CHAPTER 23

460 18 1
                                    

ACCIDENTALLY BEING IN A RELATIONSHIP WITH HIM

"Tangina naman nitong dala mo, Rhian! Ang dami tapos ang bigat pa."

Napatingin ako kay Matt na hirap na hirap sa maleta ni Rhian. 'Yong mukha niya lukot na lukot, halatang nahihirapan talaga. Napatingin ako sa bagahe ni Rhian. Grabe nga, ang laki ta's may buhat pa siyang bag. Ako ang naaawa kay Matt.

"Pake mo ba? At saka sino ba nagsabi sa 'yo na hilain mo 'yang maleta at buhatin ang bag ko?" Kahit kailan talaga ang aso't pusa nila. Ang aga-aga tapos—haynaku!

Sinamaan siya ng tingin ni Matt. "Taena, ikaw na nga 'tong tinutulungan tapos ikaw pa galit? Bahala ka nga riyan!" Binitiwan ni Matt ang maleta at binaba ang bag na buhat saka iniwan na lang basta. Mukhang napikon na ang ulupong.

"Ang kapal mo! Bumalik ka rito. Ilagay mo 'to sa van kung hindi, talagang humanda ka sa akin. Kinuha-kuha mo tapos—kainis!" Nagpapadyak si Rhian sa sobrang inis dahil binalewala siya ni Matt at nagtuloy-tuloy lang ito sa paglalakad papunta rito sa may van. Nakabusangot ito. Mukhang pikon talaga siya kay Rhian.

"Oh, bakit hindi mo tinulungan 'yon?" Gavin smirked.

Matt gave him a death glare. "Hayaan ninyo 'yan. Napakaarte, akala mo kung sino." At pumasok na sa van. Nakaupo siya habang nakapoker face.

Tumingin muli ako kay Rhian at halatang hirap na hirap ito habang hatak-hatak ang maleta niya at buhat ang bag. Siya na lang ang hinihintay namin dahil siya ang pinakamalayo sa amin. Inisa-isa kasi kaming sinundo nila Migo. Unang sinundo ay si Shayla, sumunod ako at ito nga, si Rhian na lang ang kulang.

"Shit! Shit! Shit!" Mura nito habang sinusubukang hilain ang maleta niya. Bakit kasi ang daming dinala? Lalapitan ko na sana siya dahil naaawa na talaga ako sa kaniya pero may biglang humawak sa balikat ko. Napatingin ako rito at si Migo lang pala.

He shrugged. "Huwag, hayaan mo siya. Hindi niya na kailangan ng tulong mo."

Kumunot ang noo ko. "Anong hayaan? Alam mo ba 'yang sinasabi..." hinawakan niya ang baba ko at hinarap ako kung nasaan si Rhian. Nanlaki ang mata ko dahil naglalakad na papalapit sa kaniya si Matt. Pa'no siya—nasa loob 'yon kanina, ah? Ang bilis naman. Nang makalapit ito'y kinuha niya ang maleta at bag kay Rhian at saka naglakad pabalik dito. Gulat ang rumehistro kay Rhian sa nangyari at hindi makagalaw sa pwesto niya.

Nang mapansin ata ni Matt na hindi nakasunod sa kaniya si Rhian ay huminto siya at nilingon ito. "Ano? Tutunga-tunganga ka na lang d'yan? Bilisan mo, ikaw na lang hinihintay."

Nabalik sa wisyo si Rhian at sumunod na kay Matt. Nakaramdam ako ng kilig sa kanilang dalawa. May spark talaga, e.

"Told you, she doesn't need your help. Dahil nand'yan si Matt."

Napatingin ako kay Migo at nginitian siya. "T-Tama ka..."

He laughed. "Ako pa ba?" Ginulo niya ang buhok ko. "Tara, pasok na tayo."

Tumango ako sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko at ginaya ako papasok. Napangiti ako ng palihim. 'Gentleman...'

Nang makapasok ako'y sumunod na rin siya. Magkatabi kaming dalawa at sa may bintana ako nakapwesto. Nang makaupo siya'y tahimik lang siya na talagang nakapagtataka lalo pa't parang may malalim siyang iniisip.

"Akala ko ba hayaan?" Asar ni Gavin kay Matt na papasok na sa loob matapos nilang ilagay ni Rhian ang mga gamit nito sa likod.

"Gago!" At tuluyan nang pumasok sa van. Nakasunod sa kaniya si Rhian na tahimik na ngayon hindi katulad

"An'yare sa 'yo?" tanong ni Shayla.

"W-Wala..." Napaiwas siya ng tingin at saka pumasok sa loob. Nagkatinginan kami ni Shayla na nasa harap ko. Mukhang pansin niya rin ang kakaiba sa dalawa. Hmm, something fishy...

Accidentally Being in a Relationship with Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon