Today ako magi-start bilang exchange student sa Crescent University.
Masakit man ang loob ko pero push lang yan.
"Alexa wag na wag kang magpapasaway sinasabi ko sayo" pangangaral ni dad saakin.
Naging mas mahigpit na siya saakin at palagi na niya akong pinapagalitan kapag may mali ako kabit sa mga konti konting bagay lang.
Hindi niya narin ako pinapayagang lumabas. Buti nalang dinadalaw ako ni Nicole at minsan naman ay sila Zein.
About pala sakanila. Nang nasa hospital ako ay saktong pagdating rin ng mga magulang nila kasama sila dad. At yun nanga back to normal na ulit. Bumalik na sila sa kanikanilang mga bahay nila umuwi.
Nakakamiss nga sila e. Sa anumang sulok dito sa bahay ko tignan naaalala ko sila.
"Alexa nakikinig kaba sa mga sinasabi ko?" tanong nanaman ni Dad.
"Opo" tanging sagot ko lang dito.
"Pag nakipag-away kapa, you're grounded. No gadgets and credit cards, ok?" bilin pa niya saakin habang kumakain kami.
"Opo" sagot ko lang dito.
Tumayo na ako dahil nawalan na ako ng ganang kumain.
Wala ba silang tiwala saakin? Ganon nalang ba ako ka walang kwenta sakanila?
Bakit kasi ako iniwan ng mga totoo kong magulang? ni hindi ko nga alam kung bakit ako napunta dito, kung ano ba ang totoong dahilan kung bakit nila ako pinaampon.
"Butler let's go, male-late na ako" utos ko sa butler ko na si Marco.
"Yes Young Lady" ani Marco at kinuha na ang bag ko.
Habang bumabyahe kami ay tahimik lang ako at nagmamasid sa nadadaanan namin.
Kakayanin ko namang siguro mag isa kahit wala sila Zein.
Sana talaga makita ko narin ang totoo kong pamilya.
***
Nabalik ako sa ulirat ng tawagin ako ni Marco.
"Nandito na po tayo" wika nito at pinagbuksan na ako ng pintuan.
Tinanguan ko lang ito at saka na naglakad.
Halos magkasing laki lang ang University na 'to sa Moon University.
Habang naglalakad ako ay pinagtitinginan ako ng mga istudyante dito. As usual mga ignorante.
Dahil sa kalutangan ko ay may naka bangga ako. But wait naka bangga ngaba o sadyang binangga ako.
"Who the hell are you?" pagtataray ng grupo ng babae saakin na naka damit pa ng pang cheer dancers.
"I'm Alexa, a exchange student from Moon Uni--" pag papakilala ko pero agad naputol ito dahil agad na lumapit saakin ang dalawa niyang kasamahan at hinawakan ang kamay ko
"I don't care who you are bitch, you are not welcome here" maarte nitong wika saakin. Siya ata ang leader nila.
"I'm the queen here" pagpapakilala nito saakin kahit hindi ko naman tinatanong. "Turuan ng leksyon yan girls!" utos niya sa mga kasamahan niya at agad namang sumunod ang mga 'to at sinugod ako.
Lumapit ang tatlo at pinagsasampal ako habang ang isa naman ay sinabunutan ako at ang isa naman ay pinagsisipa ako habang ang dalawa ay patuloy paring nakahawak sa dalawa kong kamay. At ang leader ay masayang nanonood.
Siguro hindi ko nalang sila papatulan para iwas gulo. Para hindi narin ako pagalitan ni daddy.
Nakakahiya naman kasi diba?
Ampon kana ngalang at pinag-aaral ng mabuti sasayangin mo pa lahat ng mga iyon.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ( Editing)
Teen FictionThey say the best type of love is unexpected. Sometimes we find we love things we never thought we wanted. He was the kind of man everyone would fall in love with, even if they didn't want to. I fell in love with him. And I hadn't calculated for tha...