CHAPTER 31

520 19 0
                                    

ACCIDENTALLY BEING IN A RELATIONSHIP WITH HIM

"Ano? May nagtext sa 'yo? At malakas ang kutob mo na si Migo 'yon?"

Napatingin ako kay Shayla at tumango sa kaniya. Nandito kami ngayon sa Starbucks. Matapos kasi ang klase ay nag-aya sila. Gusto raw nila akong makausap dahil parang iba raw ang awra ko ngayon kaysa no'ng nakaraang araw. Kaya naman kinuwento ko sa kanila ang natanggap kong text. Sinabi ko na malakas ang kutob ko na si Migo 'yon.

Hindi ko maiwasang mapangiti habang inaalala ang nakasulat sa text. Kahit simpleng mga salita lang 'yon—'yong impact na nabigay no'n ang tindi.

"Pakiramdam ko siya talaga 'yon. Siya lang naman 'yong nagsasabi tungkol sa kasal-kasal, e." ani ko at ininom ang kape ko. Siya lang naman 'yong nagpaiyak sa akin. Siya lang 'yong gumagano'n sa akin kaya alam kong siya 'yon.

Nagkatinginan silang dalawa ni Rhian.

"Baka naman iba 'yan. Baka naman trip lang at saka kung si Migo 'yan, bakit niya pa kailangang gumamit ng ibang number para itext ka? Kung pwede namang sa number niya na lang talaga?" Natigilan ako sa tinuran ni Rhian at naibaba ko bigla ang kape ko saka napatingin sa kawalan.

Oo nga, paano kung hindi nga siya? Paano kung umaasa lang ako na siya 'yon? Paano kung ibang tao 'yon?

Nakaramdam muli ako ng bigat sa aking puso. Bakit ba ako agad nagdidiwang? Bakit ako sumaya bigla? Eh, hindi pa nga ako sure kung siya 'yon, e.

Napansin ko na siniko ni Shayla si Rhian at saka pinanlakihan ng mata. Tinignan naman siya ni Rhian nang nagtataka na kalauna'y naintindihan na ang gustong ipahiwatig ni Shayla.

Tumingin sa akin si Rhian. "P-Pero alam mo, pwede naman 'yon, Sheena. Baka gusto lang ni Migo na magpakamisteryoso kaya gano'n kasi alam niya na magiging mister mo siya. Alam mo na..."

Hindi ako umimik sa kaniya.

"Naku, Sheena. Huwag kang maniwala kay Rhian." Sinamaan nang tingin ni Shayla si Rhian. "Ikaw kasi, e. Manahimik ka na nga lang. Kung ano-anong negative ang mga sinasabi mo."

Nagpiece-sign si Rhian at saka nagsorry.

"Pero seryoso, malay mo si Migo talaga 'yon. Alam mo naman ang isang 'yon, expect the unexpected sa kaniya."

"True." sang-ayon ni Rhian at nagthumbs-up pa.

Napangiti ako sa kanila. "Thank you, Shayla at Rhian. Thank you for cheering me up. Sana nga siya 'yon....sana nga si Migo 'yon."

"Haynaku! Huwag ka na nga malungkot. Si Migo nga 'yon! Malakas din ang kutob ko na siya 'yon. Patingin nga ulit no'ng text." aniya kaya naman kinuha ko sa bag ko 'yong phone saka pinakita sa kanila muli 'yong text.

"Oh! Sabi na, e. Sa pagkakatext pa lang nang ganito—si Migo na talaga! 'Di ba, Rhian?" At siniko na naman niya si Rhian.

"Aray! Oo—oo, siya 'yan!"

Lihim akong napangiti. Alam ko naman na pinapagaan lang nila ang loob ko. Gusto lang nila akong ibalik kung ano ang awra ko kanina. Matapos sabihin 'yon ni Rhian bigla kong natanong ang sarili ko.

Ito na naman ba ako? Aasa na naman kahit masasaktan? Maghihintay kahit walang kasiguraduhan? Mamahalin pa rin 'yong taong nawala—nang-iwsn kahit hindi ko alam kung babalik pa ba?

"Alam mo, mag-enjoy na lang tayo ngayon. For sure, papasok na rin 'yon."

Sana nga talaga...

"Class, you may take your break now."

Agad namang nag-ingay ang mga kaklase ko nang makalabas ang Prof namin. Matapos ang pag-uusap namin nina Shayla at Rhian no'ng isang araw ay balik ulit ako sa kung ano ako magmula nang mawala si Migo. Tahimik na muli ako at minsa'y nakatulala na lang na napansin na naman nila. They tried everything para bumalik ang sigla ko pero wala, e. Parang may sariling isip ang emosyon ko.

Accidentally Being in a Relationship with Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon