(13) Mapanuring mga mata

35 7 0
                                    

Nag igting ang panga ni Dwayne dahil sa pambabalewala sa kanya ng babae. Hindi na sya nakapag pigil at hinawakan ng mahigpit ang braso nito. Hindi naman sinasadyang nahawakan ng dulo ng mga daliri nito ang gilid ng dibdib ng babae. Naramdaman ni Samara iyon at agad na nag init ang magkabila nyang pisngi. Pero napawi rin agad ang nararamdaman nyang iyon at napalitan ng biglang pag init ng ulo.

"Bitawan mo nga ako Dwayne! Maglalakad nalang ako!" Reklamo nito. Malapit na sila sa kotse ng lalaki pero hawak hawak pa rin sya ni Dwayne.

Humarap ang binata sa nagrereklamong babae at saka binitawan ang braso nito. "Bakit ka ba humihiyaw dyan! Hindi naman ako bingi!"

"Paano kase!"

"Anong paano kase?!"

"Bakit ba ka naninigaw dyan?!" Naiiritang sigaw rin ng babae.

"Damn it woman! Ano ba yang ikinagagalit mo? Nagmamagandang loob na nga yung tao tapos aarte ka pa!"

"P-paanong hindi ako magagalit eh a-ano." Humina ang boses ng dalaga. Nagdadalawang isip si Samara kung sasabihin nya ba ito sa lalaki.

"F*CK! ANO BA YON?!" Sa labis na pagkairita ni Dwayne ay hindi na nya napigilang mag taas ng boses.

"PAANO NAHAWAKAN MO YUNG DIBDIB KO! YUN LANG NAMAN ANG IKINAGAGALIT KO! TAPOS PARANG WALA LANG SAYO NA NAHAWAKAN MO!" Sumabog ang kanina pang pinipigilang galit ng babae. Hindi gusto ni Samara na magalit sa lalaki. Ngunit hindi kase ito humingi ng tawad matapos mahawakan ang dib dib nya. Hindi nya kayang palampasin na lang iyon. Pakiramdam nya'y nabastos sya ng wala sa oras.

Tila naman lumambot ang mukha ng lalaki at ginapangan ng hiya. Akala nya hindi ito napansin ng babae kung kaya't hinayaan na lang nya ito.

Napalunok ng ilang beses si Dwayne bago nakapag salita. "O-okay. I-Im sorry. Hindi ko naman sinasadya. Ang tigas kase ng ulo mo!"

"Sigurado ka bang hindi mo sinasadya iyon? Hindi ka ba nananantsing lang?" Napataas ang kilay ni Samara habang matamang tini-titigan sa mga mata ang kaharap kung nagsasabi nga ba ito ng totoo.

"The f*ck! Ano bang tingin mo sakin? A pervert?!"

"Oo." Deretsong sagot ng dalaga.

Natahimik bigla si Dwayne. Hindi nya inaasahan na ang tingin sa kanya ng babae ay isang manyakis. Parang kinurot ang kanyang puso. Ano ba itong nararamdaman nya? Naiinis na sya dahil hindi na nya maintindihan ang kanyang sarili.

"Look. I'm sorry okay. Believe me. I didn't meant it. It just happened." Seryosong turan ng binata habang deretsong nakatingin sa babae.

Tulad ng gusto nya humingi nga ng tawad ang lalaki. Ni minsan ay hindi nya ito kinakitaan ng ganitong pag uugali. Tanging mga masasamang bagay lamang ang nakikita nya rito kung kaya't nagugulat sya sa pinamamalas nitong ugali.

Hindi nagtagal ay humupa rin ang galit na nararamdaman nya para sa lalaki.

Maingat namang hinawakan ni Dwayne ang braso ng dalaga at hinila ito sa tabi ng driver seat ng kanyang kotse. Pinagbuksan nya rin ito ng pintuan.

"Get in. We're going home together."

Hindi na nagmatigas pa ang babae at sumakay nalang sa loob ng kotse.

Pareho silang tahimik sa byahe at walang nagtatangkang magsalita. Seryoso lamang na nagmamaneho si Dwayne. Nakatingin naman si Samara sa labas ng bintana at halos idikit na nito ang sariling katawan sa pinto ng bintana.

Samantalang pinakikiramdaman ni Dwayne si Samara kung galit pa rin ba ito sa kanya. Inaamin nyang nagkamali sya pero hindi naman nya ito sinasadya. At kung ano man ang tingin sa kanya ng babae ay wala na syang magagawa tungkol doon. Basta malinis ang konsensya nya at nakahingi na rin ito ng tawad. Nasa babae nalang kung papatawarin sya nito.

I'm In Love With The Bad Boy(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon