(12) Her amazon friend

48 7 3
                                    

Tahimik na naglalakad si Samara papunta sa kanyang klase habang nakikinig ng kanta sa kanyang earphone. Sinasabayan nya rin ito kung minsan.


"Say you'll stay
Don't come and go
Like you do
Sway my way
Yeah I need to know
All about you

And there's no cure
And no way to be sure aww!--" Inis na lumingon si Samara sa humampas ng braso nya habang hinihimas ang namumula na nitong braso.



"Bakit ka naman nanghahampas Audrey! Ang sakit kaya!"



"Paanong hindi kita hahampasin eh kanina pa kita tinatawag tapos mukha lang pala akong timang dahil may pasak na naman yang tainga mo! Sa susunod na tawagin ulit kita tapos naka earphone ka, ibibigti ko na talaga sayo yang earphone mo Samara Hayes!" Nag ngingitngit ang mga ngipin ni Audrey sa panggigil sa kaibigan.




Alam ni Samara na naiinis na sa kanya ang kaibigan dahil tinawag sya nito sa buo nyang pangalan.



"Oo na! Hindi mo naman kailangan maging brutal Audrey. Minsan nga iniisip ko kung talagang kaibigan ba ang turing mo sakin eh."



"Aba'y! Gaga ka pala talaga eh! Halika nga dito at lulugukin ko lang yang ulo mo ng magising ka!"




Naghabulan ang dalawang magkaibigan. Hindi papayag si Samara na maabutan ng kaibigan dahil alam nyang hindi ito nagbibiro. Talagang gagawin nga ito ni Audrey.



"WAAA! AYOKO NA AUDREY! TUMIGIL KA NA!" Hiyaw ni Samara sa kaibigan.




"HINDE! KAILANGAN KO TALAGANG ALUGIN YANG ULO MO DAHIL KUNG ANO ANONG WALANG KATUTURAN YANG INIISIP MO!"



"HUHU! ANG SAMA MO TALAGA AUDREY!"




Hindi na alam ni Samara kung saan pa sya pupunta. Kailangan nyang humanap ng mapagtataguan. Habang tumatakbo sya ay nagpapalinga linga ito kung saan sya pwedeng sumuot. Nakakita sya ng nakasaradong pinto sa bandang dulo ng building nila sa senior. Ngaun palang sya napunta sa dulo nito dahil nasa unahan ang kanilang classroom. Hindi naman kase sya pala gala sa bawat classroom nitong building nila.




Pumasok sya sa loob ng silid aralan. Nagulat sya dahil madilim sa loob gawa ng nakasarado lahat ng bintana. Hindi naman nya pwedeng buksan ang bintana dahil baka makita lang sya ni Audrey. Mas mainam kung mananatili na lang itong nakasara. Bubuksan na lamang nya ang ilaw ng sa gayon ay makakita sya ng maayos.




Nagliwanag ang loob ng silid aralan. At ang kanina pang dalawang tao sa loob nito ay nagulat dahil sa biglang pagbukas ng ilaw. Gusto na sanang hiyawan ni Lauri ang babaeng pakialamera ngunit ng humarap ito ay agad syang natameme ng makilala kung sino ito.




"Samara? Anong ginagawa mo dito?" Nakakunot na tanong ni Lauri.




"Huh? Lauri? Jaxson? Anong ginagawa nyo rito?" Nagtatakang tanong naman ni Samara ng malamang hindi lang pala sya ang tao sa loob ng silid.




"Tsk! Ikaw nga ang tinatanong ko tapos ibinalik mo naman."




"Ah, ano kase.. m-may may pinagtatagulan lang ako kaya napunta ako rito. Akala ko kase walang tao kaya pumasok ako."




"May pinagtataguan ka? Sino naman?" Naiintrigang usisa ni Jaxson.




"Si Audrey."




"Yan ba yung kaibigan mong kasama sa bar? Yung lasing na lasing?" Si Lauri.




"O-oo."



I'm In Love With The Bad Boy(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon