CHAPTER 9

590 28 0
                                    

ACCIDENTALLY BEING IN A RELATIONSHIP WITH HIM

"Here, take this." Ani Migo sabay abot niya ng panyo.

Nandito kami ngayon sa tambayan. Hindi na kami pumasok pa nang klase. Hindi ko rin ata kakayanin na makita siya. Ayaw kong makita niya na apektado pa rin ako sa kaniya.

"Huwag ka nang malungkot. Hindi bagay," aniya.

Pinunas ko sa mata ko ang binigay niyang panyo. "Ano naman ang bagay sa akin, aber?"

"Ako..." Rinig kong bulong niya.

Napangiti ako at binato sa kaniya ang panyo. "Baliw!"

He chuckled. "At least napatawa kita."

"Humirit ka na naman kasi, e." Ani ko.

Napayuko siya. "'Yon na lang kasi magagawa ko sa 'yo."

Tumingala ako. "Akala ko noon...ang sama mo. Bali-balita kasi na playboy ka last year. Kaliwa't kanan daw ang girlfriend mo or should I say flings."

"Kaya ba ang init ng dugo mo sa akin?" tanong niya.

Hinarap ko siya. Ngumiti ako at tinanguan siya. "Sino bang hindi maiinis o iinit ang dugo sa 'yo? Lalo pa't lagi kang may pinapaiyak na babae. Pasalamat ka nga may nagkakagusto sa 'yo, e."

"Aanhin ko ang mga babaeng nagkakagusto sa akin kung hindi naman ako gusto ng taong gusto ko."

Nagulat ako sa tinuran niya. "May nagugustuhan ka?"

Tumawa siya ng pagak. "Wala 'yon. Nevermind."

"E 'di, kung hindi ka gusto no'n—'yong iba na lang d'yan. Kaysa naman pinagsisiksikan mo ang sarili mo sa taong hindi ka magugustuhan."

Napailing-iling siya. "Ang dali lang sabihin sa 'yo. Bakit ikaw ba? Hindi ka pa nakamomove on sa kaniya, right? Pero sabihan kaya kita ngayon na..."

"Ako na lang at huwag siya. Papayag ka?" tanong niya.

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. "What the? Hindi naman 'yon ang gusto kong sa—"

"See? You can't decide kasi nahihirapan ka. Pinilit kita sa taong ayaw mo para hindi ka sumiksik sa taong mahal mo na wala nang pake sa 'yo."

Natigilan ako sa sinabi niya.

"Kaya, huwag mo sa akin sabihin na 'yong iba na lang. Kasi para sabihin ko sa 'yo. Hindi lahat ng madaling sabihin, madaling gawin."

"S-Sorry..." Ang nasabi ko na lang.

"At saka alam mo, 'yong mga babae na 'yon—kasalanan na nila 'yon..." Aniya.

Pinagtaasan ko siya ng isang kilay. "At bakit?"

Tinignan niya ako sa mga mata. "Dahil umpisa pa lang...alam na nilang wala akong interest sa kanila. Pero pinagsisikan pa rin nila ang sarili nila. Dapat nga magpasalamat sila, e."

"Why?"

"I fed them with my painful words for them to woke up in reality than feeding them with my sweet lies."

May punto siya sa sinabi niya. Pero ano 'yong nabalitaan ko na marami na siyang nakafling?

"Pero bakit an'dami mong flings?"

Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Who told you?"

"A-Aki..." Naalala ko na sinabi sa akin ni Aki noon na huwag na huwag akong lalapit o makikipagkaibigan kay Migo dahil nga baka anong gawin nito sa akin. Baka raw manyakin ako.

Ngayon ko lang narealize na, naaamoy pala ng isang manyakis din ang kapwa nila manyak?

Ngumisi siya. "That guy..."

Accidentally Being in a Relationship with Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon