(16) She's in trouble (Part 2)

31 6 0
                                    

Maingat na iginalaw ni Samara ang kanyang kaliwang braso. Napangiwi sya ng maramdaman ang sakit doon. Nasa loob pa rin sya ng clinic at kasalukuyang nakaratay sa puting kama. Hindi nya namalayang nakatulog pala sya. Agad syang napabalikwas ng maalalang may klase pa pala sya.

Natigilan sya ng bumukas ang pinto. Pumasok si Lauri at may dala itong isang tray ng pagkain.

Ngumiti si Lauri ng makitang gising na pala ang babae.

"Kamusta na ang pakiramdam mo Samara? May masakit pa ba sayo?" Tanong ni Lauri habang ibinababa ang pagkain sa may lamesa. Inayos nya rin ito at iniabot sa dalaga.

"Ayos na ako. Kaya lang medyo sumasakit pa rin itong kaliwang braso ko. Ah! Teka Lauri kailangan ko ng umalis baka nagsisimula na ang klase namin." Bababa na sana sya ng kama ng pinigilan sya ng binata. Saglit na inilapag ni Lauri ang hawak na tray at pinaupong muli si Samara sa may kama.

"Lunch break na Samara. Kaya dito ka muna at magpahinga. Sasamahan na rin kita mamaya sa klase mo tutal iisa lang naman ang klaseng pinapasukan natin."

".....Heto, kumain ka muna. Dinalhan na kita ng makakain mo dahil alam kong mahihirapan ka lang sa pag order ng pagkain." Muling iniabot ni Lauri ang tray ng pagkain kay Samara.

Nahihiyang tinanggap naman ito ni Samara at ipinatong sa ibabaw ng kanyang hita. Bigla syang nakaramdam ng pagkalam ng tiyan ng maamoy ang masarap na pagkain.

"S-Salamat Lauri." Nakangiting sambit nito.

"Wala 'yun! Kumain ka ng marami para lumakas ka." Naupo si Lauri sa tabi ng lamesa at pinanuod na kumain ito. Hindi pa sya kumakain dahil mas gusto nyang unahin ang babae kaysa sa sarili.

Tahimik na kumain si Samara. Hindi nya alintana ang lalaking nanunuod sa kanya habang kumakain. Napaubo sya dahil sa sunod sunod na pagsubong ginawa nya. Hinimas nya ang kanyang dibdib habang panay pa rin sa pag ubo. Inabutan naman sya ng tubig ng binata.

"Hinay hinay lang kase sa pagkain. Hindi naman tatakbo yang pagkain mo hahaha!" Tatawa tawang wika ni Lauri.

"Thanks." Sambit ni Samara matapos makainom ng tubig.

Pareho silang napalingon ng marahas na bumukas ang pintuan.

"SAMARA! OMAYGAD! WHAT HAPPENED TO YOU?" Malakas na wika ni Audrey sabay lapit sa kanyang kaibigan at sinipat sipat ito.

"Napano yang kaliwang braso mo? Bakit may benda yan? Nag c.r ka lang tapos nagkaganyan ka na!" Puno ng pag aalalang sabi ni Audrey.

"Alwyna and her friends did that to her and jealous was the reason behind it." Si Lauri na ang sumagot sa tanong ng dalaga.

"Anak ng! Kita mo nga naman yang Alwyna na yan wala na talagang ginawang maganda ang babaeng yon! Huwag lang syang magkakamaling magpakita sakin kundi ay lulumpuhin ko sya!" Matapang at nanggigigil na sambit ni Audrey.

Napabuntong hininga nalang si Samara. Napaka tapang talaga ng kanyang kaibigan. Kaya't walang nag nanais na lapitan ito ng ibang lalaki sapagkat napaka sungit. Tanging si Wendell lang ang nakakalapit dito.

Napapalunok naman si Lauri at hindi makapaniwala sa kaibigan ni Samara. Bigla syang kinabahan sa katapangang taglay ng babae.

"Ikaw naman! Anong ginagawa mo dito sa loob kasama si Samara?" Baling ni Audrey sa lalaking nakaupo.

Napaigtad naman si Lauri sa pagkagulat. Umayos sya ng pagkakaupo at humarap sa babaeng matapang.

"Ah a-ano--"

"Si Lauri ang nagdala sakin dito sa clinic. Sya rin itong nagbigay ng pagkain sakin. Kaya huwag mo syang pagalitan Audrey."

Napatikhim si Audrey bago nagsalita. "Ah, ganun ba."

I'm In Love With The Bad Boy(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon