CHAPTER 1

3.9K 129 35
                                    

"Woah! Ma'am, may loveteam na tayo rito yiiieee," sigaw ng mga kaklase namin. Hays, loveteam loveteam pa sila mamatay rin naman tayong lahat sa dulo.

Makayuko na nga lang. Iwas tayo sa landi para 'di masaktan.

"Hoy, Besh. Makita ka ng ninang mo, naku," ani Rhian.

"Aish! Hayaan mo si ninang. Busy naman 'yan sa paghahanap ng mga loveteam dito," katwiran ko.

"Ma'am! Si Sheena naman!" sigaw ni Shayla.

Dahil sa narinig ko ang pangalan ko napataas ako ng ulo at lahat sila nakatingin sa akin habang may mapanuksong tingin. Tinignan ko ang ninang ko na professor. Ang lapad ng ngiti niya. Shookt, ano na naman kaya ang naisip nito? Mukhang hindi maganda ang iniisip nito.

Bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Sheena, may boyfriend ka na ba?" Taas baba ng kilay na tanong ni ninang.

Si ninang Amethyst Salemn, ang nag-alaga sa akin simula ng pagkabata ko kasi ang dad at mom ko laging busy. Kaya kung may gusto man si ninang...gagawin ko 'yon para sa kaligayahan niya. Para na rin makabawi sa lahat ng ginawa niya sa akin. 'Yon na lang kasi ang kaya kong maibigay sa ngayon.

"Wala nin—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil may tumulak sa upuan ko. Napalingon ako dito at pesteng Migo na 'to!

Tumayo ako. Wala na ako pake kung may nakatingin sa akin. Basta nababanas ako sa lalaking 'to. Umpisa pa lang talaga, ayaw ko na sa kaniya. Kumukulo dugo ko.

"Ikaw!" Tinuro ko siya. "Ano ba problema mo na lalaki ka, huh?!"

Ngumisi lang siya at nginuso ang nasa unahan namin.

"Huwag kang ngumuso-nguso riyan, ah! Uupakan kita."

Ngumu-nguso pa rin siya.

Tumingin ako sa nginuso niya. "Ano bang nginunguso mo ri—" Nakatingin silang lahat sa amin. 'Yong ngiti ni ninang kakaiba.

"Ninang, mali ka ng iniisip."

Lumapit sa kaniya si Matt, kaibigan ni Migo at may binulong. Mukhang hindi ko gusto ang binubulong no'n, ah?

Kita ko ang pagkagulat ni ninang sa sinabi ni Matt pero kalaunan ay kinilig din.

Hinarap niya ako. "Anong wala? Meron ka ngang boyfriend! Ayan, oh! Si Migo. Itatago mo pa sa aki, ah?" sabi ni ninang. Napatanga naman ako.

What the?

"Ninang ma—", 'di ko natuloy ang sasabihin ko dahil inunahan na ako ni ninang.

Pumalakpak ito.

"Okay, class! Official na si Migo at Sheena. Sila na! Kaya i-shi-ship ninyo sila." ani ninang. Tama ba 'yung narinig ko? Lumingon ako sa likod ko. Nakangisi lang si Migo.

Naririnig ko ang kantyawan nila. Umupo na lang ako. Mamaya ko na lang kakausapin si ninang about sa amin 'kuno' ni Migo. Sina Shayla at Rhian ay napapailing pero kita mong kinikilig.

Mga walang dulot na kaibigan!

"Hi, girlfriend!" Bulong ni Migo sa tenga ko. Naramdaman ko ang hininga niya roon. Tinignan ko siya at sinamaan ng tingin.

"You jerk!" mahina kong sigaw. Ngumiti lang siya.

"I love you, too, girlfriend," aniya at kinindatan ako.

What the fuck?!

Natapos ang klase na lutang lang ako. Kailangan kong makausap si ninang. Mali siya ng akala. Ayaw ko maging boyfriend ang campus playboy na 'yon.

Nakita kong palabas na si ninang kaya sinundan ko siya at tinawag.

"Ninang! Sandali po." Salamat at tumigil din siya.

"Yes, dear?"

Paano ko ba 'to sasabihin na hindi siya maooffend?

"K-Kasi po, ninang. K-Kasi..." May biglang umakbay sa akin at nanlaki ang mata ko dahil si Migo iyon.

"Gusto lang niya po magsorry dahil sinikreto niya sa iyo ang tungkol sa amin," ani Migo. Gago ba siya? Anong sinasabi niya?

"Asus! Okay lang, 'yon. Boto naman ako sa inyo, e. Kaya nga 'di ba ship kayo sa room?" At humagikhik.

"Nina—"

"Oh, siya! May pupuntahan pa ako. Mauna na ako sa inyo. Migo, pakiingatan si Sheena, huh?"

"Opo." Humarap siya sa akin at nginitian ako. "Iingatan ko po siya at mamahalin, 'di ba girlfriend?"

Pinanlakihan ko siya ng mata pero ang ugok tinawanan lang ako. Gago!

"Sweet ninyo naman. Huwag na kayo maghiwalay, ah? Kun'di magagalit ako sa inyo. Sige na, bye," ani ninang at umalis na.

Naiwan akong natulala. Nabalik ako sa ulirat ng magsalita ang katabi ko.

"Paano ba 'yan? Boyfriend mo na talaga ako. Mayayari ka sa ninang mo, kapag naghiwalay raw tayo."

"What the? Kasalanan mo 'to. Ku—"

"Si Matt ang nagsabi, hindi ako. Biktima lang din ako pero hayaan mo na, 'di ka naman lugi sa akin."

Ang yabang nito.

"Baka nga...ako pa," tinapunan niya ako mula ulo hanggang paa at nagkibit-balikat na lang. "Pwede na," At nauna na sa aking maglakad.

Hinabol ko naman siya. "Hoy! Ikaw na ugok ka! Huwag mo—"

Nilapit niya ako sa kaniya. "Let's go na, Sweetie pie. Huwag mo na ako talakan."

"Pe—"

"One word, one kiss. Say one and I will like it," ngisi niyang saad.

Napatanga ako.

Manyak!



Accidentally Being in a Relationship with Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon