CHAPTER 13

501 20 1
                                    

ACCIDENTALLY BEING IN A RELATIONSHIP WITH HIM

Mabilis na lumipas ang ilang araw at hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko between Migo and Aki.

"How? How it all happened?" Nasabi ko sa sarili ko.

"Are you okay, Sheena?" Nag-aalalang tanong ni Shayla.

"A-Ah-yes!" Nginitian ko sila. Mukhang hindi sila kumbinsido sa sagot ko dahil nagkatinginan silang dalawa at umiling-iling.

Humarang silang dalawa sa dinadaanan ko. They crossed their arms and waited me to say something.

"Spill it." Deretsahang ani Rhian na kinatango ni shayla.

"Oo nga, hindi mo kami maloloko, Sheena. Mga ganyanang awra mo halatang may pinoproblema ka." Ani Shayla.

Napabuntong-hininga ako sa pagsuko sa kanila. They knew me very...very well. Mga bestfriend ko talaga sila.

"So ano nga?"

"Ganito kasi 'yon..." Kinuwento ko sa kanila ang lahat nang nangyari no'ng umalis kami ni Migo. Tapos pati 'yong sinabi niya na magpinsan sila ni Aki. Nang masabi ko 'yon ay pati sila'y nagulat sa narinig.

"What? Seryoso ba 'yan? Bakit hindi mo alam 'yan?" tanong ni Rhian. 'Yan din ang tinatanong ko sa sarili ko. How it all happened? Me and Aki had been together for so long pero hindi ko nakilala si Migo.

"I don't know either. Hindi ko talaga alam na may namamagitan sa kanilang dalawa. T-That...they are relatives."

"Anong sabi sa 'yo ni Migo?"

Naalala ko na naman ang sinabi niya lang nang tanungin ko siya kung paanong naging magpinsan sila.

Nginitian niya ako no'n at nagsalita. "Isa lang naman ang dahilan, Sheena. Dahil si Aki lang ang laging nakikita mo..."

At iniwan niya ako sa labas ng bahay na walang pasabi. Nabalik lang ako sa wisyo no'n nang marinig ko ang pag-alis ng kotse niya.

After that day, inobserbahan ko siya pati si Aki. Doon ko lang narealize na may pagkakatulad silang dalawa pero ang nakapagtataka lang bakit hindi sila magkasundo?

"Oh, I knew it..." Ani Shayla nang marinig ang sinabi ko. Nilapit niya ang labi niya sa tenga ni Rhian at may binulong. Nagulat no'ng una si Rhian pero kalaunan ay napailing-iling ito.

"Kaya naman pala..."

"Hindi pa ako sure roon. Tatanungin ko pa lang." Ani Shayla. Tumango sa kaniya si Rhian.

Napakunot ang noo ko. "Bakit?"

Umiling silang dalawa pero halata mong may tinatago.

"Speaking of Aki, napansin kong hindi na lumalapit ang isang 'yon sa 'yo. Minsan pa nga ay kapag nakita ka niyang papalapit, siya na mismo ang lumalayo." Pag-iiba ni Shayla.

Oo nga, 'no? Napansin ko rin 'yon lately. Wala talaga ang isang 'yon puro salita lang. May paluhod pang nalalaman tapos gano'n. Nakaiinis siya. Hindi ko namalayan na nahulog ako sa patibong niya...umasa ako.

"Baka naman, may ginawa si Migo roon kaya nagkagano'n...malay ninyo. Si Migo pa ba? Expect the unexpected sa isang 'yon." Biro ni Rhian.

"Baliw! Ano naman ang naging konek no'n kay Migo?" tanong ko.

Parang hindi sila makapaniwala sa sinabi ko dahil tinapunan nila ako nang nagtatakang tingin.

"Are you serious about what you say?"

Tumango ako.

"Gosh! Sobrang manhid mo, girl. 'Di mo ba nakikita 'yong awrahan ni Migo pagdating sa 'yo. Sa mga mata pa lang, dai! Makikita mo na, he can do everything for you. Kahit ata ikamatay niya pa." Ani Rhian.

Accidentally Being in a Relationship with Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon