Kinabukasan. Maganda ang gising ni Samara sapagkat masarap ang naging tulog nya sa malambot na kama. Masaya na sana ang kanyang araw ngunit naalala nyang bahay nga pala ito ng lalaking mayabang. Kailangan nga pala nitong umuwi sa bahay nila dahil kailangan nyang magpaalam at sabihin sa ina nito ang mga napag usapan nila ni Dwayne.
Pababa na ng hagdan si Samara ng matanaw nya si Dwayne papuntang kusina. Wala itong suot na pang itaas na damit at naka jogging pants lang ito. Nangingintab ang katawan nito sa pawis. Naka sampay rin ang towel sa kanyang balikat at may hawak na tumbler sa kaliwang kamay. Kagagaling lamang ng lalaki sa pag ja-jogging sa labas ng bahay.
Hindi sinasadyang mapadako ang mga mata ni Samara sa magandang pangangatawan ng binata. Alagang alaga nito ang katawan kung kaya't kahit sinong babae ang makakita dito ay tiyak na mapapalingon.
Napalunok si Samara at agad na binura sa isipan ang anumang nakita. Patay malisya nyang nilagpasan si Dwayne at dere-deretsong naglakad palabas ng bahay.
Napansin ng binata ang nagmamadaling papalabas na dalaga. Bago pa man ito tuluyang makalabas ay tinawag nya ito.
"Hey woman. Where do you think you're going at this early? Are you planning to escape huh?" Nakakunot na tanong ni Dwayne sa hindi makalingon na dalaga.
Napakagat ng labi si Samara bago ito humarap sa binata. Ano bang sinasabi nitong tatakas sya? Hindi naman nya tatakbuhan ang kalasanan nya sa lalaki.
"I'm not planning to escape Sir. Kailangan ko lang umuwi at magpaalam kay mama tungkol dito. At saka baka nag aalala na yun sa akin dahil hindi ako nakauwi kagabi. Nalobat ang cellphone ko kung kaya't hindi ko sya naitext. Kung gusto nyo naman Sir samahan nyo pa ako para maniwala kayo."
"No. Mang Canor will drive you home. And don't ever try to do stupid things. I'm warning you." Nagbabantang wika ni Dwayne sa dalaga.
"Opo Sir. Huwag po kayong mabahala. Babalik pa rin ako dito."
*****
Tulad ng sinabi ni Dwayne, pinagmaneho ni Mang Canor si Samara tungo sa bahay nito. Gustong makasigurado ng lalaki na wala nga itong gagawing kalokohan pag dating nito sa nasabing bahay. Wala syang tiwala dito kung kaya't pinasama nya ang isa nilang driver sa babae.
Isang kanto pa ang layo mula sa bahay nila ay bumaba na ito ng sasakyan. Lalakarin na lamang nya ang daan papunta sa kanila. Ayaw nyang kung ano ang isipin ng kanyang ina kapag nakita sya nito kung saan sya sumakay papunta dito.
Napangiti si Samara ng makita ang ina na nagwawalis ng kanilang bakuran at ang kapatid nitong si Cyan na naglalaro ng bola sa ilalim ng puno ng mangga. Isang gabi palang syang hindi dito natulog ay labis na ang pagkamiss nya sa mga ito. Paano pa kaya kung isang buwan nya itong hindi makakasama?
Nagulat ang ginang sa biglang pagsulpot ng kanyang anak at niyakap sya nito ng mahigpit. Nabitawan nito ang hawak na walis at niyakap rin ng mahigpit ang anak.
"Diyusmiyo kang bata ka! Saan ka ba galing at bakit ngaun ka lang nakauwi? Alam mo bang nag aalala kami sayo ng kapatid mo? Hindi ko makontak ang cellphone mo kagabi. Akala ko'y kung ano na ang nangyari sayo. Sabihin mo Samara ano ba ang nagyari sayo?"
"ATEEEE!" Rinig nyang sigaw ng kanyang kapatid habang tumatakbo ito papalapit sa kanila. Niyakap sya nito sa kanyang likuran. Bumitaw sya sa pagkakayakap sa kanyang ina at marahang ginulo ang buhok ng kapatid.
"Ma, may nangyari po kase kahapon habang papauwi ako ng bahay. H-hindi ko sinasadya na mabangga ang isang kotse at saka nasira ko po yung i-ilaw sa likod ng kotse. Pero nakipag areglo naman na ako dun sa may ari nung sasakyan. Ang sabi nya kailangan ko lang pagtrabahuhan yung nasira ko sa loob ng isang buwan." Magalang na paliwanag ni Samara.
![](https://img.wattpad.com/cover/223477597-288-k546681.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm In Love With The Bad Boy(Ongoing)
Teen FictionIsinantabi muna ni Samara ang buhay pag-ibig nya dahil tiyak namang makakapag hintay ang tadhana para sa kanya. Subalit isang araw bigla nalang may yumanig sa natutulog nyang puso. Hindi nya akaling nahulog at tinamaan sya sa campus heartthrob ng Ha...