(15) She's in trouble (Part 1)

32 7 0
                                    

Naglalakad si Samara habang may pasak ang kanyang tainga. Inilakas nya ang volume ng kanyang cellphone dahil paborito nya ang kantang nag pe-play sa earphone nito.

Napansin nyang tila may pinagkakaguluhan ang mga estudyante sa bulletin board. Lumapit sya rito at nakitingin na rin. Sumiksik sya sa kumpulan ng mga estudyante at ng marating nya ang pinaka unahan ay bigla syang nanlamig sa nakikita. Mayroon syang mga litrato na nakadikit dito at panay sulat ang kanyang mukha. May mga nakasulat ring masasakit na salita tulad ng malandi, makapal ang mukha, mang aagaw, haliparot, desperada, gold digger at kung ano ano pang mga paratang.

Wala syang ka aydi-aydiya kung sino ang may gawa nito. Wala syang natatandaan na ginawa nya ang mga akusasyon na iyon. Dahil ba ito sa pagsakay nya ng kotse ni Dwayne? Ganun na ba kabilis kumalat ang balita pag ang lalaki na iyon na ang pinag uusapan? Pero alam naman nya sa sarili nya na wala syang ginagawang masama.

Kinuha nya ang mga picture nyang nakadikit sa bulletin board at ipinasok sa kanyang bag. Ayaw nyang may makakita pa ng mga litrato nyang iyon. Binura nya rin ang mga masasakit na nakasulat. Pagkatapos ay nilisan nya ang lugar na iyon.

Kanina pa sya nakakahalata sa mga babaeng masama ang tingin sa kanya. May mga nagbubulungan habang nakatingin sa dereksyon nya. May mga umiirap at napapangisi.

"I can't believe she has the guts to took away Dwayne from Alwyna."

"She's a slut."

"Bitch!"

"Lagot sya kay Alwyna."

Ilan lang ang mga salitang iyan sa mga naririnig nya. Hindi nya kailangan matakot sapagkat wala naman syang inaagaw. Wala naman silang alam. Hindi nalang nya ito papansinin dahil baka pag pinansin nya lang ang mga ito ay lalo lang na lumala ang sitwasyon. Mas mainam ng tahimik sya at hayaan ang mga ito sa kung anong iniisip sa kanya.

*****

"Dwayne? Anong balita sa inyo ni Alwyna?" Tanong ni Lauri.

Nakapatong ang dalawang paa ni Dwayne sa lamesa sa kanilang silungan sa likod ng library.

"Nothing. We're not even in a relationship. I'm just having some fun with her." Walang ganang wika ng lalaki.

"What about Mina?" Tanong naman ni Jaxson.

"I like her body. But she's not as good like Alwyna." Nakangising wika nito.

".....Schofield do you have cigarette in your pocket?"

Inabutan ni Lauri ng yosi ang kaibigan. Kinuha naman iyon ni Dwayne at iniipit sa pagitan ng kanyang labi at saka ito sinindihan.

"I never thought that we will see you smoking again Ferrell." Nakagising sambit ni Lauri.

"I just missed the smell of it."

"That's our boy!" Malakas na sabi ni Jaxson.

Nakarating na kay Dwayne ang balita tungkol sa kanila ni Samara kung kaya't nag aalala sya para sa babae. Iniisip nya ang posibleng gagawing aksyon ni Alwyna at Mina tungkol dito dahil alam nyang pareho itong palaban at matapang.

Napabuga sya ng usok sa malalim na pag iisip. Pag ganitong may pinoproblema sya, hindi nya maiwasang hindi mapayosi. Hindi nya hahayaang masaktan si Samara ng dalawang babae.

*****

Napapakunot ng noo si Audrey habang sumusubo ng pagkain. Kanina nya pa napapansin na nakatingin sa kanila ang halos lahat ng tao sa canteen. Alam na nya ang kumakalat na balita tungkol sa kaibigan. Hindi nya lubos maisip na darating ang pagkakataong ito. Naaawa sya para kay Samara.

I'm In Love With The Bad Boy(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon