CHAPTER 16

444 18 0
                                    

ACCIDENTALLY BEING IN A RELATIONSHIP WITH HIM

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at bumaba na lang. Bakit? Ano pa bang gagawin ko roon? Papanourin silang maghalikan? Magsex sa harap ko? Damn! 'Di ako gano'n katanga para gawin 'yon...

They are disgusting! Lalo na 'yong Migo na 'yon! Akala mo kung sinong matino. Sabi-sabi pa na hindi playboy pero ngayon nakikipaghalikan? Yuck!

Pumunta na lang ako sa may parang mini bar dito sa bahay ni Matt at umupo sa isang upuan. Bigla kong natripang uminom ngayon. At saka wala namang magbabawal, e.

"Bigyan mo nga ako ng alak. 'Yong hard sana." Utos ko sa lalaking nasa harap ko. Napansin kong hindi ito kumilos at nakatayo lang siya sa harap ko. Napatingin ako rito at nag-aalangan ang tingin nito sa akin.

"Are you sure?" Wow! Englishero pala itong bartender ni Matt. Saan niya kaya ito nakuha? Tapos mukha pang may ibang lahi.

Pinagtaasan ko siya nang isang kilay. "Magsasalita ba ako kung hindi?"

He chuckled. "Sorry."

Kumilos na siya at may kung ano-anong ginagawa sa harap ko. Napapataas na nga lang ang kilay ko, e. Makalipas ang ilang minuto ay may alak na siyang nilapag.

Tinitigan ko 'yong alak na binigay niya. Kulay pink ito at may lemon pa sa gilid. "Masarap ba 'to?"

He shrugged. "We have different taste buds. So just try it. If you want to know..."

Sabagay tama nga naman siya. Hindi ako nagdalawang isip na lagukin 'yong binigay niya at parang nalukot ang mukha ko sa pakla nito. Tae! Ang pait! What the? Ganito ang alak? Bakit gustong-gusto ng iba 'to? Eh, ang panget ng lasa.

Tinignan ko siya nang nagtataka."Ganito ba talaga kapag alak? Mapait?" natanong ko na lang.

"Yep." He said and popped the p.

Nanghingi pa ako sa kaniya. Inom lang ako nang inom. Bahala na, kung mapait. Baka sakaling tumamis din kalaunan. Nakailan na ata ako at nakaramdan na ako ng kakaiba. Damn! Anong nangyayari?

Napakunot ang noo ko dahil parang umiikot ang paligid lalo na ang bartender sa harap ko. Hala? May alien ba? Tinuro ko siya. "Hey! Bakit ka umiikot? May magic ka ba? Hala! Pati 'yong bahay ni Matt gano'n din! Hala! Ano ginawa mo? Alien ka siguro, 'no?" Hindi pa rin siya tumitigil sa kakaikot. Hindi niya rin ako sinagot sa tanong ko bagkus ay nakatitig lang ito.

"Tumigil ka nga!" Ani ko pa. Ang bastos nito! Paglaruan ba naman ako.

"You're drunk, woman." Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Anong sinasabi nito? My name is Sheena, not drunk.

Tinaas ko ang kamay ko para makipagshake hands. "I'm Sheena, not drunk. Ikaw ata ang lasing, e."

Napailing-iling ito.

"Bigyan mo na nga lang ulit ako ng alak."

"But you-" Nilagay ko ang daliri ko sa may labi niya para hindi na niya matuloy ang sasabihin niya at manahimik siya. Nagulat siya sa ginawa ko pero nginitian ko na lang siya.

"A-Ang lambot ng labi mo hehe." Nasabi ko.

He cursed. He removed my finger and put it down.

"Nasaan ba ang mga kasama mo?"

Biglang naging doble siya sa paningin ko. Kumurap ako ng dalawang beses baka sakaling maging normal siya. Nang naging isa na siya muli sa paningin ko, sinagot ko siya. "E-Ewan. Sige na! Give me some, kung hindi magwawala ako." Panakot ko pa sa kaniya. "Or you want me to call Matt."

He even not scared on what I said. Nakatitig lang siya sa akin. Ah, ayaw mo maniwala, ah? "Matt! 'Yong bartender mo, ayaw akong bigyan ng alak!"

"As if he will hear you. And what? Bartender? The fuck!"

Accidentally Being in a Relationship with Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon