CHAPTER 24

451 20 2
                                    

ACCIDENTALLY BEING IN A RELATIONSHIP WITH HIM

"Argh! Grabe, ang sakit ng katawan ko. Parang gusto ko na lang matulog ngayong araw." Ani Shayla at humiga sa kama.

Nandito kami ngayon sa hotel na chineck in namin ng mapunta agad kami rito sa Batanes. Pagkababa kanina namin sa airport ay tahimik lamang ako habang pinoproseso ang sinabi ni Migo. Hindi nga kami na nakapag-usap pagkatapos no'n. Pagkalabas namin kanina sa airport ay binungaran kami ng hangin. Sabi kasi ng mga torista rito'y ganito raw rito sa Batanes-mahangin. Pumunta agad kami sa isang resort at nagcheck in. Kaming mga babae ay magkakasama habang 'yong mga lalaki naman ay sa tapat ng hotel room namin.

Alangan naman na magkakasama kaming anim. Naku, baka kung anong mangyari pa.

"Loka! Sasayangin mo ang first day natin dito para lang humiga? Jusko naman. Sana 'di ka na lang sumama, girl." Ani Rhian at umupo sa gilid ng kama habang nagsusuklay ng buhok.

Kinuha ni Shayla ang unan sa tabi niya at niyakap niya ito. "Syempre jetlag ngayon. Kapagod kaya sa byahe."

"Whatever." Rhian rolled her eyes.

Napapailing-iling na lang ako. Inayos ko na lang ang mga gamit ko at hindi na lang muna sila pinansin. Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Migo.

'Please, can you let me be? You don't need to force yourself to love me. Just let me love you...freely this time.'

May biglang humawak sa akin sa balikat kaya naman napabalikwas ako.

"Anong nangyari sa 'yo, Sheena?"

Napaharap ako rito at si Rhian pala iyon. Katabi niya si Shayla na halatang nag-aalala. Mukhang kanina pa nila napapansin ang kinikilos ko.

"O-Okay lang ako..." At nag-iwas ng tingin.

They tsked.

"Hindi namin tinatanong kung okay ka lang ba? Ang tinatanong namin kung anong nangyari sa 'yo. Hays, masyado kang halata, e." Umupo si Shayla sa tabi ko at hinaplos ang buhok ko.

"Spill it. Alam naming may bumabagabag sa 'yo." Napatingin ako kay Rhian. She crossed her hands in front of me. She looked at me intently.

Napabuntong-hininga ako. Kahit anong tago ko naman sa nararamdaman ko'y mapapansin pa rin nila. Kilala nila ako, e. Kilalang-kilala kaya wala akong takas sa kanila.

"Kasi ganito 'yan..." Kinuwento ko ang nangyari kanina. Habang nagkukuwento ako'y seryoso lamang silang nakikinig pero minsa'y napapataas ang kilay.

They gasped on the last sentence I say. Matapos ay nagbago ang ekspresyon nila at para bang naiiyak na ewan. May pa paypay pa sila gamit ang kamay nila na animo'y pinipigilang maiyak.

"He's finally doing it..." si Rhian ang unang nagsalita.

"Hindi na siya takot..." si Shayla.

They looked at me. 

"So anong sagot mo? Ngayong mismong harap-harapan ka na niyang sinabihan na ikaw ang mahal niya at gusto niya iparamdam 'yon sa 'yo?"

Wala akong imik sa tanong ni Shayla pero ramdam ko ang dagundong ng puso ko.

"O baka nasa isip mo na loko na naman, ah? Naku, Sheena. Si Migo na mismo nagsabi sa 'yo. Don't play naive now. Hindi na tatalab 'yan..." saad ni Rhian.

"Pero kasi..."

"Ano na namang pero 'yan? Mahal mo pa si Aki?" Rhian looked at me intently. Gano'n din si Shayla sa akin. They are waiting for my answer.

Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko alam...

I heard their sigh. Saglit na namutawi ang katahimikan ng basagin ito ni Rhian. 

Accidentally Being in a Relationship with Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon