CHAPTER 20

473 19 0
                                    

ACCIDENTALLY BEING IN A RELATIONSHIP WITH HIM

Wala sa sariling naglakad ako pabalik sa room. After he said those thing, he left me hanging. Hindi ko siya napigilan dahil naestatwa talaga ako. Hindi ko alam irereact ko sa nangyari. Gulong-gulo ang utak ko ng mga tanong at kung ano-ano. Ang bigat sa puso sa totoo lang. I don't know what I will do next. Ano nang mangyari? Kung magiging okay ba lahat o hindi.

"You're hurting him...too much."

Natigilan ako sa nagsalita mula sa likod ko. Pamilyar ang boses nito sa akin. Unti-unti akong lumingon at tama nga ang hinala ko. Siya 'yong babaeng nagngangalang Jeane. 'Yong kaibigan ni Migo—'yong kunwaring kahalikan niya.

"Y-You don't know...a-anything," I mumbled.

She tsked. "Really? I saw you two. Nakita ko kung paano siya umiyak sa harap mo." I know she's mad at me right now. Ramdam ko 'yon. Kahit ako man, kung makita ko ang kaibigan ko sa gano'ng estado, malamang baka sinapak ko na ang nagpaiyak sa kaniya.

I looked at her with tired eyes. "P-Please, not n-now."

"Anong hindi ha? Alam mo, sumusobra ka na, e. Lagi mo na lang siyang sinasaktan!" She yelled.

Napayuko ako. I-I know...

"Ano bang nakita niya sa 'yo? You're nothing. Walang-wala ka sa mga babaeng nagkakandarapa sa kaniya. Walang-wala...but why he's still into you. Bakit ikaw lang ang nakikita niya? Bakit pinipilit niya pa rin ang sarili niya sa 'yo? Bakit ha? Kahit paulit-ulit mo siyang sinasaktan." Those words hitted me.

Nag-uumpisa na namang mangilid ang mga luha ko. "S-Sorry..."

Natawa siya nang pagak. "Sorry? Sorry for what? Sorry dahil ang sobrang manhid mo? Dahil ang tanga mo? Dahil baliw ka? Ano?"

Tinanggap ko lahat ng mga masasakit na salita na tinuran niya even though it hurts me.

"Hindi ka sasagot? Hindi, huh?!"

"Y-You don't know. Wala kang alam sa lahat. Wala...kaya, please? Leave me alone." Ang nasabi ko na lang. Wala ako sa hulog para makipag-away. Wala ako sa sarili para ipagtanggol ang sarili ko sa kaniya. Ang bigat ng pakiramdam ko. Nanghihina ako. Gusto ko nang umuwi at magkulong sa kwarto ko at saka umiyak. I want it.

"Wala kang puso." And she left me. Parang tinusok ng milyong patalim ang puso ko sa narinig. W-Wala akong puso? Napaupo ako sa sahig. Gano'n na ba talaga ako? Gano'n na ba ang tingin nila sa akin?

I-I'm just being careful.

Nagtuloy-tuloy ang pag-agos ng luha mula sa mata ko. Napahawak ako sa may bandang puso ko. It hurts more than I think.

Nakarinig ako ng mga yabag na papalapit sa akin pero hindi ko ito pinansin. Wala na akong pake sa sasabihin ng iba. I'm so hurt right now.

"Sheena? Anong nangyari?" T-That voice...

Unti-unti akong humarap dito at nang malamang sina Shayla at Rhian 'yon, niyakap ko agad sila at saka umiyak.

"O-Oy! Bakit, huh? Sino nagpaiyak sa 'yo? Ah! Huwag ka gan'yan naiiyak din ako, e." Ani Rhian at niyakap ko.

"Iiyak mo lang, nandito lang kami." Sambit ni Shayla at inalo ako. Ilang minuto akong hindi nagsalita at umiyak lang. Alam nilang hindi pa ako handa para sabihin ang nangyari kaya hinayaan muna nila akong umiyak.  I'm lucky to have them in my life.

"A-Ang sakit. Sa s-sobrang sakit, I want to go home and cry all night. Gusto ko nang umuwi. G-Gusto ko na. P-Please, help me." Desperada kong sambit. Hindi ko na kaya.

Agad nila akong inalalayang tumayo. "Sige, iuuwi ka namin. We will tell your Ninang na masama ang pakiramdam mo."

"T-Thank you, g-girls."

Accidentally Being in a Relationship with Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon