Chapter 26

34 14 0
                                    

Shout out nNoask! I don't, know you but you always vote my book :) Thank you so much for your support! :) hope you enjoyed reading my book! <3 love lots.

Share my book to your friends too! 

Ano na kaya ang mangyayari sa love story ng dalawa kung 'friends' na lang sila? Abangan pa ang mga susunod na kabanata para sa mas exciting at nakakainis moments! xD 

Chapter 26

Pagkapasok pa lang namin ay nadatnan naming naghihintay ang secretary ni Rayleigh sa aming office. Bahagya pa siyang nagulat dahil sa pagpasok namin.

"Good morning Architect Sadler and Architect Rivera." Bati niya.

"Good morning Ms. Natalie. What can I do for you?" tanong ko habang si Jess ay dumiretso na sa kaniyang table.

"Pinapatawag ka sa office ni Sir Rayleigh, Architect."

Napakunot ang aking noo. "Bakit daw?"

"Kailangan niyo pong mag-meeting dalawa for the upcoming meeting for Board of Directors. Tapos niyo na po ba ang mga designs?" nakangiting tanong niya.

"Ah! Yes,yes. Pero kailangan pa bang ako? Hindi pa pwedeng si Ms. Abby na lang ang makipag-meeting?" natataranta kong tanong.

Bakas na sa mukha ni Natalie ang pagtataka. "Hindi po, Architect. Dapat ay ikaw dahil ikaw ang head ng Architecture at ikaw ang sasama kay Sir sa meeting bukas."

Napaawang ang aking labi. Sinasadya ba 'to ni Rayleigh? O talagang kailangan?

Napabuntong hininga na lang ako dahil tingin ko ay wala na akong magagawa. Tutal ay nag-usap na rin kami ni Rayleigh, siguro ay magaan na ang atmosphere sa aming dalawa?

"Sige, Ms. Natalie. Pupunta na lang ako, ire-ready ko muna ang mga designs."

"Okay, Architect. Bye." Paalam ni Natalie at ngumiti bago tuluyang lumabas sa office.

Agad kong inayos ang mga designs at nag-double check for errors dahil ayaw kong mapahiya kay Rayleigh.

Kumatok muna ako bago pumasok sa kaniyang office. Nang marinig ko ang "Come in." mula sa loob ay tinulak ko na ang pinto.

Pagpasok ko ay nagtagpo ang aming mga mata, agad akong nag-iwas habang siya ay hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Bigla tuloy akong na-conscious sa suot ko. Isang blue off shoulder pencil dress and black heels ang aking suot.

Hindi ko maintindihan bakit labis labis ang kaba ko dahil sa presensiya niya.

"Good morning, Sir." Bati ko upang makuha ang kaniyang atensiyon.

Umayos siya sa pagkaka-upo. "Good morning, Mally." at imwinestra ang upuan sa harap niya.

Umupo ako at inilapag ang laptop at mga blueprint sa kaniyang lamesa. Siya naman ay seryoso lamang na nanonood sa akin.

Parang tambol ang aking puso habang nagse-set up ng gamit sa kaniyang harap dahil sa paninitig niya. Hindi ko maintindihan!

"I'm done. S-so what do you want to talk about, Sir?" kinakabahang tanong ko at hindi makatingin ng deretso sa kaniya.

"Present me your designs." 'tsaka niya tinuko ang dalawang siko sa lamesa at pinagsiklop ang mga daliri.

Bakit ba kinakabahan ako? Magpe-present lang naman ako sa kaniya. Shit.

"O-kay."

Huminga muna ako ng malalim bago iharap sa kaniya ang aking laptop.

"Come here beside me."

Just The Two Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon