(10) Nalilitong puso

54 9 0
                                    

Hindi pa man tuluyang nakakalayo si Dwayne ay may naulinigan syang malakas na kalabog. Nagsimula syang makaramdam ng kaba. Pumihit sya pabalik sa pinaglabasan nyang bathroom.

Binuksan nya ng marahas ang pinto at lumikha ito ng malakas na ingay. Dumapo agad ang mga mata nya sa nakahandusay na babae sa sahig. Nabalot sya ng pag aalala sa dalaga. Patakbo syang lumapit dito.

Nataranta ang babae sa papalapit na binata. Nag aalala sya dito na baka madulas rin ito. Kaya binalaan nya agad ang amo bago makalapit.

"Sir Dwayne! Dyan ka lang! Huwag kang lalapit!" Malakas ang kanyang boses nang sa gayon ay makumbinsi nya ito. Hindi pa rin sya makagalaw mula sa pagkakahiga sa sahig dahil kapag tinatangka nyang igalaw ang katawan ay sumasakit lamang ito.

Agad namang napahinto ang lalaki at nagtatakang pinagmasdan ang babae.

"What the hell are you saying woman! I'm here to help you yet you're not letting me get near you." Singhal ng lalaki. Nakikita nyang kailangan ng tulong ng babae pero ayaw siya nitong palapitin sa kanya.

"Hindi ka pwedeng lumapit sa akin Sir Dwayne." Bawal ulit ni Samara rito. Bakit ba andirito ang amo nya? Diba umalis na ito kanina?

Nagsisimula ng mainis ang lalaki sa babae. Gusto nya itong tulungan ngunit pinipigilan sya nito. Hindi na sya nakatiis pa. Mabilis syang lumapit sa babaeng nakahiga. At inalalayan ito sa magkabilang balikat upang itayo ito.

Hindi na naka angal pa ang babae sa ginawang pag tulong sa kanya ng amo. Ang buong akala nya'y madudulas rin ito kagaya nya. Ngunit ng malapit na syang makatayo ng maayos ay saka naman sila parehong nawala sa balanse ng makaapak sa madulas na sahig. Naging maigap agad si Dwayne ng maramdamang malapit na silang bumagsak. Isinalo nya ang kanyang dalawang kamay sa likod ng ulo ng dalaga upang suportahan ito kung sakaling tumama man ang ulo nito sa sahig. Tila naging slow motion naman ang pangyayaring iyon kay Samara. Muli na namang tumama ang likuran nya sa sahig at mas dumoble pa ang sakit nito dahil sa pagkakadagan sa kanya ng binata.

Napatitig naman ang binata sa mukha ng dalaga sa ilalim nya. Hindi nya mapagkakailang maganda ito. Matangos ang ilong, may mahahaba at makapal na pilikmata, bilugang mga mata, at manipis na namumula ang mga labi. Sinong lalaki ang hindi magkakagusto sa ganitong kagandang babae. Nagtataka sya dahil hindi nya ito napapansin sa unibersidad na pinapasukan. Kung ganito kaganda naman ito ay bakit hindi nya manlang ito nakakasalubong sa loob ng campus? Marahil ay bisi sya sa mga babaeng natitipuhan kung kaya't hindi nya napapansin si Samara sa nasabing paaralan. Ang una nyang kita dito ay nung nasa library sya kasama si Mina. At nakita pa sya nito na may kahalikan.

Napapalunok si Dwayne habang nakatitig sa mapulang labi ng babae na animo'y iniimbitahan syang halikan ito. Nagsimulang igalaw ng lalaki ang kanyang mukha papalapit sa mukha ni Samara. Malapit ng dumampi ang kanyang labi sa labi ng babae ngunit napansin agad nya ang biglang paglukot ng mukha nito na tila nasasaktan.

"Aww, S-sir Dwayne ang likod ko m-masakit. Kung pwede po sanang u-umalis kayo mula sa pagkakadagan sa akin." Daing ni Samara.

"Oh, sorry." Saka lamang natauhan ang binata at dali daling sinunod ang gusto ng babae.

"Can you stand up?"

Iling lang ang naging sagot ng babae.

Nag isip ng ilang saglit ang lalaki kung paano ito tutulungan ng hindi sya madudulas. Kung susubukan nya ulit itong tulungan sa pwesto ng babae ay tiyak na babagsak lamang sya sa sahig. Pero kung hihilahin nya ang babae sa ibang bahagi ng sahig na walang madulas ay paniguradong matutulungan nya na itong makatayo.

Pumwesto ang lalaki sa gilid ng babae at walang pasabing hinila nito ang isang braso ni Samara.

"Sir Dwayne! Aray masakit!" Daing ng dalaga matapos umangat ang likuran nya sa sahig. Hindi nya alam kung bakit sya hinila ng amo nya. Pero napansin nyang medyo malayo na sya sa madulas na parteng iyon.

I'm In Love With The Bad Boy(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon