(11) Epic Date

55 7 5
                                    

Author notes: Ito na po yung date ni Wendell at Audrey hahaha. You can check on Chapter (3) The plan of the boys kung nakalimutan nyo man yung ginawang pagyaya ni Wendell kay Audrey.

*****

--Sunday (July 18, 2019)--

Sa bahay ni Audrey Daniels...

"Manang Ising pasuyo naman ako ng malamig na tubig sa isang maliit na palanggana. Paki lagyan na rin ng isang yelo." Hiyaw ni Audrey sa kasambay.

"Opo, ma'am Audrey." Sagot ni manang Ising. Kahit nagtataka ang kasambay kung saan ito gagamitin ng kanyang amo ay sinunod na lamang nya ito.

Nasa malaking sala si Audrey. Nakataas ang kaliwang paa nito sa malambot na upuan. Pinapahiran nya ng itim na kyutiks ang mga kuko nya sa paa. Tapos na sya sa mga daliri nya sa kamay kung kayat ang mga kuko nya nalang sa paa ang tinatapos nya.

Ang gusto nito ay kulay itim rin ang kyutiks nya dahil kulay itim ang isusuot nyang dress sa date nila ni Wendell. Ang nais nyang mangyari ay lahat ng gagamitin nya ngayong araw para sa date nila ng lalaki ay panay itim. Excited na syang gamitin ang mga pinagbibili nyang mga aksesorya sa mall.

"Ma'am Audrey, heto na po ang hinihingi ninyo." Maingat na inilapag ni aling Ising ang palangganang may lamang malamig na tubig at yelo sa sahig.

"Salamat manang Ising."

Inilubog ni Audrey ang dalawang paa sa malamig na tubig. Ginagawa nya ito upang mabilis na matuyo ang kyutiks.

Mabilis lang na nakatapos maligo si Audrey. Pinatuyo nya ang kanyang mahabang buhok sa blower. Pagkatapos ay kinulot ang dulo nito. Hinayaan nya lang na nakaladlad ang mahaba nyang buhok. Nagbihis na rin sya at isinuot ang kulay itim na halter dress na above the knee ang haba. Naglagay sya ng kaunting kolorete sa mukha. Pinahiran nya rin ng kulay pulang lipistik ang kanyang labi. Nang makuntento sa itsura sa harap ng salamin si Audrey ay isinuot na nya ang kanyang itim na hikaw. Itim na relos. At itim na sandalyas. Kinuha nya rin ang kanyang itim na bag at lumabas na sya ng kanyang kwarto.

Nagtataka naman ang kanyang ina matapos makita ang itsura ng anak habang bumababa ito ng hagdan.


"My lovely daughter saang lamay ba ang punta mo? Bakit wala naman kaming nababalitaan ng daddy mong may namatayan tayong kamag anak?"

Napanguso naman ang dalaga sa komento ng kanyang ina.

"Oh my gosh! Mommy I'm not going to see any funeral. I'm having a date with Wendell." Maktol ni Audrey sa kanyang ina.

"You're having a date with Wendell tapos ganyan ang itsura mo? Sa itsura mong yan para kang pupunta ng lamay Audrey."

"Mommy naman!"

"Sinasabi ko lang kung ano ang nakikita ko. But it's not that bad sweetie. You're still beautiful on that get up." Nakangiting turan ng ginang.

Napangiti naman ng malaki si Audrey. "Really mommy? You think Wendell will like it too?"

"Ahmm.... O-ofcourse. Ofcourse! He will surely like it." May pag aalinlangang sagot ng ginang.

"Thanks mom! I'll get going na. Bye!" Mabilis na humalik si Audrey sa pisngi ng kanyang ina.

Sa labas ng bahay nila Audrey kanina pa naghihintay si Wendell. Bigla namang umaliwalas ang mukha nito pagkakita sa dalaga. Pero agad ring pinangunutan ng noo matapos mapansin ang kabuuang itsura nito. Tanging kulay lang ng lipistik nito ang naiba.

I'm In Love With The Bad Boy(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon