(2) May pusang umiiyak

86 29 0
                                    

Masayang nagligpit ng mga gamit si Samara. Sa tingin nya ay nasagutan naman nya ng maayos ang mga exam. Nagsilabasan na rin ang iba nyang mga kaklase.




"Samara san ka ngaun pupunta nyan? Maaga pa naman masyado para umuwi." Rinig nyang tanong ng kaibigan habang nag aayos din ito ng mga gamit.




"Uuwi na ako Audrey. Tutulungan ko pa si mama sa karinderya."




"Tamang tama tulungan ko na rin kayo ni tita sa pagtitinda. Tapos kumain tayo pag natapos."




"Okay."




Puro nalang pagkain ang nasa isip ng kaibigan nya. Hindi naman ito tumataba. Maganda pa rin ang pangangatawan ni Audrey kahit mahilig itong magkakain. Samantalang sya naman ay walang pakialam sa kung anong hugis ng katawan nya. Ang mahalaga sa kanya ay nabubusog sya sa mga kinakain nya.



*****


Bising bisi si Samara sa kanilang karinderya. Sya ang naghahatid ng pagkain sa bawat lamesa ng mga costumer. Samantalang ang kanyang kaibigan na si Audrey ang taga hugas ng mga pinagkainan.




Maya't mayang napapapunas ng pawis sa noo si Audrey gamit ang magkabilang braso. Napag usapan nilang dalawa na sya ang naka assign sa paghahatid ng mga pagkain. Pero pagdating nila sa karinderya ng kaibigan ay tinulungan agad nito ang kanyang ina dahil hindi magkanda ugaga ang ginang sa pag aasikaso ng mga costumer. Walang  nagawa si Audrey at hinayaan nalang ang kaibigan na tumulong sa kanyang ina. Kaya sya na lamang ang naghuhugas ng mga pinagkainan.




"Audrey! Marami ng mga nakatambak dito na hugasin. Hindi ako makaalis dito dahil ang daming bumibili." Hiyaw nya sa kaibigan nya habang nagsasandok ng mga ulam.





Hindi malaman ni Audrey kung ano ang uunahing gawin. Tambak rin sya ng mga hugasin. Pawis na pawis na rin sya dahil sa init.




"Pwede bang ikaw nalang ang magligpit ng mga 'yon Samara? Ang dami ko pang hugasin dito." Balik na hiyaw nya sa kanyang kaibigan.




"Hindi pwede. Busy ako dito. Dalian mo wala ng kakainan itong mga costumer."




Walang nagawa si Audrey kundi sundin ang inutos ng kaibigan. Napapakamot sya ng noo ng mabungaran ang bising bising kaibigan sa pagsasandok ng mga ulam.




Maingat nyang pinagpatong patong ang mga plato at mangkok. Pinunasan din nya ang mga lamesa pagkatapos ay dinala nya sa banggerahan ang mga hugasin. Binalikan nya ang mga basong hindi nya nabitbit.




Nagtataka syang napatingin sa lalaking nakatalikod sa kanya na nagliligpit ng mga kalat sa lamesa.



Nilapitan nya ito at kinalabit sa likod.




"Ah, kuyang mabait na masipag. Ako na dyan." Nahihiyang sambit nito sa lalaki.




Nagulat sya paglingon ng binata sa kanya.



"Wendell? Anong ginagawa mo dito? At saka bakit ikaw ang nagliligpit nyan? Bakit hindi mo tinawag si Samara para sya ang gumawa nyan?" Nagtatakang tanong ni Audrey.




Napakamot ng batok ang binata. "Ah,eh... Napadaan lang ako dito."



"Samara! Tara nga ditong babae ka. Bakit pinagliligpit mo ng mga kalat ang boyfriend ko!" Naka pamewang na bulyaw nito sa kaibigan. Huli na ng maisip nya kung ano ang lumabas mula sa bibig nya.




I'm In Love With The Bad Boy(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon