"D-Dad uwi na tayo" inaya ko na si Dad dahil sa sobrang hiya, pano? pakiramdam ko namumula ako kasi nag-iinit tong muka ko grr.
"O,e kakarating niyo lang. Di mo ba ko namiss baby? ayaw mo bang maghang-out tayo nila Dad? para makabili narin tayo ng regalo para kay Mommy." sabi ng gwapong tubol na katabi ko ay wait erase the word "GWAPO" hindi pala siya gwapo. Isa siyang malaking hotdog.
"Oo na,napakarami mo pang dinadakdak" pabalang na sagot ko, nakita kong sumingkit ang mga mata niya.
Infairness nakakamiss siyang asarin
No Beatrix, goodgirl ka po.
"Kayo nalang mga anak, isa pa, i have a lot of things to do." sabi ni Dad.
"Di ka na bibili ng gift mo Dad?"
"Meron na, at tsaka sa tingin ko kailangan niyo rin ng bonding time magkapatid, matagal na kayong di nagkikita"
"Yes Dad, opo tama po." epal talaga 'to, mungtubol.
"Oy ikaw! alagaan mo yang kapatid mo!" bilin ni dad sakaniya
"Syempre dad,caring po ako sa mga pet ko." nanlaki ang mga mata ko at unti-unti ko siyang nilingon.
"Ahhh,so sinasabi mo bang pet ako?" inis Kong tanong dito
"Hmm, hinde naman, ang sinasabi ko lang, muka kang pet." kaya naman binatukan ko siya.
"Dad, sasama nalang ako pauwi." sabi ko kay dad, pero naka alis na sila, pano na? kasama ko talaga tong unggoy na to?
"O,ba't ka napipikon?" tanong niya sa'kin. E sino bang hindi mapipikon badtrip talaga o.
"Badtrip ka kase e."
"Hindi na kita aasarin pramis. Tara sa mall, bili tayo ng maraming tempura." nagliwanag ang nakabusangot kong pagmumuka nang marinig ko yung word na 'Tempura'.
"Basta libre mo?" with a twist of pabebe dapat ehehe.
"Upu." tipid niyang sagot at hinila na niya ako na parang maleta
*MALL*
"Uy chicks." sabi ng mga jejemong tao dito. Gosh! ganto ba talaga dito? ngayon lang ba sila nakakita ng magandang tao? mga ignorante
"Baby,kain muna tayo" sabi ng tubol sa tabi ko, ahm. Muntik ko nang bigyan ng malisya pero naalala ko na simula nung bata pa kami ay yun na ang tawag niya sakin kase ako ang nag-iisang baby sister niya, isa ring ignorante 'to e, well pati pala ako.
Sobra akong natouch sa sinabi niyang ako daw ang pinakapaborito niyang kapatid then I realized na,dadalawa lang pala kaming magkapatid! Hmppp
"Dun tayo sa Spanish Buffet!" request ko.
"Sure!" sagot niya.
"So ano namang pinaggagagawa mo sa Korea?" tanong niya sa'kin
"Ba't andami mong daldal? gusto mong tahiin ko yang bunganga mo?" mataray na sagot ko sa kaniya
"grabe ka pet." pang aasar niya
"Di ka talaga titigil?!" naiinis kong sigaw sa kaniya.
Kaya tumigil ito sa pang aasar at sumeryoso ang muka.
"Don't shout, we're in a public place. And can you please call me kuya? I'm still your big brother" biglang mahinahon niyang saad.
Hindi ko alam pero parang nawalan ako ng ganang kumain at parang maiiyak na ako.
Nakalimutan ko kuya ko pala siya mag kapatid kami at hanngang dun nalang yun.
Mayamaya pa ay may tumawag sa kaniya, may naka lagay na Sarah, maybe liniligawan niya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love ( Editing)
TeenfikceThey say the best type of love is unexpected. Sometimes we find we love things we never thought we wanted. He was the kind of man everyone would fall in love with, even if they didn't want to. I fell in love with him. And I hadn't calculated for tha...