Chapter 18

14 4 1
                                    

NAPATINGIN AKO sa langit ng makitang papadilim na. Nakita ko naman sila na inaayos ang mga pagkaing binili nila at nilatag sa lamesa na inaiayos nila sa labas. Minsan napapaisip ako sa dami ng kinakain nila. May mga sawa ata sa tyan 'tong mga 'to dahil ang lalakas kumain.

"San ka boss?" Narinig kong tawag ni Naya sakin sa kabilang linya.

"Bakit?"

"Wala lang. Medyo tomguts na ko eh. Need na ng stomach ko mag-recharge."

"Can you stop doing that everytime you're hungry?" Inis na tanong ko sa kanya atsaka tumayo sa pwesto ko.

"Gutom na ko SS."

"Maghintay ka, papunta na 'ko dyan." Pumasok ako sa loob ay nakitang nagluluto si DK at Woozi. Pasimple akong lumapit sa fridge na syang iniwasan din ako ng camera. Buti naman. Baka pag nahagip ako nyan kuhanin pa akong artista.

Kumuha ako ng pagkaing pwedeng lutuin sa loob at dahan dahang umalis. Hindi ko alam na ganito pala kahirap kapag kasama mo silang nagsu-shoot ng mga variety shows nila. Hindi ka makakilos ng maayos o kaya naman makapunta sa lugar na gusto mong puntahan, dahil pakalat kalat ang mga camera.

Pagkalabas ko ay nakasalubong ko sa S.Coups. Akmang hahawakan nya 'ko ng umatras ako dahil may camera man na papalapit sa pwesto namin. Seryoso lang akong nakatingin sa kanya habang umaatras.

You can't mess up your celebrity life, because of me.

Tumalikod na 'ko at dumaan na lang sa may pintuan sa kusina. Alam ko naman na pwedeng i-edit ang mga clips na mare-record nila ngayon pero lumayo pa din ako. Hindi ko alam bakit, pero ng makita ko sya ay parang bumalik ang inis ko.

Naalala ko ang mukha nya habang masayang nakikipagkwentuhan kay Luna kanina. Hindi nya man lang alam na masamang tao ang nasa harap nya. Hindi man lang nya naisip na baka nasa paligid lang ako at pwedeng makita sila.

"Oh. Ba't ganyan mukha mo?" Bungad sakin ni Naya habang nakatingin sa mukha ko.

"Nothing." Nilapag ko ang mga dala ko sa harap nya pagkatapos ay dumiretso sa dirty kitchen dito sa maliit na kwarto.

Akala ko nung una stock room talaga 'to o di kaya tambakan ng mga maduduming gamit sa garden. Yun pala kapag pumasok ka sa loob may maliit na pintuan at may kwarto pa sa loob na kumpleto ang mga gamit.

"Why are you sulking?" Nilingon ko si Naya na syang nasa likod ko.

"I'm not."

"I know you, SS. Anong nangyare?"

Hinarap ko sya habang nakasimangot ako. "Hindi ko din alam. Naiinis ako kapag nakikita ko yung mukha ni Seungcheol. Naiisip ko yung mga ngiti na binigay nya kay Luna kanina. Gusto ko syang saktan sa hindi ko malamang dahilan."

"Baliw ka na." Natatawa nyang saad sakin atsaka tumalikod.

"Anong baliw? Baka ikaw."

"Nagseselos ka. Normal lang yan, lalo na kapag gusto mo yung tao." Napatigalgal naman ako sa sinabi nya.

Ako? Nagseselos?

"Kay Luna?" Gulat na tanong ko, "Fuck no! Ba't naman ako magseselos sa babaeng 'yon? She's nothing but a bitch to me!"

"Yes, she is to you, but for him, no." Seryoso nyang paliwanag sakin, "She's the one who's giving them the time to enjoy theirselves right now. Alam ko na kaya mo ding gawin 'yon, pero sa lagay mo ngayon... I don't think so."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Naya pero alam ko sa sarili ko na may punto sya. Siguro nga nagseselos ako. Sobrang bago sakin, pero sobrang sakit din kung iisipin.

Don't Wanna Cry (Seventeen's Fanfic) [ MILITIA SERIES 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon