Sa loob ng kanilang silid aralan.
Nakaupo si Samara sa pangalawang linya ng upuan sa tabi ng bintana. Pinagmamasdan nya ang bawat estudyanteng pumapasok ng paaralan.
Kanina pa hinanap ng mga mata nya ang kanyang kaibigan. Mag uumpisa na ang kanilang klase ngunit wala pa ring nagpapakitang Audrey sa kanya.
Ano ba ang nangyari dito at hindi nakapasok? Hindi manlang sya tinext nito na hindi pala makakapasok.
Nagsimulang mag diskusyon ang kanilang guro ngunit wala dito ang atensyon ng dalaga. Iniisip nya pa rin ang kanyang kaibigan na hindi nakadalo ng klase.
Sa kalagitnaan ng pagtuturo ng kanilang guro bigla nalang bumukas ang pinto nito at pumasok ang tatlong lalaki.
"Kyaaa! Akala ko hindi papasok si Dwayne."
"Waaa! Buo na naman ang araw ko dahil kay baby Jaxson."
"Hala! Kinindatan ako ni Lauri. Oh my gosh!"
Napuno ng mga impit na tilian ang loob ng silid aralan.
Napairap ang dalaga sa reaksiyon ng mga kaklase nyang babae. Parang mga kiti-kiti ito na hindi mapakali sa kanilang upuan. Kulang nalang ay sugurin nila ang tatlong lalaking dumating at yakapin ang mga ito.
"Mga pa-VIP naman masyado itong mga 'to. Late ng mga nagsisipasok." Mahinang sambit ni Samara habang nakapangalumbaba sa kanyang upuan.
"Mister Schofield, Mister Kennard and Mister Ferrell! Did you know what time is it?" Galit na wika ng guro sa tatlong lalaking bagong dating.
"It's nine thirty in the morning, Miss Bagley." Sabi ni Lauri ng nakangiti ng malapad sabay upo sa bandang dulo ng mga upuan. Tumabi sa kanya sina Jaxson at Dwayne.
"Kapag pumasok pa ulit kayo ng late sa klase ko. Ibabagsak ko na kayong tatlo!"
"Go on. And please, do your job as a teacher. Your waisting our time." Walang ganang wika ni Dwayne.
"Ay, ang bastos naman nitong lalaking 'to!" Bulong ni Samara sa kanyang sarili.
Ganito ba talaga sa eskuwelahang ito? Hinahayaan lang nila ang mga pasaway na estudyante sa kung anong gusto nilang gawin. Nilalabag ang school rules.
Napailing na lamang ang guro sa inasal ng kanyang estudyante. Ipinagpatuloy na lamang nito ang pagtuturo. Kung papatulayan nya pa ang kanyang estudyante ay baka sya lamang ang mapasama dahil napakayaman nitong batang ito. Kayang kaya syang ipatanggal sa eskuwelahang ito ng mga magulang ni Dwayne.
Natapos ang kanilang klase. Inaayos ng dalaga ang kanyang gamit.
"Miss Hayes?" Rinig nyang tawag ni Ms Bagley sa kanya.
Lumapit sya dito ng may nagtatakang mukha.
"Where's your research about the history of our school?" Tanong sa kanya ng guro.
Oo nga pala. Muntik na nyang makalimutang ipasa ang pinagawang research sa kanya.
"Ah, saglit po." Sabi ng dalaga habang hinahanap sa loob ng kanyang bag ang ginawa nyang research.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With The Bad Boy(Ongoing)
Teen FictionIsinantabi muna ni Samara ang buhay pag-ibig nya dahil tiyak namang makakapag hintay ang tadhana para sa kanya. Subalit isang araw bigla nalang may yumanig sa natutulog nyang puso. Hindi nya akaling nahulog at tinamaan sya sa campus heartthrob ng Ha...