(5) He's interested to her

65 22 0
                                    

Kanina pa hindi mapakali si Samara sa kanyang inuupuan. Kanina pa kase sa kanya nakatingin ang dalawang lalaki sa harapan nila. Mukha pa naman itong manyakis.

Tiningnan nya ang kanyang katabi na kanina pa tungga ng tungga ng alak. Medyo lasing na ito at kung ano ano na ang mga sinasabi sa kanya.

"Samara *hik* sa tingin mo *hik* bakit hindi tinutubuan ng *hik* buhok si Vin Diesel?" Nakakunot na tanong ng sinisinok na kaibigan.

Muntik na nyang maibuga ang iniinom dahil sa narinig nya. Natawa sya ng mahina. Lasing na nga ang kanyang kaibigan.

Sasakyan nalang nya ang kahibangan nito para malihis ang atensyon nya sa dalawang lalaki sa harapan nila tutal silang dalawa lang naman ang makakarinig ng pag uusapan nila.

"Siguro dahil wala talaga syang buhok." Natatawang sabi nya.

"Ganun ba? Kawawa naman pala sya kung ganun." Inosenteng tugon ng kaibigan habang tinutuktok ng mahina ang baso sa lamesa.

"Bakit mo naitanong?" Nagmamaangang tanong ni Samara sa wala sa sariling si Audrey.

"Kase diba ang dami nya namang pera pero hindi makabili ng novu hair."

Hindi na napigilan ni Samara na matawa ng malakas.

"Baka walang novu hair sa kanila." Sagot nito habang nakahawak sa tiyan nyang sumasakit na sa kakatawa.

Napasimangot ang kanyang katabi. Lalo syang natawa sa itsura nito. Talaga ngang naniwala ang kaibigan sa sinabi nya dito.

"Saan ba nakatira si Vin Diesel?" Tanong nito ng may namumungay na mata.

"Sa Los Angeles, California CA. ata." Hindi siguradong sagot ni Samara.

"Ang layo naman pala! Mahal siguro ang shipping fee pag pinadala ko sa kanya yung novu hair." Napapapalo pa ito ng kamay sa mesa na tila apektadong apektado sa hair issue ng aktor.

"Malayo talaga." Napapatango naman na sagot ni Samara dito.

"Hayaan na nga natin sya! Wag na syang magbuhok! Bagay naman sa kanya kahit kalbo nalang sya forever." Nakangusong saad ng lasing na kaibigan.

Ano ba itong kaibigan nya. Ganito ba talaga ito pag nalalasing? Ngaun nya lang naman kase ito nakasama sa bar kaya naguguluhan sya kung ganito nga ba ang nangyayari sa babae pag nakakainom ng marami.

Bigla syang kinakabahan ng makitang papalapit sa direksiyon nila ang dalawang lalaki sa katapat na mesa. Ano ba sa tingin nila ang iniisip ng mga ito?

Tinapik nya ng mahina si Audrey na ngayon ay nakadukdok na sa lamesa.

"Audrey, umuwi na tayo."

"Huh? Bakit? Maaga pa naman ah." Sabi nito sabay dukdok ulit sa lamesa.

"Hi miss beautiful. Mukang tulog na yung kasama mo. Gusto mo ba ng makakausap?" Napaigtad sya. Hindi nya napansing nakalapit na pala ito sa kanila.

Tiningnan nya ang mga mukha nito. Mga lasing na rin ang mga ito dahil namumula na ang kanilang mga mukha.

"Ah, hindi po. Salamat nalang. Pwede na po kayong umalis." Wika ng dalaga sa mga ito.

Tinapik tapik nya ulit si Audrey sa braso nito.

"Audrey, tara na. Umuwi na tayo." Anyaya nito sa kaibigan.

"Mamaya na Samara. Hindi ka pa lasing eh."

I'm In Love With The Bad Boy(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon