CHAPTER 4

635 23 5
                                    

ACCIDENTALLY BEING IN A RELATIONSHIP WITH HIM

I thought I was just imagining things, na baka mali lang ako sa mga naiisip ko. Ayaw kong manguna sa lahat pero...hindi ko maiwasang maalala ang tingin ni Ninang kanina kay Migo.

She even smiled at him.

What if totoo nga? Totoo 'yong naiisip ko na si Migo ang anak ng ex ni Ninang? Pero...kung siya nga, why Migo doesn't know about Ninang? Bakit hindi niya alam na si Ninang ang ex ng Dad niya? Gulong-gulo ako habang nagkaklase. Parang wala ako sa katinuan ko. Hindi ko nga matandaan kung anong lesson dahil occupied talaga ang utak ko.

"Okay, class. Tomorrow, may quiz kayo. Study about our topic today. Dismiss." At lumabas na ang last professor namin ngayong araw.

Nabalik lang ako sa wisyo ng gulatin ako ni Shayla. "Hey! Tulala ka riyan!"

Nginitian ko lang siya. Umupo siya sa katabing upuan ko.

"Haynaku, Sheena. Sabihin mo na lang kung ano, hindi mo kami maloloko. "

"True," sang-ayon ni Rhian.

Sinamaan ko siya ng tingin. Binatukan ko nga. "Kasalanan mo 'to, e!"

"Aray, ah! Ano na naman?" Hawak-hawak niya ang batok niya.

"Ikaw kasi, e. Kinuwento mo pa sa ulupong na 'yon. 'Yong about kay Ninang."

Kumunot ang noo niya. "Ano naman? May mali ba?"

"Nagtanong ka pa talaga, ah?" Nagpeace-sign siya.

"Bakit ba, Sheena? May kinalaman ba 'yon kung bakit ka nagkakagan'yan?" tanong ni Shayla.

Nag-iwas ako ng tingin. "O-Oo..."

Lumapit sila sa akin at binigyan ako ng makahulugang tingin.

Napabuntong-hininga ako. Alam ko 'yang gan'yang tingin nila. Nagsimula na akong magsalita. "Kasi...mukhang—wait! Narinig ninyo ba 'yong sinabi kanina ni Migo?"

Kumunot ang noo nila. So it means 'di nga nila narinig.

"Atin, atin lang 'to, ah? Kasi...kanina sabi ni Migo. 'Yong Dad niya may girlfriend dati tapos nawala na lang daw 'yon na parang bola kasi may nabuntis daw ang Dad niya pero hindi pala totoo..."

"Huwag mo sabihing..."

"Si Migo ang anak ng ex ng Ninang ml?" sabay nilang sigaw. Pinanlakihan ko sila ng mata. Putek, sabing dapat kami lang.

"Hey, bakit narinig ko ang gwapo kong pangalan? Ano meron?" tanong ni Migo at inakbayan ako.

Buset talaga.

Inalis ko ang pagkakaakbay niy at tumayo ako. Knuha ang bag ko. Aalis na sana ako pero may humatak sa bag ko kaya 'di ako makaalis. Tinignan ko ito at si Migo pala ang may hawak.

Pinagtaasan ko siya ng isang kilay. "Pwede ba, bitiwan mo ang bag ko? Aalis na ako."

"Ano muna pinag-uusapan ninyong tatlo? Bakit narinig ko pangalan ko?" tanong niya.

"Wala ka na—"

"Baka ikaw raw ang anak ng ex ni Ma'am Amethyst," singit ni Rhian.

"What?" 

Sinamaan ko muli si Rhian ng tingin. Kahit kailan talaga ang ingay nila. "Ops! Sorry..." Nagpeace sign ulit siya.

Umupo si Migo sa may desk at tinignan ako. "So, paano mo nasabi na ako 'yon?"

"Wala ka na ro'n..."

"Nando'n ako, nabanggit nga pangalan ko, e. So pa'no nga?" tanong niya.

I rolled my eyes. "It was just a theory. Hindi pa ako sure, okay?"

Bigla siyang tumayo at hinawakan ang kamay ko. Nagtaka naman ako.

"T-Teka, bakit?"

"Let's make it sure. Malay mo, di ba?"

"Wa—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil hinila na niya ako.

Narinig ko naman ang mga tawag sa akin nila Rhian pero hindi ko sila masagot dahil hila-hila pa rin ako ni Migo.

"Hey, bro! Oh, saan kayo pupunta?" tanong ni Matt. Kaya pala tumigil siya kakahila sa akin e.

Kita ko ang pagngisi ni Migo. "Ipapakilala ko lang 'to kay Dad."

Mukhang nagulat ang dalawang kaibigan ni Migo sa sinabi niya.

"Woah, iba na 'yan, ah? Meet the parents na. Totohanan na pala." Ani Matt.

"Mali ka ng—"

"Totoo naman, ah?" Bumaling sa akin si Migo. "Di ba, misis?"

I raised my middle finger. Narinig ko ang kantyaw ng dalawa niyang kaibigan sa ginawa ko.

"Wala ka pala, Bro. Wala, Gav. Mahina 'tong kaibigan natin," ani Matt at nakipag-apir kay Gavin.

"Mga gago! Sige, alis na kami." Ani Migo at hinila na naman ako.

Hindi niya ba alam na nasasaktan ako sa hila niya? Loko 'to.

"Go, bro! ingat ka r'yan, Sheena! matinik ang isang 'yan! Hoy, Migo! Huwag mo dalhin agad sa kwarto mo, ah? Baka buntisin ml na agad 'yan nang 'di pa nakikila ni Tito," rinig kong sigaw ni Matt.

Hindi ko mapigilang mamula sa kahihiyan. Mga bastos talaga. Ilang minuto rin ang lumipas at tumigil na sa kakahila sa akin si Migo. Nasa may parking area na pala kami. Nakita ko na hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko.

Tumikhim ako kaya binalingan niya ako. "What?"

Tinignan ko ang kamay namin na magkahawak. "'Yong kamay mo."

Tumawa siya. "Bakit? Normal lang naman na hawakan ng boyfriend ang kamay ng girlfriend nila, ah?"

"Heh!" He chukled. Binitawan na rin niya ang kamay ko. Nakakapanghinayang pala. What? Anong sinabi ko? Iw, Sheena. Anong nakakapanghinayang? Kadiri.

Pumunta siya sa kabilang side ng kotse niya at binuksan ito. "Here, pasok na."

Pinagtaasan ko siya ng kilay. Impernes, gentleman ang loko. Pumunta na ako roon at sumakay.

Umikot muli siya at pumasok na sa kotse.

"Saan nga pala tayo pupunta?" tanong ko.

"Sa bahay namin. Ibabahay na kita."

"Migo!"

He laughed. " Chill, I'm just joking. Alam ko naman na hindi ka pa handa."

"Heh!"

"Pupunta tayo para masagot na 'yang tanong sa isip mo. Itatanong natin kay Dad kung si Ma'am Amethyst ba ang babae sa buhay niya noon."

"Pero what if nando'n ang Mom mo? Baka anong isipin no'n kapag tinanong natin ang dad mo tungkol kay Ninang...kung totoo man na siya 'yong ex ni Ninang."

Ngumiti siya. "Huwag ka mag-alala. 'Di magagalit 'yon. Mumultuhin ka lang."

"W-What? What do you mean?"

"My Mom is dead already..." Pagtapos sabihin iyon ni Migo. Tahimik lang siya buong byahe.

Okay...wrong move, Sheena...

Accidentally Being in a Relationship with Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon