(14) Dwayne's unexpected act

28 7 0
                                    

Maagang nagising si Samara upang mag abang ng jeep. Nahihirapan syang sumakay ng jeep tuwing umaga dito sa Foster village kung saan nakatira ang mga Ferrell. Bihira lang kase ang dumaraang jeep dito dahil halos mga naka kotse ang nakikita nya dito. Samantalang duon naman sa bahay nila sa Buenvenida ay madali lang syang nakakasakay ng jeep. Kailangan nya pa tuloy mag adjust ng oras upang hindi sya ma-late sa klase nya.

Tatlong pung minuto na syang nakatayo sa waiting shed sa may kanto. Naiinis na sya dahil bihira na nga lang ang mga jeep na dumaraan ay puro puno naman ito. Naiisip nya rin na sumabit na lamang sa jeep upang hindi ma-late pero nakasuot naman sya ng palda. Baka masilipan lang sya. Maghihintay na lang sya ng ilan pang minuto baka sakaling maka tyempo sya ng hindi punong jeep.

Paalis na si Dwayne sa kanilang mansyon sakay ang kanyang Mercedes-Benz. Nakasuot sya ng itim na salamin habang malakas na nagpapatugtog sa loob ng kanyang sasakyan at sinasabayan pa ito.

"You look so perfect standing there

In my American Apparel underwear

And I know now that I'm so down

Your lipstick stain is a work of art

I got your name tattooed in an arrowed heart

And I know now that I'm so down

Hey!

Hey, hey, hey, hey

Hey, hey"

Namataan ni Dwayne si Samara na nag aabang sa waiting shed. Salubong ang kilay ng dalaga at hindi maipinta ang mukha dahil sa pagkaburyo. Natawa sya sa itsura nito. Kahit na nakabusangot ito ay maganda pa rin. Sinong mag aakalang sa bahay na nya ngayun ito nakatira.

Nag maneho sya papalapit sa dalaga at binusinahan ito. Napalingon naman dito ang babae. Pinatay nya ang maingay na speaker ng kanyang kotse at saka ibinaba ang bintana nito upang makita ng maayos si Samara.

"Hey woman. You want a ride?" Alam nyang maagang umalis ng kanilang bahay ang babae pero hindi nya akalaing nandirito pa rin pala ito at hindi pa nakakaalis. Ganun na ba kahirap mag abang ng sasakyan sa lugar nila? Wala syang ideya tungkol doon dahil may kotse naman sya at hindi na nya pinoproblema pa ang byahe papunta sa university.

Tiningnan lamang ni Samara ang lalaking nakasalamin. Maayos na nakataas ang buhok nitong may gel. Parang dadalo sa isang pictorial sa isang magazine ang lalaki dahil sa ayos nito. Bakit ba napaka gwapo nitong nilalang na ito? Nakaka distract masyado.

"Hey! Alam kong gwapo ako. Hindi mo na ako kailangan pang titigan ng ganyan. Baka malusaw lang ako at langgamin." Nakangisi nitong sabi.

Natauhan bigla ang dalaga at agad na tumingin sa ibang dereksyon. Napakayabang talaga ng damuho.

"Ano bang ginagawa mo dito? Hindi ka pa ba aalis? Nakaharang ka lang sa mga jeep na gusto akong pasakayin."

"I see. Pero bakit andito ka pa rin kung gusto ka ngang pasakayin ng mga jeep?" Nakakunot na tanong ng binata.

Napaisip ang dalaga.

"Eh ano namang pakealam mo don? Sige na Dwayne pumasok kana baka malate ka pa." Pagtataboy nito sa lalaki.

Hindi naman ito pinansin ng lalaki sa halip ay bumaba pa ito ng kotse at nagtungo sa tabi ng dalaga.

Kahit kailangan talaga. Napaka tigas ng ulo nito. Ang hirap pasunurin. Kailangan pang sapilitang hilahin at pasakayin sa kanyang kotse.

"Sumabay kana sakin. Wala ng magsasakay sayong jeep dito. Ikaw rin. Baka malate ka." Pananakot pa nito sa babae.

Naalarma ang dalaga sa sinabi ng binata. Alam naman nyang malelate na sya dahil mayroon nalang syang labing limang minuto at magsisimula na ang kanyang unang klase. Pero hanggang ngaun ay hindi pa rin sya nakakasakay ng jeep. Mukhang malabo na syang makapara ng jeep dahil wala talagang himihinto para pasakayin sya. Dapat na ba syang sumabay sa lalaki? Pero paano kung makita sila ng mga babaeng may gusto kay Dwayne? Baka awayin lamang sya ng mga ito. Kaya hindi nalang.

I'm In Love With The Bad Boy(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon