Shout out MissMayumiiiii :) thank you for always voting my book! Thank you for your support! Hope you enjoyed reading it. Love lots <3
Share my books to your friends too!
Tuluyan na bang bibigay si Mally? Mapipigilan kaya niya ang feelings niya para kay Rayleigh?
Abangan pa ang mga susunod na kabanata para sa mas keleggg scenes ng dalawa! xD
Chapter 28
"Architect Sadler, tawag ka po ni Sir Rayleigh sa office niya." tawag 'sakin ni Natalie pagpasok niya sa office.
Napakunot ang aking noo. "Bakit daw?" tanong ko kay Natalie ng hindi tumitingin sa kaniya.
"Hindi ko po alam, Ma'am Mally."
"Sige, susunod ako, save ko lang 'to, Ma'am Natalie." ngayon ay tumingin na ako at nginitian siya. Ngumiti siya pabalik at umalis na.
Ano nanaman kaya ang kailangan ng lalaking 'yon?
"Uy, Mally. Pinopormahan ka na yata ni Rayleigh 'a! Come back na ba?" asar ni Jess habang inaayos ang mga gamit ko.
"Gaga hindi!" natatawa kong sabi.
"Crush ka yata ni Sir, Ma'am!" si Abby naman ngayon. Talagang nahawaan na agad siya ni Jess.
"Ay talaga, Abby! Kaya dapat tulungan mo ako!" tili ni Jess at nakipag-apir pa kay Abby. Napa-face palm na lang ako sa dalawang tukmol na 'to.
Hindi na ako kumatok at deretsong pumasok sa kaniyang office.
Nadatnan ko siyang may kausap sa telepono at itinaas ang kaniyang index finger sign na maghintay. Tumango ako at umupo sa upuan na nasa harap ng kaniyang lamesa.
"Yeah, I know, dad. I can handle this. Bye." tamad niyang sagot at pinatay na ang tawag. Daddy niya ang kausap niya?
Nang hinarap niya ako ay huminga muna ako ng malalim bago magsalita. "Pinapatawag mo daw ako, Sir?" tanong ko ng hindi siya matingnan ng deretso dahil masyadong nakaka-intimidate ang mga titig niya.
"Yes. Sasama ka sakin sa isang exhibit ngayon."
Napalunok ako at napakurap-kurap. "Huh? Anong exhibit? Saan?" sunod-sunod na tanong ko.
Sumilaw ang ngisi sa kaniyang labi. "You'll see. Ready your things we will leave in five minutes."
"Kailangan talaga ako? Bakit hindi na lang ang secretary mo?" tanong ko na nagbabakasakaling magbago ang isip niya.
"Kailangan kita. You're an Archiect, that's why. Just pack your things." Maawtoridad niyang sabi.
"O-okay." 'tsaka na tumayo at wala sa sariling lumabas.
Parang may ibang kahulugan sa akin ang sinabi niyang kailangan niya ako. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lang ang epekto sa akin ng mga sinasabi niya. Bakit?
"Hindi niya sinabi kung saan? Baka date 'yan, Mally!" tuwang-tuwa ang gaga habang ako ay hindi mapakaling nag-aayos ng gamit sa bag.
"Baliw ka talaga, Jess." at umiling-iling dahil sa kabaliwan niya.
"Basta balitaan mo ako hah? Kung hindi ka man makakauwi ay ako na ang bahala kila mommy." natatawang sabi niya.
Baliw na nga talaga siya. Bakit naman hindi ako uuwi? Exhibit lang naman.
Nang matapos ako ay laking gulat ko nang pumasok si Rayleigh sa office namin.
Kinabahan ako bigla. Matagal ba ako?
"Sorry kung pinaghintay kita." paumanhin ko ng hindi siya tinitingnan.
"Ayos lang."
"Rayleigh, ingatan mo 'yang kapatid ko hah? Iuwi mo 'yan ng maayos!" habilin ni Jess at nakangiti.
BINABASA MO ANG
Just The Two Of Us
RomanceSerendipity (n) finding something good without looking for it. Mallory Melody Sadler, isang babaeng introvert na puno ng kaguluhan ang buhay at hindi naniniwala sa romantic love dahil sa naging pakikitungo ng kaniyang ama sa kanilang pamilya, ang na...