Prologue
First day of school ngayon, kinakabahan ako dahil naninibago pa ako sa environment lalo na Senior High School na ako.
Hindi ako sanay sa ganito lalo na best friend ko lang lagi ang kasama ko sa dati kong school noong Junior High School.
Lumipat ako ng school dahil mas maganda ang quality ng school na napili ko at mayroon itong strand na gusto ko for SHS, which is STEM strand, para na rin siguro makapag loosen up ako sa mga toxic kong classmates noong JHS.
Maybelle is my only friend and best friend dahil na rin siguro sa pagiging introvert ko. I don't really like to talk to other people, even though I know you, as much as possible, I'll avoid you.
We became best friends when we're in grade 8 dahil mag seat mates kami and dahil na rin siguro tahimik kaming pareho kaya nag-click kami sa isa't-isa. Grade 7 palang mag-classmates kami pero di ko siya masyadong pinapansin dahil na rin siguro sa weird eyeliner niyang napaka-kapal. Well, mabait siya at maaasahan sa lahat kaya na rin nakuha niya agad ang tiwala ko.
Malungkot ako dahil hindi ko siya schoolmate. Dahil na rin dream school ko ang Saint Patrick Academy School for Engineers kaya nag-pursue talaga akong makapasok dito, bukod sa sikat ito sa Pampanga, Industrial Engineering ang kukunin kong course sa college kaya mas maganda kung dito na rin ako mag Senior High School.
May trust issues na ako bata palang ako, dahil sa pag-cheat ni papa kay mama. Ang dahilan niya? Dahil nagsawa na daw siya kay mama, dahil losyang na raw ito. Para sakin naman, kung love mo talaga ang tao kahit anong maging itsura niya ay tatanggapin mo siya, minahal mo siya bilang siya, so bakit ka magsasawa?
Hindi ko maintindihan si papa kung bakit 'ganon na lang ang dahilan niya sa pambababae, kaya galit na galit ako sa kaniya dahil sa ginawa nito.
Dahil sa nangyari, naging mailap ako sa mga tao, dahil pakiramdam ko ay lolokohin lang din nila ako tulad ng ginawa ng mismong ama ko.
Ngunit kahit na ganoon ang nangyari sa aming pamilya ay nagsisikap parin ako sa pag-aaral, consistent honor student ako simula elementary hanggang ngayon.
Sa pag-aaral ko na lang itinuon ang sarili ko, kasama si Maybelle, kaya na rin siguro na-survive ko ang lungkot at stress mula sa aking pamilya tuwing nag-aaway sila mama at papa. Habang ang kaisa-isang kapatid ko naman na si kuya Marlon ay abala na sa sariling pamilya. Twelve years ang agwat namin ni kuya, 29 na siya, habang ako ay 17 years old palang.
Maliban sa pag-aaral, painting ang libangan ko, lalo na kapag nagkaproblema nanaman sila mama, nagkukulong lang ako sa kwarto ko at sa painting ko binubuhos ang mga nararamdaman ko, kaya pagkatapos ay gumagaan na ang pakiramdam ko at ready to fight na ulit.
I also love to read books, usually love novels. I never been in love before kaya I don't know what it feels like to be in love. Halos lahat ng librong nabasa ko, perfect ang ending. I know these are just fiction stories that's why they have almost perfect love story. Kaya ko lang binabasa dahil baka mag-iba ang pananaw ko sa pag-ibig, ngunit mukhang malabong mangyari 'yon dahil sa nangyayari sa pamilya ko.
Sa mundo ngayon, hindi na ako naniniwala na love will keep us alive. I believe being wise will keep us alive. Sa panahon ngayon hindi mo na maaasahan ang love, madami nang nagbago sa mundo, kung puro pagmamahal ang iisipin mo, hindi ka makakasabay sa agos, kailangan mong maging wais.
Kaya ang priority ko ngayon ay ang pag-aaral ko, wala akong mapapala sa pag-ibig, ayaw kong mabaliw tulad ng iba na hindi daw sila mabubuhay kung wala ang minamahal nila. Like, what the fuck? You need oxygen to survive, not love! At mas lalong ayaw kong matulad kay mama na dahil sa sobrang pagmamahal kay papa ay 'di niya ito maiwan, kesyo dahil daw may anak siya sa kaniya at pangit daw tingnan sa pamilya ang wasak, para sa akin ay mas pangit tingnan ang nagpapaka-tanga ka dahil sa pag-ibig na hindi man masuklian ng taong mahal mo.
Bata palang kasi si kuya ay nambababae na raw si papa, kaya 'di na ako magtataka kung hanggang ngayon ay ganoon parin ang gawain ni papa kahit may edad na ito.
Maliban sa pambababe, lagi rin kaming nagkakaroon ng problema financially dahil may edad na rin si papa, nahihirapan na siyang makahanap ng trabaho kahit na marami na itong experiences at civil engineer. Dagdag na rin ang pagiging babaero niya kaya hindi siya tumatagal sa mga kumpanyang pinapasukan niya.
Huli siyang nagtrabaho ay isang taon na ang nakararaan kaya naman tagilid kaming muli ngayon, limang taon ang itinagal niya sa kumpanya pero dahil sa babae ay napatalsik ito. Kaya sukdulan na lamang ang galit ko sa aking ama dahil hindi niya na inisip na may pinapa-aral pa siyang isang anak.
Laking pasalamat ko na lamang sa mga kamag-anak naming tumutulong sa pag-aaral ko, kaya pursigido akong makapag tapos para masuklian ang malasakit na binibigay nila kahit na lagi nilang sinasabing gusto lamang nilang makatulong.
Bilib rin ako kay mama dahil natitiis niya ang ugali ni papa at hindi parin ito iniiwan. Madalas ko siyang nakikitang umiiyak pero ngumingiti parin 'pag nakikita na ako. Gusto ko man siyang aluin, ngunit mas gusto niyang pumunta na lang ako kila Maybelle dahil 'pag pinagtatanggol ko siya kay papa ay nadadamay lamang ako.
Kaya lumaki ako na itinatak sa aking isip na hindi kailanman magbabago ang prinsipyo ko sa buhay na wala kang mapapala sa pag-ibig. Magiging miserable ka lang dahil wala nang matinong lalaki, lahat ay nagloloko na parang normal na lamang iyon. Marami na ring pamilyang nasira at kinabukasan ng mga inosenteng bata dahil sa makamundong pagnanasa.
Minsan napapa-isip ako kung bakit hindi na lang ako agad pinanganak para sana ay nagtatrabaho na ako ngayon at may sariling bahay para makaalis na sa magulong bahay namin at kukunin ko si mama kay papa para 'di na rin ito mahirapan sa panggagagong ginagawa sa kaniya ni papa.
BINABASA MO ANG
Just The Two Of Us
RomanceSerendipity (n) finding something good without looking for it. Mallory Melody Sadler, isang babaeng introvert na puno ng kaguluhan ang buhay at hindi naniniwala sa romantic love dahil sa naging pakikitungo ng kaniyang ama sa kanilang pamilya, ang na...