Chapter 22

36 15 2
                                    

Shout out Angelyn bebe! Thank you for your support! <3

Maipagpapatuloy pa kaya nila Mally at Rayleigh ang naudlot nilang love story? Abangan pa ang mga susunod na kabanata! Mas magiging exciting pa ang mga mangyayari! :)


Chapter 22

Araw ng kasal ngayon ni Maybelle at Aaron. Maaga kaming umalis sa bahay ni Jess para makapagpa-makeup at makapagbihis para na rin makatulong sa pag-asikaso sa bride.

Isang light pink long gown ang napiling ipasuot sa akin ni Maybelle, habang ang mga bridesmaid naman ay turquoise long gown. Smokey eyes ang pinagawang makeup ni Jess sa makeup artist para sa akin dahil masyado daw maamo ang aking mukha.

Nang matapos ang lahat ay pinuntahan na namin si Maybelle sa kaniyang dressing room. Mugto ang kaniyang mata nang datnan namin siya.

"Congratulations, Maybelle!" bati namin 'tsaka siya hinalikan sa pisngi at inabot sa kaniya ang aming mga regalo.

"Thank you, Mally and Jess. Nag-abala pa kayo! Kahit wala kayong regalo ay sapat na ang pagpunta niyo para sa akin." Naiiyak na sabi ni Maybelle. Nangilid naman agad ang luha sa aking mga mata.

"Wala 'yan! 'Hwag ka ngang umiyak, i-reserve mo mamaya 'yan sa simbahan, masisira agad ang makeup mo!" biro ni Jess kaya nagtawanan kaming tatlo.

"Ikaw talaga, Jess! Siya nga pala, Mally." Nilingon niya ako. "Ikaw dapat ang susunod na ikasal hah? Nakasalalay sayo ang pagpapakasal ni Jessie!" pang-aasar ni Maybelle.

Umiling-iling ako bilang hindi pagsang-ayon sa ideya niya. "Matagal pa siguro bago mangyari yan. Baka nga makuha mo nang manganak ay single pa rin ako at nagpapayaman!" natatawang sagot ko.

Inirapan naman ako nitong si Jess habang si Maybelle ay ipinagpatuloy ang pag-aayos. "Aanhin mo ang yaman kung wala ka namang kasama sa buhay, Mally! Sayang ang ganda mo kung 'di ka mag-aasawa!" asar ni Jess sa akin.

Napuno ng tawanan ang kwarto dahil sa kagagahan ng dalawa. Nakisali na rin ang baklang makeup artist ni Maybelle sa mga pinag-uusapan namin.

Parang kailan lang ay puro libro ang ka-date namin ni Maybelle, ngayon ay ikakasal na ang isa sa amin. Ang bilis ng panahon, hindi na ako makasabay. Sa sobrang focused ko sa career ko ay hindi ko na napapansin ang mga nangyayari sa mga taong nakapaligid sa akin. Pero ito ang pinili ko.

"Let's go, Mally!" tawag ni Maybelle sa akin nang matapos na niyang isuot ang kaniyang wedding gown. Kami na lang dalawa ang naiwan dahil nasa simbahan na ang lahat at naghihintay. Tumango ako at inalalayan siyang maglakad habang bitbit ang likod ng kaniyang gown.

Nagmukha siyang prinsesa dahil sa kaniyang suot at makeup, dagdag pa dito ang mahaba niyang buhok na kinulot sa bandang ilalim.

Nang mag-park ang sinasakyan namin sa harap ng simbahan ay kita sa mga tao ang excitement at tuwa. Pinapunta na ako sa loob ng simbahan habang si Maybelle naman ay naiwan sa labas kasama ang kniyang mga magulang para sa paglakad papunta ng altar.

Lahat ay naging emosyonal nang pumasok na si Maybelle at dahan-dahang naglakad kasama ang kaniyang magulang. Bigla akong nakaramdam ng inggit at lungkot dahil sa nasaksihan. Hindi na ako maihahatid ni mama sa altar dahil wala na siya. Pinilit ko pa ring maging masaya para sa aking kaibigan dahil araw niya ito.

Itinuon ko ang aking atensiyon sa pakikinig sa sermon at sa wedding vows ng bagong kasal. Natapos ang kasal ng masaya at payapa. Nagkaroon muna ng matagal na pictorial bago lumabas. Ayaw ko mang sumali dahil namumugto pa ang aking mga mata, sumali na ako dahil kailangan.

Just The Two Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon