Chapter 14

58 16 0
                                    

Chapter 14

"Are you sure you want to go home? We can stay here for another day just to make sure you're okay."

Tanong ni Rayleigh habang nilalaro ang aking palad gamit ang kaniyang mga daliri. He always make me feel safe everytime he's around.

"Yes. Don't think about me too much."

Huminga siya ng malalim at tumitig sa akin. Parang matutunaw ako sa kaniya. Masyadong misteryoso ang kaniyang mga mata.

"You always say that, but you always end up in the hospital. Tss." tsaka siya umiling-iling at ngumisi para inisin ako.

Inirapan ko lamang siya at hindi mapigilang mapangiti. Nakakabaliw ang ngiti niya. I feel special everytime he smiles at me. He always looks serious around other people.

"Why are you smiling?" tanong niya ng may pagtataka.

Lalo akong natawa dahil sa kuryoso niyang mukha. Kumunot lamang ang kaniyang noo at tiningnan ako ng matalim.

"Nothing. I'll just change my clothes then let's go home." Palusot ko tsaka na tumayo at kinuha ang maliit na bag na pinadala ko sa kaniya na may laman ng aking mga damit.

Nang makalabas ako sa banyo ay nakaupo siya sa sofa at nakatingin lamang ng deretso sakin. Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at ngumisi.

"What did you gave me? Are these clothes yours? What the hell?!" reklamo ko sa kaniya.

Isang loose shirt na kulay puti at leggings ang aking suot. Kung titingnan ay para akong lulubog dahil sa sobrang laki ng tshirt, konti na lang ay magmumukhang dress na ito! May saltik talaga ang lalaking 'to!

"I don't want you wearing fitted and small clothes. You draw too much attention." Tsaka na siya tumayo at binuksan na ang pinto.

Umirap ako bago padabog na lumabas sa pinto. Ang arte ng lalaking 'to!

Lunch time na nang makauwi kami sa kanilang bahay. Pinagbawalan akong umuwi sa bahay namin dahil sa ginawa ko. Kung sa bahay naman namin ako uuwi, sasama daw siya at doon rin mag-stay kaya pumayag na akong sa kanila na lang tumuloy.

"What do you want for lunch? I'll cook for you." Tanong niya nang umupo kami sa sala para magpahinga saglit.

"I don't know. You decide."

"Alright, I'll cook kare-kare, you want that?"

Napatingin ako sa kaniya at nanlaki ang aking mga mata. Napangiti ako at tumango-tango na parang batang binigyan ng lollipop. Ngumiti siya pabalik at ginulo ang aking buhok bago tumayo.

"Stay there. I'll call you when I'm done. You can watch T.V. so you'll not get bored."

Tinanguan ko siya at nagpasya na humiga sa sofa. Tinext ko si kuya para ibalita na nakalabas na ako ng hospital. Nakibalita na rin ako kay Jess tungkol sa mga lessons na nalampasan ko.

Pagkatapos ay nilapag ko ang cellphone sa gilid ko at pumikit.

Hindi ko namalayan na naka-idlip pala ako kung hindi lang ako tinawag ni Rayleigh na ready na ang lunch. Inaantok pa rin ako pero pinilit kong tumayo dahil kumakalam na ang aking tiyan.

Nang pumunta ako sa kusina ay nadatnan ko si Rayleigh na naghuhugas ng kamay sa lababo at nakasuot ng apron habang walang suot na tshirt. Hindi ko tuloy maiwasan na pagmasdan ang likod niya.

Tumingin siya sa akin nang marinig ang upuan nang inusog ko ito para maka-upo.

Agad siyang pumunta sa tapat ng stove at sumandok ng kare-kare at nilapag sa lamesa. Lalong kumalam ang aking tiyan dahil sa amoy. Mukhang masarap ito dahil malapot ang sabaw!

Just The Two Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon