Chapter 18

36 15 0
                                    

Chapter 18

Alas-siyete nang gumising kami ni Jess. Maaga kaming nagising dahil dadalawin namin si papa, sasama naman daw 'tong si Jess dahil wala naman daw siyang gagawin.

"Sigurado ba kayong hindi na magpapahatid sa daddy mo?" tanong ng mommy ni Jess habang nagbabalot ng meryenda para daw kay papa.

"Hindi na mommy. Okay na ang driver. Agaw pansin rin kung si dad pa ang maghahatid." Si Jess.

"Okay, nak." Tumingin naman si tita sa akin. "At ikaw naman, Mally, ibigay mo 'to sa papa mo hah? 'Hwag ka nang tumanggi konti lang 'to, tulong na namin sa kaniya." Ngumiti siya.

Tumango ako at ngumiti pabalik. Ang ganda talaga ng mommy ni Jess. Parang naalala ko sa kaniya si mama.

Pagkatapos ay tumungo na kami papunta sa presinto. Kinakabahan ako habang bumabiyahe dahil pagkatapos ng gulong nangyari sa bahay namin ay hindi na kami nagkita pa ni papa. Alam na kaya niyang wala na si mama?

Nang makarating kami ay pinaghintay muna kami bago lumabas si papa. Parang may kumirot sa aking puso dahil sa nakita. Sobrang payat na niya. Tumayo ako para daluhan siya sa pag-upo. Tahimik lamang sa aking tabi si Jess.

Ibang-iba na ang itsura ngayon ni papa. Kung dati ay malaman ito at matikas, ngayon ay nangangayayat na.

"Kumusta ka na, anak?" panimula niya. Bakas sa mukha niya ang kulang sa tulog dahil malalalim at maitim ang ibaba ng kaniyang mga mata.

Hindi agad ako nakasagot dahil pinagmamasdan ko siya. "Ayos lang, pa. Ikaw kumusta na?" malamig kong tanong. Hindi ko pa rin maipagkakailang galit pa rin ako sa kaniya.

"Mabuti naman. Maganda ngang nakulong ako dahil ngayon ko naisip ang lahat ng sakripisyo ng mama mo sa akin." Dahil sa sinabi niya ay hindi ko mapigilang maalalang muli ang paghihirap namin sa kaniya. Nangilid agad ang aking mga luha pero pinigilan ko ito.

"Siya nga pala, kaya dumalaw ako dahil may importante akong sasabihin."

"Ano 'yun, nak?"

"Isasama ako sa Italy ng kaibigan ko, doon kami mag-aaral. Ito nga pala si Jess, siya ang makakasama ko doon. Pumayag na ako para makalimutan ang trauma na iniwan mo samin." Malamig ang pagkakasabi ko para ipamukha sa kaniyang nag-iwan siya ng mga alaalang hindi ko makakalimutan.

Hindi agad siya nakasagot at bakas sa mukha niya ang pagkagulat. "Ganoon ba? Bakit naman ang bilis naman, anak? Pati ikaw ay iiwan ako pagkatapos mawala ng mama mo? Sino na ang bibisita sakin dito?" natawa ako sa sinabi niya.

Ibig-sabihin ay alam na pala niyang wala na si mama. Ang kapal ng mukha niyang itanong kung sino ang bibisita sa kaniya?

Huminga muna ako ng malalim bago sagutin ang mga sagot niya. Pinipigilan ko ang aking sarili na hindi siya bastusin ngunit para akong bulkan na sumabog..

"Akala ko bang wala akong kwentang anak, pa? Ngayon, ayaw mo akong umalis. Anong sinasabi mong iiwan tulad ni mama? Pa! ikaw ang may kasalanan bakit siya namatay. Ikaw ang pumatay sa kaniya! Sino ngayon ang bibisita sayo? Edi wala! Ngayon na ang karma mo. Wala nang nagmamahal sayo." Matigas kong sabi sa kaniya. Hindi naman siya makatingin ng deretso sa akin.

Hinawakan naman ni Jess ang aking likod para pakalmahin ako. Kita ko sa mukha ni papa ang panghihina sa mga sinabi ko. You deserved it!

Tumayo na ako at inilapag sa lamesa ang pagkaing pinabigay ng mommy ni Jess. "Siguro ay huli na nating pagkikita 'to. Wala kang kwentang ama!" ngayon ay humarap na siya sa akin at hinawakan ng mahigpit ang aking kamay at nagmamaka-awa.

"Please, anak. Magbabago ako, bigyan niyo lang ako ng isa pang pagkakataon." Natawa ako ng bahagya sa sinabi niya. Magbabago? Ilang beses ko nang narinig sa kaniya 'yan.

Just The Two Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon