Shout out _MMTTCCLSK_ :) thank your for always voting my book! Thank you so much for your support! Hope you enjoyed reading my book, I love your work! Love lots <3
Share my book to your friends too!
Magiging successful kaya ang presentation ni Mally kung kasama niya si Rayleigh?
Abangan pa ang mga susunod na kabanata para sa mas exciting at aso't pusang bangayan ng dalawa! xD
Chapter 27
Maaga kaming pumasok ni Jess tulad ng habilin ni Natalie para sa meeting ng Board of Directors.
Kinakabahan ako habang naglalakad kami papuntang office ni Rayleigh dahil doon gaganapin ang meeting. First time kong mag-present ng hindi kasama si Jess at nandito pa si Rayleigh! Ano na lang kaya ang mangyayari sa akin!
"Chill, Mally. Kaya mo 'yan. Gusto mo bang sumama ako sa meeting?" nag-aalalang tanong ni Jess habang tinutulungan niya akong i-set up ang mga gamit.
"Hindi na, Jess. Ayaw kong maka-abala sayo, para na rin maranasan kong umalis sa comfort zone ko." I gave her an assuring smile.
Nang matapos kami ay niyakap niya ako. "Good luck, Mally. I know you can do this."
Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko at huminahon ng 'konti. I can't imagine myself being here without Jess and her family.
Pagkalabas niya ay uminom ako ng tubig at umupo upang i-rehearse ang mga sasabihin ko at ni-review sa huling pagkakataon ang mga designs. Nang matapos ako ay sakto naman ang pagdating ni Rayleigh.
Napatayo ako at inayos ang aking suot.
Nakasuot siya ng kaniyang usual office attire na black suit and slacks. Ang buhok naman niya ngayon ay maganda ang ayos na tingin ko ay may hair gel. Hindi na talaga ako magtataka kung habulin siya ng mga babae dahil sa mala-Greek God niyang features. Ano ba 'tong iniisip ko?
"Good morning, Sir." Bati ko.
Tumingin siya sa akin at pinagmasdan ang aking kabuuan. Kumunot ang kaniyang noo at mukhang... galit?
"Good morning, Mally. I'm sorry about what happened yesterday. Hindi na kita napatawag dahil nagka-emergency sa site." Paliwanag niya ng hindi makatingin ng deretso sa akin.
Ano bang meron sa kaniya ngayon? Guilty pa rin ba siya?
"It's okay, Sir. I understand." Kinagat ko ang aking dila upang pigilan ang sariling dugtungan ang sasabihin.
Magsasalita pa sana siya ngunit dumating na ang mga tingin kong bigating investors at members ng Malden Industries. Ginapangan agad ako ng kaba.
May mga nasa 50's na at ang iba naman ay halos kasing-edad ko lang o mas matanda lang ng ilang taon sa akin. May mga kasama rin silang mga babae na tingin ko ay mga asawa nila.
Ang iba ay kinamayan si Rayleigh at ang iba ay kinumusta at tinanong ang kaniyang mommy at daddy.
Kumusta na nga ba ang dad ni Rayleigh? President pa rin ba siya ng school? At ang mommy niya, nakauwi na ba siya dito sa Pilipinas? Bakit ko ba iniisip ang pamilya niya? Gaga ka, Mally.
Tahimik lamang ako sa tabi ng projector at nananalanging hindi ako magkamali at ma-impress ang mga directors sa aking mga designs.
Ilang sandali pa ay nagsalita na si Rayleigh, hudyat na magsisimula na. Lalo akong kinabahan at halos hindi na maintindihan ang introduction niya.
"Mally. You may start now." Tawag sa akin ni Rayleigh.
Agad ko namang binuksan ang projector.
Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. "Good morning, ladies and gentlemen. I'm Architect Mallory Melody Sadler, head of Architecture in Malden Industries." Panimula ko.
BINABASA MO ANG
Just The Two Of Us
RomanceSerendipity (n) finding something good without looking for it. Mallory Melody Sadler, isang babaeng introvert na puno ng kaguluhan ang buhay at hindi naniniwala sa romantic love dahil sa naging pakikitungo ng kaniyang ama sa kanilang pamilya, ang na...