Patungo si Dwayne sa likod ng library. Kanina pa nya hindi napapansin ang dalawang kaibigan. Siguro ay nandoon na naman sa tambayan nila.
Napalingon si Lauri sa lalaking paparating.
"Speaking of devil." Napapailing na sambit ni Lauri.
Sinundan ng tingin ni Jaxson ang tinitingnan ng kaibigan.
"Loko!"
Binuksan ni Jaxson ang isang coke in can at uminom dito habang nakatingin sa papalapit na kaibigan nila.
Nakapamulsang sumandal sa haligi ng silungan si Dwayne. Nakasampay ang itim na coat na uniporme sa balikat. Nakatupi rin sa gitna ng braso ang puting long sleeve nito.
"Bro, san ka ba galing?" Tanong ni Lauri habang inilalagay ang parehong kamay sa likod ng kanyang ulo sabay sandal sa sementong sandalan.
"Sa library." Tipid na sagot nito ng hindi nakatingin sa mata ng kausap.
Nagkatinginan ang dalawang lalaki sa sagot ng kanilang kaibigan. Napansin nila ang pananahimik nito. Tila malalim ang iniisip. Nagtaka ang dalawang magkaibigan.
"May gaganaping car racing mamaya. Ang grupo nila Rex at Andrei ang maglalaban." Basag ni Jaxson sa katahimikan.
"Psh! Yung mayabang na Rex na 'yon. Matalo sana ang kupal." Komento naman ni Lauri. "Papanuorin ba natin matalo yung ungas na 'yon?" Dagdag pa nito.
Tahimik lang na nakikinig ang binata sa dalawa nyang kaibigan.
Si Rex ang huling nakalaban ni Dwayne sa karera. Dinaya lamang nito si Dwayne kaya sya nanalo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ng dalawa nyang kaibigan na dinaya sya ni Rex.
"Sa tingin ko dudugain na naman nya ang laban." Napapangiwing wika ni Jaxson.
"So, anong plano? Pipigilan ba natin ung mokong na 'yon? Kung ako lang ang papipiliin ayokong manalo si Rex dahil lang sa pandaraya." May kalakasang sambit ni Lauri.
"Wala ka namang aasahan dun sa taong 'yon. Hindi marunong tumanggap ng pagkatalo." Napapailing na komento ni Jaxson.
Humugot ng isang malalim na buntong hininga si Dwayne. Hindi rin sya sangayon tulad ng dalawa nyang kaibigan na may magaganap na naman na dayaan sa karera.
"We will stop him from his craziness. Habang hinayaan lalong lumalakas ang loob." Sabay na napalingon ang dalawa sa kaseryosohang anas ni Dwayne.
*****
Sa bahay ni Wendell...
She was more like a beauty queen
From a movie scene
I said, "Don't mind, but what do you mean
I am the one
Who will dance on the floor in the round?"
She said I am the one
Who will dance on the floor in the round
Pakanta kanta ang lalaki habang nananalamin sa loob ng kanyang kwarto. Kakatapos lamang nitong mag shower. Nakasuot ito ng itim na pajama at puting sando.
Hindi mabura bura ang ngiti sa mga labi ng lalaki. Nakatatak na sa isip nito ang mga sinabi sa kanya kanina ni Audrey. Naaalala nya pa kung paano namula ang pisngi ng dalaga nung inangkin sya nito bilang boyfriend sa harap ni Samara. Kahit na nadala lamang ang babae sa emosyon kaya nya ito nasabi ay masaya na sya doon.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With The Bad Boy(Ongoing)
Teen FictionIsinantabi muna ni Samara ang buhay pag-ibig nya dahil tiyak namang makakapag hintay ang tadhana para sa kanya. Subalit isang araw bigla nalang may yumanig sa natutulog nyang puso. Hindi nya akaling nahulog at tinamaan sya sa campus heartthrob ng Ha...