(7) Ang kasunduan

64 20 0
                                    

Napataas ang kilay ni Dwayne ng hindi pumayag ang babae sa gusto nya. Hindi pwedeng hindi ito pumayag dahil maganda ang ideya nyang ito.

"You just told me earlier that you don't have money to pay me, am I right?"

Napatango ang dalaga.

"See? Even your life is not enough to pay the damage you had caused to my car. You should know how to thank me for not asking for more."

Napanguso ang dalaga sa sinabi ng lalaki. May punto ito dahil hindi naman talaga nya kayang bayaran ang nasira nya. Kasalanan naman nya ang nangyari kaya walang ibang pwedeng sisihin kundi sya.

Kung tutuusin pwede syang ipakulong nito dahil sa ginawa nya. Pero hindi ginawa ng lalaki. Sa halip ang gusto lang nito ay maging katulong sya sa kanilang bahay bilang kabayaran.

Nagtaka si Dwayne sa pananahimik ng babae. Tama ba ang hinihingi nya dito na maging katulong nila? Pero hindi. Nasira pa rin nito ang paborito nyang kotse. Magmumukha lang syang tanga pag binawi nya ito. Kailangan nyang panindigan ang desisyon nya.

"Just be one of our maid is enough. That's it. It's simple, isn't it?" Nakangising saad ni Dwayne.

"Pero, ano kasi..."

Papayag ba sya sa gusto ng lalaki? Wala naman syang magagawa laban dito kung magmamatigas pa sya. Okay na sa kanya ang maging katulong kaysa mabilanggo ng ilang taon sa kulungan.

"What? Ayaw mo? Okay. Mabilis naman akong kausap. I'll just call the police to solve this matter." Kinuha ni Dwayne ang telepono sa kanyang bulsa.

Nakita ni Samara na may dina-dial nga ito. Nataranta ang dalaga.

"Oo na! Payag na ako sa gusto mo. Masaya ka na?" Napipilitang sagot ni Samara. Ano pa bang inaarte nya? Mamaya magbago pa ang isip ng lalaki at ipakulong pa sya.

"Okay." Sagot ng lalaki habang ibinabalik sa bulsa ng kanyang pantalon ang telepono nito.

"Kelan ba ako magsisimula bilang katulong nyo?"

"Ngayon." Tipid na sagot ni Dwayne.

"WHAT?!" Hindi na napigilan ni Samara na masigawan ang kausap.

"I mean, bakit ngayon agad? Hindi ba pwedeng tuwing sabado at linggo lang ako magtrabaho bilang katulong nyo?" Paano naman sya kung pati may pasok nila ay kailangan nya pa ring maging kasambahay? Paano pa sya gagawa ng mga assignments, projects, at kung ano ano pa. Paano ang pagtulong nya sa pagtitinda sa kanilang karinderya?

"No, hindi pwede. Buong isang buwan mong pagtatrabahuhan ang kabayaran mo sa sinira mo sa kotse ko. At ngayon ang unang araw mo bilang katulong." Pinal na mungkahi ng lalaki sa kanya.

Napalunok ng magkakasunod ang dalaga. "Pwede bang umuwi muna ako sa amin para makapag paalam ako ng maayos kay mama?"

Napataas ang kilay ng lalaki. Saglit itong nag isip. Pag pumayag sya sa gusto ng babae baka hindi na ito bumalik pa at ang masama pa dun ay hindi na nya magagawa ang mga plano nya.

"No! Bukas ka na umuwi sa bahay nyo. Tutal sabado naman bukas. Magdala ka din ng mga damit mo dahil pansamantala ka munang titira sa bahay para magampanan mo ng mabuti ang pagiging katulong mo." Matigas na wika ng lalaki.

"And once you disobey me and make an unnecessary decision without my consent. I'll make your one month become two months like hell. Are we clear?"

Gustong batukan ni Wendell ang sarili. Ano bang pumasok sa isip nya? Kung hindi lang sya naghahanap ng pag lilibangan ay hindi na nya pag aaksayahan pa ng oras ang babae.

I'm In Love With The Bad Boy(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon