanggap na isang lalaki ang tutunaw sa puso ko. Isang tao na nasa rurok ng kasikatan na syang kinaayawan ko.

Pero ..

Sa dami ng maling nagawa ko, at mga maling gagawin ko ... kaya pa kaya nya akong mahalin?

Kaya ba nyang mahalin ang isang taong kabaligtaran ng gusto nya? Na hindi kayang magtiwala sa kanya o sa nararamdaman nya?

Pu-pwede ba ang uri ko, sa isang katulad nyang tinitingala at iniidolo ng mga tao?

Don't Wanna Cry (Seventeen's Fanfic) [ MILITIA SERIES 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon