EPILOGUE

792 27 3
                                    

ACCIDENTALLY BEING IN A RELATIONSHIP WITH HIM

"Mommy, I found something!"

Napadako ang tingin ko sa nag-iisa kong anak. He's three years old now. He looked really happy while staring at a familiar thing that he found.

Minuwestra ko ang kamay ko sa kaniya para palapitin siya. He smiled and runs towards me while holding the thing he found.

"Don't run, anak." Nakinig naman siya at naglakad na lang palapit sa akin.

"Here, mommy." Binigay niya sa akin ang hawak niya ng makalapit siya.

"Very good. So now, let me—" Natigilan ako nang mapagtantong isa iyong pamilyar na USB. This USB...

"Are you okay, Mommy?" Hindi ko namalayang natulala pala ako.

I looked at him and smiled. "Y-Yeah."

Nilagay niya ang maliliit niyang mga kamay sa magkabilang pisngi ko. He looked worried.

"Are you sure, Mommy? You looked pale."

I chuckled. Hindi talaga ako makapagsinungaling sa batang 'to. He's just a kid but his mind and actions is not like a normal kid. Hindi ko alam kung kanino ba siya nagmana.

I tapped his head. "I'm okay, Kiddo."

Napatingin muli ako sa USB na hawak ko. It's been how many years since I have this one but I still...

"Mommy, is there a video inside? Or what?"

"There's a video here." Hinaplos-haplos ko ang USB. Gumagana pa kaya 'to?

He jumped while clapping. "Great! Let's watch it, Mommy!"

"Ahmm..." Napatitig pa ako sa USB.

"Please, Mommy?"

"S-Sige na nga." Tumayo ako at tinignan siya. "Wait me here, okay? Kukunin ko lang 'yong laptop."

"Yes!" He hugged me. "Thank you, Mommy."

Ginulo ko ang buhok niya. Agad siyang kumalas sa pagkakayakap niya sa akin at inayos ang buhok niya.

"Mommy, not my hair po." He pouted.

I laughed. "Why? You still looked cute even though I messed it."

"But I'm more than cute, Mommy. I'm handsome. H-A-N-D-S-O-M-E—Handsome." He argued.

Napailing-iling ako. Katulad na katulad sa ama niya. Hambog din.

"Yeah, yeah. Sige na, kukunin ko na 'yong laptop."

Dali-dali akong pumunta sa kwarto ko at kinuha roon ang laptop.

"Here's the laptop, Kiddo." Naglakad ako papalapit sa kaniya at saka umupo na sa tabi niya. He looked excited.

Kinuha ko ang USB sa bulsa ko. Aakmang ilalagay ko na sana sa laptop nang matigilan ako.

Teka, handa na ba ako? I know what's inside but...

Napatingin ako sa anak ko na seryosong nakatingin lang sa laptop at halatang hinihintay ang video na sinabi ko.

Tama ba itong gagawin ko? I sighed.

Maybe, mas magandang kasama ko siya na manood nito. He needs too.

"Mommy, ang tagal po." Reklamo niya.

He's impatient.

"Nak, may sasabihin si Mommy."

Nagtataka niya akong tinignan. "Ano po 'yon?"

I held his hand and looked at him intently. "Whatever you will see, I'm just here, okay? Maybe you will be confused by everything but in the near future—you'll understand it all. Okay?"

Accidentally Being in a Relationship with Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon