CHAPTER 5

612 24 3
                                    

ACCIDENTALLY BEING IN A RELATIONSHIP WITH HIM

"S-Sorry..."

He chuckled. "It's okay. Matagal naman na."

"W-When?"

"When I was 7 years old, I think."

Tumango na lamang ako.

Pagkatapos no'n muling nanaig ang katahimikan sa aming dalawa. Tumingin na lang ako sa labas. Maghahapon na pala.

"What if si Dad nga ang ex ng Ninang mo? Ano gagawin mo?" tanong niya.

Natigilan ako sa sinabi niya. Ano nga ba ang gagawin ko?

"Ahmm, maybe, sasabihin na natin 'yong totoo kay Ninang na mali siya ng hinala sa atin. Ang magkaroon ng koneksyon sa 'yo na alam kong hindi pa nakamomove on si Ninang sa ex niya which is kung 'yong Dad mo 'yon." Napasubsob ako ng biglang itigil niya ang kotse.

Kumunot ang noo ko. "Bakit mo tinigil?"

Tinignan niya ako. "Bakit natin ititigil ng dahil sa kanila?"

I rolled my eyes. "Huwag ka ng madaming tanong. Basta, ititigil natin. At saka, gosh! Hindi naman totoong meron tayo."

"Oo nga naman, hindi totoong may tayo..." Pinaandar na niya muli ang kotse. Simula no'n ramdam ko ang pag-iba ng atmospera sa amin. Nakarating na lang kaming dalawa pero makikita ang iritasyon sa mukha niya. Walang pagbabago.

"May nasabi ba akong masama?" tanong ko.

"Wala. Let's go. Baka nand'yan na si Dad," aniya at lumabas na.

Lumabas na rin ako at sinundan siya. Tumingin-tingin ako sa paligid at masasabi kong mayaman nga talaga siya. Malaki ang bahay nila. May mga katulong na bumabati sa amin sa kada daan namin. Rich kid talaga.

"Nay Judi, where's Dad?" tanong niya sa matandang babae. Mukhang ito ang mayordoma ng bahay base sa suot nito.

Migo hugged her. Napangiti ako. Mabait din naman pala 'tong ulupong na 'to. Mukhang close silang dalawa. Maybe, siya 'yong nag-alaga kay Migo noon pa.

"Naku, hindi pa umuuwi. Pero baka mayamaya nand'yan na—oh! May kasama ka pala. Hi, Ija."

Ngumiti ako sa kaniya. "Hello po." Nagmano ako.

"Kaawaan ka ng Diyos."

Hinapit ako ni Migo sa kaniya. "Nay, si Sheena po. Girlfriend ko." Ngiting-ngiti siya habang sinasabi iyon. Siniko ko nga siya. Nagtaka naman siya sa ginawa ko pero pinagtaasan ko lang siya ng isang kilay.

"Sheena? Teka, siya ba 'yong nakukuwento mo no—"

"Ay, Nay! Anong ulam natin ngayon? Siguro po masarap, 'no?" Tanong ni Migo at inakbayan si Nay Judi. May binulong si Migo rito. Natawa naman ito.

"Ulam? Naku, syempre ang paborito mong adobong kangkong." Aniya nito.

"Talaga, Nay?" Parang batang binigyan ng candy ang itsura ni Migo.

Tumango si Nay Judi. "Halika, tamang-tama kakaluto lang. Ipapatikim ko sa inyo. Tara." Naglakad sila papunta ata sa kusina. Sumunod na lang ako kaysa maligaw.

Nang makarating kami sa kusina nila hindi ko mapigilang mamangha. Ang simple pero ang ganda.

"Kailan pa naging kayo?" tanong ni Nay Judi. Pinatay niya ang kalan at kumuha ng mangkok. Ang bango ng amoy. Halatang kakaluto lang talaga.

"Two weeks ago, Nay." Sagot ni Migo.

"Gano'n ba?"

"Naku, ang dami naman niyan, Nay. Titikim lang ako, e."

Accidentally Being in a Relationship with Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon