CHAPTER 29

514 24 2
                                    

ACCIDENTALLY BEING IN A RELATIONSHIP WITH HIM

 His Point of View

A butterfly.

Whenever she moves, it's effortlessly beautiful that even reminds me of a butterfly. She even has a soul as gentle as a butterfly whenever it lands on a flower. Whether she's with her friends, in the midst of the crowd, or out in nature, she gives off that certain je ne sais quoi that makes everyone around her mesmerized by her existence. If it needed a shred of evidence to that, I, myself, will provide my testimony. I'll be living proof of how her existence captivates and intrigues me even from afar.

As the moon needs the sun to brighten, the shadow needs the light to notice its existence. I...need her. I'm madly in love with her. Sheena is my butterfly—my beginning, and my greatest encounter.

Kilala ko na siya, bata pa lang kami...kaso ako? Hindi niya ako kilala o maalala man lang...

Nakilala ko siya dahil siya 'yong batang nagbigay sa akin ng panyo noong mamatay ang Mom ko at sumama sa akin sa pagluluksa ko. Nasa parke kasi ako no'n-umiiyak. Kinukuwentuhan niya ako nang kung ano-ano para malibang ako at hindi na umiyak at isipin ang nangyari. I am seven years old that time. Nagtaka pa ako no'n kung bakit niya ginawa 'yon. Pero siguro dahil pinanganak siyang mabait na talaga?

Kahit bata pa lang kami no'n—nakikita ko na agad na paglaki niya—she will be beautiful and lovely lady. And I had a crush on her. The way she smile, laugh, and talk—it gaves me a heart melting feeling.

Ilang oras ang lumipas ay sinundo na siya agad ng yaya niya at nanlumo ako dahil hindi ko man lang natanong kung anong pangalan niya. Simula nang makilala ko siya hindi na siya mawaglit sa isipan ko sa mura kong edad. Hinahanap-hanap ko siya—pumupunta pa rin ako kung saan ko siya nakilala pero hindi ko na siya nakita pa roon.

Nalungkot ako. Nagsisi kung bakit hindi ko man lang inalam kung sino siya. Hanggang sa napagdesisyunan kong kalimutan na lang lahat kasi wala, e. Ako lang 'yong malulungkot. At saka naisip ko na baka kinalimutan na rin niya ako. Akala ko kasi hanggang doon na lang. Pero hindi ko akalain na 'yon pa lang pala ang simula ng lahat.

Nang pumasok muli ako sa paaralan matapos ang libing ni Mama. Nakita ko siya. Grabe 'yong pagkatulala ko no'n—hindi ako makapaniwalang nakita ko muli siya. Nalaman ko na siya pala 'yong bagong estudyante. Akala ko makikilala niya ako pero nagkamali ako dahil no'ng naglakas loob ako na kausapin siya'y hindi. Nginitian niya lang ako at binati. Tinanong ko sa kaniya kung may naalala siyang bata sa isang park pero nalungkot ako sa sinabi niya.

"Wala akong maalala, e."

Simula no'n hindi na ako nagtangkang kausapin siya dahil bakit pa? At saka sino ba ako? Loner lang naman ako no'n—walang kaibigan at kahit kailan hindi niya mapapansin. Kahit bago pa siya, ang dami na agad niyang kaibigan. Naging sikat siya agad sa room namin kaya mas lalong nakawawalang loob na kausapin siya. Tamang tingin at sulyap na lang sa kaniya ang nagagawa ko.

Ilang taon ang lumipas, mas lumalim ang nararamdaman ko sa kaniya. Kung nasaan siya nag-aral no'ng maghighschool kami, roon din ako. Lihim ko lang siyang tinatanaw at minamahal. Lalo siyang gumaganda sa paningin ko.

No one knows about my feelings for Sheena except Nanay Judi. Lahat kasi ng bagay na tungkol kay Sheena sa kaniya ko lang kinukuwento.

Sheena means a lot for me—na handa ko siyang ipagmalaki sa iba kahit hindi niya alam.

Noong naisip ko na, hanggang dito na lang ba ako? Tamang sulyap na lang lagi? Tingin? Lihim na lang ba? Kung gusto ko may mangyari na maganda sa pagitan namin dapat gumawa ako ng paraan. Kaya naman no'ng 15 years old na ako naisip ko na ayusin ang sarili ko. Pinagmukhang tao ang mukha at pananamit ko.

Accidentally Being in a Relationship with Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon