CHAPTER 19

458 20 1
                                    

ACCIDENTALLY BEING IN A RELATIONSHIP WITH HIM

Habang nasa byahe kami ni Aki, wala akong imik. Nakadungaw lamang ako sa labas ng bintana at nagmumuni-muni. Biglang nagpop ang mukha ni Migo sa isipan ko. May kakaiba sa kaniya kanina...

"Is something happened between you two?" Tinignan ko siya sa may salamin sa harap at saktong nakatingin din pala siya roon para makita ako.

I rolled my eyes at him. "None of your business."

Mukhang napahiya siya sa sinabi ko dahil pilit siyang ngumiti sa akin at tinutok na lang ang atensyon sa pagda-drive. Hindi na niya ako kinausap matapos 'yon pero minsan ay napapatingin siya sa akin pero iiwas siya kapag alam niyang nakatingin ako. Bigla akong nakaramdam ng guilt nang makita ko ang malungkot niyang mukha. Parang gusto niya sanang makipag-usap sa akin habang nasa byahe.

'Sorry for being too harsh, Aki. But I need to do this 'cause I don't want to be attached to you again.'

Natahimik muli kaming dalawa at finally, nakarating  na rin kami sa bahay. Nang makababa na ako sa kotse niya'y nagthank you na ako sa kaniya at agad tumakbo papasok ng bahay at sinarado ito. Hindi ko siya pinagsalita at pinapasok, yes. I know I'm being rude pero anong magagawa ko? Eh, ayaw kong papasukin siya sa loob dahil last time na pinapasok ko siya...I'm too attached with him. Ayoko na ulit maging gano'n, kasi sa oras na papasukin ko muli siya, parang pinapapasok ko na rin siya sa buhay ko at handa muli siyang tanggapin.  Kaya habang maaga pa, iiwasan ko na dahil ayaw kong malagay muli sa gano'ng estado na wasak na wasak dahil sa ginawa niya. Oo't may natitira pa akong atraksyon sa kaniya but I know my limitation and rights and that is not allowing him to be enclosed on me...again.

Narinig ko ang pag-andar ng kotse niya at ang pag-alis nito. Nakahinga ako ng maluwag. I thought he will be persistent.

"Why Aki drove you home and not your boyfriend, Migo?" Nagulat ako sa   nagsalita. Napaharap ako rito at binigyan siya ng awkward smile.

"Oh, h-hello, Ninang!"

Pinagtaasan niya ako ng isang kilay. "Answer my question, young lady."

Kapag ganito si Ninang it gives me goosebumps. Para siyang totoong nanay ko na parang naman talaga. She looked intently at me.

Napalunok ako nang wala sa oras. "Ahmm, he's busy?"

Parang hindi siya kumbinsido sa tinuran ko. "Sure?"

"Y-Yeah."

Nagkibit-balikat siya. "Okay. C'mon, dinner is ready." At nauna nang pumunta sa dining room. Mukhang may kakaibang nangyari batay sa kinikilos ni Ninang. She will be like this if something happened or there's a problem.

Nang nasa hapag na kami'y tahimik kaming kumakain. Matapos kumain ay hinugasan ko na ang mga pinggan at deretsong pumasok sa kwarto ko. I know Ninang knew that there's something happened pero hindi lang siya nagsasalita. Hinayaan ko ang sarili ko na bumagsak sa kama ko. I looked at the ceiling. Habang nakatingin ako sa kisame ay naisip ko na naman ang nangyari kanina lalo na ang mukha ni Migo na parang pinagtaksilan.

Pinagtaksilan? Why? Hindi naman kami magjowa talaga na as in mahal ang isa't isa. Wala namang mali, 'di ba? Like what I think? Wala naman akong ginawa na masama, right? But why?Why I felt guilty all of a sudden?

"Argh!" Gumulong-gulong ako sa kama sa sobrang frustration. Ilang minuto rin akong gumulong hanggang sa napagdesisyonan ko na maligo. Pagkapasok ko sa cr ay nagshower na agad ako. Isang oras din ako nagtagal. Pagkalabas ko'y narinig ko ang sigaw ni Ninang mula sa labas. Lumabas ako at pinuntahan si Ninang. Nang makita ko siya'y nilapitan ko na ito.

"Bakit, Ninang? May nangyari ba?"

"May kanina pa naghihintay sa 'yo sa labas. Pinapapasok ko pero ayaw niya, gusto niya raw makausap ka lang." Ani Ninang.

Accidentally Being in a Relationship with Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon