CHAPTER 12

506 23 0
                                    

ACCIDENTALLY BEING IN A RELATIONSHIP WITH HIM

Napasinghap kaming lahat sa narinig. Napailing-iling si Ninang at pinagpatuloy na lang ang pagtuturo. Mukhang aminado rin si Ninang na gago si Aki. Dahil hindi man lang nito sinuway si Migo.

Sinamaan ko nang tingin si Migo pero ang loko nginitian niya lang ako at kinindatan. Umayos na ako nang upo at hindi na siya pinansin pa. Sandali akong sumulyap kay Aki at ang sama rin nang tingin nito kay Migo.

"Grabe, napakatapang mo, rinig kong bulong ni Matt sa kaniya.

"Syempre, sa sobrang tapang ko nga lumalaban pa rin ako kahit alam kong dehado ako."

Kumunot naman ang noo ko sa narinig. Ano na naman ang sinasabi nito?

"Okay lang 'yan, bro."

"Gano'n talaga, e. Gwapo lang ako," hambog na saad ni Migo.

Napailing-iling ako sa tinuran niya. Ang hambog talaga.

Natapos ang klase ng matiwasay. Buti na lang at hindi na nagkagulo sina Migo at Aki.

"Naku, girls. Akala ko magbubugbugan na 'yong dalawa kanina." Ani Shayla. Mukhang ang tinutukoy niya ay sina Migo at Aki.

"True ka r'yan. Masyado kasing mahaba ang buhok nitong kaibigan natin, e. Pinag-aagawan ng dalawang lalaki," saad ni Rhian.

Humarap ako sa kanila at sinamaan sila ng tingin.

"Hindi nila ako pinag-aagawan, 'no!" depensa ko.

Nagkatinginan sila tapos ay bumaling sa akin at binigyan ako nang makahulugang tingin.

"Talaga lang, ah?" sabay nilang ani.

I rolled my eyes. "Oo naman, 'no! Halina nga kayo. Umuwi na tayo."

"Oo na, sabi mo, e." Naglakad na kami pero habang naglalakad kami'y tumikhim si Shayla.

"Mukhang may naghihintay sa 'yo, oh."

Tinignan ko sila nang nagtataka. Nginuso naman nila ang nasa harap namin. Kaya naman wala akong nagawa kun'di ang tumingin din sa harap.

"M-Migo..." Naglalakad itong nakangiti papunta sa amin. Kumaway pa ang loko. Saan naman kaya siya galing? Akala ko umuwi na siya dahil nauna siyang lumabas sa amin.

Napatigil siya sa harap namin.

Tinitigan niya ako. "Hi!"

"Ano na naman ang trip mo?" pagsusungit ko.

"Ay, ang taray," saad nina Shayla at Rhian sabay napatingin sa isa't isa.

"Wala. 'Di kaya kita kayang pagtripan." Aniya.

Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Nandito ako para sabihing...tara na?"

"Huh?"

Napakamot siya sa batok. "Mukhang...kinalimutan mo 'yong sinabi ko sa 'yo kanina."

May biglang nagpop sa isip ko. 'May pupuntahan tayo mamaya.'

"Oo nga pala. Saan ba?" tanong ko.

"Ay, 'di tumanggi." Siraulo talaga 'tong dalawa kong kaibigan.

Hinarap ko sila at sinamaan ng tingin. "Manahimik kayo, ah!"

Pero ang mga loka'y tinawanan lang ako.

"Pwede ko ba siyang hiramin? Promise, ibabalik ko siya ng buo. Kung hindi man buo...baka sobra na." At ngumisi ang loko.

Napatingin ako sa kaniya at pinanlakihan siya ng mata.

Magsasalita na sana ako pero inunahan ako ni Shayla. "Naku, Migo. Kahit itanan mo na 'yan, okay lang. Huwag mo nang iuwi pa."

Accidentally Being in a Relationship with Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon