(18) The confrontation

31 3 0
                                    

Mababanaag sa mukha ni Dwayne ang pagkasabik na makita ang dalaga. Maaga syang gumising upang maabutan nya si Samara bago ito pumasok ng university. Palagi nalang kase itong nauunang umalis ng bahay dahil nag aabang pa ito ng masasakyan patungong eskuwelahan. Gusto nya kase itong yayain na sumabay nalang sa kanya ng sa gayon ay hindi na ito mahirapan sa pag aabang ng jeep.




Gwapong gwapo itong nakasandal sa kanyang Mercedes-Benz habang hinihintay ang dalaga na lumabas ng kanilang bahay. Nakasuot rin sya ng itim na salamin sa mata. Hindi nya iniaalis ang kanyang mga mata sa malaking pinto ng kanilang bahay dahil baka biglang lumabas na ang kanina pa nyang hinihintay.





Hindi nagtagal ay lumitaw din si Samara. Naglakad ito tungo sa malaking gate kung saan nandoon ang binata. Napakunot ang babae ng mapansin na tila may hinihintay ata ang lalaki.





"Good morning." Nakangiting bati ni Dwayne sa dalaga.




Tila naman naestatwa si Samara sa kanyang kinatatayuan ng makita itong ngumiti dahil isa itong natural at hindi pilit. Ang dati nitong gwapong mukha ay lalo pang gumwapo pag ngumingiti ito. Sa tagal na nyang nakikita si Dwayne sa Harvill University ay ni minsan ay hindi nya pa ito nakitang ngumiti. At maituturing na isang himala ang pagngiti nito ngayon.




"Good morning din. Sige Sir Dwayne, una na ako. Mag aabang pa kase ako jeep."



Lalagpasan na sana si Samara si Dwayne ng bigla itong nagsalita.



"Wait! Kung gusto mo sumabay ka na lang sakin para hindi ka na ulit malate." Nakangiti pa rin ang lalaki dito.




Napaisip si Samara sa alok ng binata. Kung sasabay sya dito hindi nga naman sya malelate at makakatipid pa sya sa pamasahe.




"Ah, eh... Okay lang ba sir Dwayne?" Nag aalangang tanong ni Samara.




"Yes. Ano tara na?"




"S-Sige po."





Hindi mapigilan ni Dwayne ang mapangiti dahil pumayag ang babae na sumabay sa kanya ng hindi nya ito kinakailangang pilitin. Sa palagay nya ay madali nalang para sa kanya na makuha ang loob ng babae. Kaya't lalong nadagdagan ang lakas ng loob nya na ipagpatuloy ang nasimulan na nya. Wala ng atrasan 'to!




Nang makarating sila sa Harvill University ay agad na bumaba si Dwayne ng kanyang kotse at saka umikot upang pagbuksan ng pinto ang babae. Nagulat si Samara sa inakto ng binata pero hinayaan na lang nya. Hindi makakabuti kung pag iisipan pa nya ng iba ang bagay na iyon.




"Thank you, Sir Dwayne." Sabi nito ng makalabas sya ng kotse.




"It's okay. Just call me by my name Samara. Don't put the word sir before my name anymore. Understood?"




Hindi makapaniwala si Samara dahil tinawag sya nito sa kanyang pangalan. Ngayon lang ito nangyari kaya't hindi nya maiwasang magtaka. Siguro ay nagsawa na ito sa kakatawag sa kanya ng woman.




"Kahit sa bahay nyo Sir hindi ko na kayo tatawaging Sir?"





"Yes."




"Ngunit diba ay katulong lamang ako doon sa mansion nyo? Parang hindi ata tama na hindi ko kayo igalang bilang amo ko."




Nakikita ni Dwayne sa mga mata ng dalaga na nagdadalawang isip ito sa sinabi nya. Pero ipipilit nya pa rin ang gusto nya dahil ayaw na nyang tawagin syang Sir nito.



I'm In Love With The Bad Boy(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon