(9) Ang mapagkalat na si Dwayne

72 14 2
                                    

                Dedicated to Lailani0914

*****

Natutuwa si Dwayne sa ginagawang pang iinis sa dalaga. Gusto nya itong pahirapan. Kaya't gagawin nya ang lahat upang magtagumpay syang magpapansin dito.

Gustong humiyaw ni Samara sa sobrang inis dahil parang nananadya na ang lalaki sa pagkakalat sa lahat ng nililinisan nya. Ang una sa may sala. Ngayon naman sa garden. Kanina pa sya walis ng walis ng mga balat ng pinagkainang sitsirya ni Dwayne. Punong puno na sya sa ginagawa ng binata. Kaya't hindi na nya natiis at pinagsabihan ito.

"Sir Dwayne? Baka naman po gusto nyo munang magpahinga sa kwarto nyo. Alam ko pong pagod na kayo sa walang tigil na pagkakalat sa mga nililinisan ko. Nahihirapan na po kase ako sa kakalinis tapos naglalakat pa kayo. Pwede po bang dun muna kayo sa kwarto nyo at huwag muna kayong lalabas hanggat hindi ako natatapos maglinis ng sa gayon ay mabilis akong makatapos." Mahinahon ngunit may diing wika ni Samara.

"Sino ka para utusan ako? This is my place! Gagawin ko kung ano man ang gusto kong gawin." Kaswal na sabi ni Dwayne sabay tapon ng balat ng nova sa tabi nya.

"Alam ko naman pong sa inyo itong baha-" Tinalikuran agad si Samara ng kausap nya. Hindi manlang sya pinatapos mag salita.

Naniningkit ang mga mata ni Samara habang tinitingnan ang papalayong si Dwayne. Naka pamewang ang isang kamay samantalang ang isa naman ay may hawak na walis.

Marahas syang nagpakawala ng buntong hininga sa inasal ng lalaki.

"Aba't kita mo nga naman itong lalaking 'to! Hindi manlang itapon sa basaruhan ang pinagkainan! Tapos tinalikuran pa ako!" Nakaismid na sabi ni Samara sa sarili habang pinagpapatuloy ang kanyang pagwawalis.

"May sinasabi ka ba?"

"Ay kabayo ka!" Napatalon si Samara sa labis na pagkagulat sa biglaang pagsulpot ng binata sa likuran nya. Akala nya'y wala na ito kanina.

"Sir Dwayne! Bakit ho ba kayo nanggugulat? Kanina pa ba kayo dyan?" Napahawak ito sa dibdib nya na ngayon ay sobrang bilis na ng tibok ng kanyang puso dahil sa gulat.

"No, hindi kita ginugulat. And what did you just said? Kabayo ako? Do I look a f*ucking horse to you?! This is ridiculous!" Singhal ni Dwayne kay Samara.

"Ah.. ano kase Sir Dwayne. Hindi ka naman mukhang k-kabayo. Nasasabi ko lang iyon kapag nagugulat ako." Paliwanag nya rito. Sinulyapan ni Samara ang lalaki. Salubong ang mga kilay nito na animo'y hindi natutuwa sa sinabi nya.

Nag iwas ng tingin si Dwayne. Bigla syang nakaramdam ng pagkapahiya. Wala pang nagsasabi sa kanya ng ganoon, ngaun palang, at itong babae pa na ito.

"Bilisan mong maglinis dito! Maglilinis ka pa ng bathroom!" Wika ni Dwayne ng hindi nakatingin kay Samara.

"Okay, Sir."

Papaalis na si Dwayne ng may maalala ito.

"Wait. I forgot something." Walang sabi sabing inihulog ni Dwayne ang laman ng piatos sa malinis na garden.

Namimilog ang mga mata ni Samara sa nakikita nya. Gusto nyang batuhin ng walis ang kanyang amo sa inis. Wala syang ideya kung bakit ginaganito sya ni Dwayne. Kailangan nya pang habaan ang pasensya dahil matagal nya pa itong makakasama.

"Look. This area is not yet clean. Start cleaning this mess." Nakangising sambit ng lalaki saka tinalikuran ang babaeng tila hindi makapaniwala sa ginawa ni Dwayne.

"Hays! Ang lalaking iyon talaga! Kay gwapo gwapo pero napaka dugyot." Napapailing ang dalaga habang winawalis ang nagkalat na piatos sa bermuda grass.

I'm In Love With The Bad Boy(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon