(17) He's first move

26 4 0
                                    

Ang bad boy ng Harvill University na si Dwayne Ferrell ay unti unti ng nakakaramdam ng pagbabago sa kanyang sarili. Nagsimula ito ng makilala nya si Samara. Hindi nya akalain na hahantong sa ganito ang dating pagnanasa nya lamang sa babae nung makita nya ito sa bar. Simula noon ay hindi na ito umalis sa isipan nya, pilit itong nagsusumiksik.

Kaya simula ngayon ay napag pasyahan nya ng maging mabait sa babae dahil sa kagustuhan nyang mapalapit dito. Hindi nya hahayaan na may ibang lalaking magugustuhan ang dalaga. Lalo na ngaun na alam na nya sa kanyang sarili na nagugustuhan na nya ito. Gusto nyang burahin sa isipan ni Samara ang masamang imahe nya rito at papalitan nya ito ng katanggap-tanggap sa dalaga.

He never get used to this feeling before dahil puro kalokohan lamang ang alam nya. At lahat ng mga naka relasyon nya dati ay hindi naman nya sineryoso. All he really wants was to get in every woman's dream. And then left them behind once he got bored and satisfied. Ganun sya. Pero ngayon? Parang ayaw na nyang maging katulad ng dati.

"Kennard? What do you think? Is it okay if I'll confess my feelings to her? I can't take it any longer. Sa tingin ko pag hindi ko pa inamin sa kanya ang nararamdaman ko baka may makaagaw pa sa kanyang iba."

Kausap ni Dwayne si Jaxson sa kanyang telepono. Inamin nya dito kung ano ang nararamdaman nya para kay Samara. Nung una hindi ito naniwala sa kanya pero nung ipinaliwanag nya dito ang lahat ay napaniwala nya rin ito. Hindi nila ipapaalam ito kay Lauri dahil alam nilang may gusto ito sa dalaga. At hindi nya rin alam kung ano ang pwedeng mangyari sa kanilang pagkakaibigan.

"Hmm.... Huwag mo munang biglain si Samara. Ang alam ko kase hindi pa nagkaka boyfriend yun. Baka mabasted ka lang agad."

"Are you saying that I don't have a chance to her huh!?" May diing wika nito sa kausap.

"Hahaha! Chill lang tito Dwayne. Hindi yon ang ibig kong sabihin. What I mean is don't confess to her yet instead, let her fall for you and get to know you more. Huwag mo syang mamadaliin dahil baka tumakbo lang 'yun." Paliwanag ni Jaxson sa kaibigan.

"What the hell Kennard? Let her fall for me? Paano kung hindi naman sya magkagusto sakin? "

"Patience Mr Ferrell. Patient is the key to success. So, be patient to her."

"I don't have the f*cking patience to wait Kennard!"





"Aish! Bahala ka nga! Kung ayaw mong maniwala sakin edi wag! Bakit ba kase ako ang tinatawagan mo? Bakit hindi nalang si Lauri? Bihasa na sa ganyang bagay yung taong yun!"

"Damn you Jaxson! Alam mo naman kung bakit hindi ko pwedeng sabihin sa kanya 'to!"

"Hays! Bahala nga kayo. Ang dami daming babae dyan pero bakit sa iisang babae pa kayo nagkagustong dalawa."

"Tss! Wala ka talagang kwentang kausap Kennard!"

Tinapos na ni Dwayne ang tawag sa kaibigan. Nabadtrip lang sya dahil sa sinabi nitong kailangan nyang maging pasensyoso sa dalaga. Ayaw pa naman nyang pinaghihintay sya. Wala kase syang alam sa mga ganitong bagay kung kaya't nagtatanong sya kung ano ang dapat gawin. Gagawin nalang nya kung ano sa tingin nya ang tama. Bahala na.

I'm In Love With The Bad Boy(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon