Chapter 5
Mga hakbang ng mga tao sa hospital at langitngit ng pinto ng kwarto ng ibang pasyente ang tangi kong naririnig sa corridor ng hospital habang nakaupo sa waiting area.
Mahigit isang oras na akong naghihintay para kay mama.
Sobrang gulo na ng aking isip kaya tulala na lamang ako habang naghihintay.
Matapos ng ilang minuto ay lumabas ang doktor at hindi ko makita sa kaniyang mukha ang magandang balita kaya kinabahan agad ako.
"Ikaw ba ang anak ng pasyente?" tanging tango ang naisagot ko.
"Kritikal ang kalagayan ng nanay mo, iha. Malakas ang pagkakapukpok sa kaniyang ulo kaya naapektuhan ang bungo niya at natamaan ang parte ng kaniyang utak. Comatosed siya ngayon kaya mabuting umuwi ka na muna at magpahinga, kami na ang bahala sa kaniya. " paliwanag ng doktor sa akin.
Naiyak na lamang ako sa narinig na balita at namuo sa aking sistema ang galit at pagkamuhi sa aking ama.
Nakuha pa niyang saktan si mama at nag-aagaw buhay ngayon. Wala nang ginawang mabuti si papa sa amin.
Nagpasya na lamang akong tingnan muna ang aking ina bago umuwi at magpahinga.
"Titingnan ko muna si mama, dok" paalam ko sa doktor at imwinestra niya ang pinto ng kwarto ni mama.
Pagkapasok ko nanlamig ang aking buong katawan dahil sa nakitang kalagayan ng aking ina.
Namamaga ang kaniyang mukha, may nakakabit na hose sa kaniyang bibig at ilong. Nakabenda ang ulo at may bakas pa ng dugo ito.
Nanghihina akong lumapit sa kaniya at hinawakan ang kamay. Hindi ako sanay na makita siyang ganito. Pag nakikita ko siya ay ngiti ang isasalubong niya sa akin kahit alam kong nahihirapan na siya.
Pakiramdam ko ay binagsakan ako ng langit at lupa sa mga nangyayari sa buhay namin.
Matapos ang ilang minuto at nagpasya na akong umuwi.
Mabuti na lang at may mga tricycle pa sa paradahan. Pinaghintay ko na muna ang driver nang makauwi para kumuha ng perang pambayad. Bukas ko na lang rin babayaran ang ka-baryo naming tumulong kanina papuntang hospital.
Malapit nang mag ala-una ng madaling araw nang makauwi ako.
Ibinagsak ko sa kama ang katawan kong pagod at agad nang nakatulog, dahil na rin siguro sa dami ng aking iniisip.
Bukas ko na lang ite-text si kuya tungkol sa nangyari dahil masyado na akong pagod.
Nagising na lamang ako dahil sa katok sa aking pinto. Tatayo na sana ako nang pumasok si kuya at puno ng pag-aalala at takot ang mukha.
Niyakap niya ako ng mahigpit kaya naman niyakap ko siya pabalik at napa-iyak dahil sa unang pagkakataon ay naramdaman kong may kasama kami ni mama. Tinahan ako ni kuya at hinalikan ang noo.
"Pasensiya ka na, Mally kung nagkulang ako sa inyo ni mama" paliwanag niyang puno ng pagsusumamo.
Tumango na lamang ako at tipid na ngumiti, "Ayos lang, kuya. Puntahan mo na muna si mama sa hospital at balitaan mo na lang ako, may pasok pa ako kaya mamayang uwian ko na lang siya pupuntahan" paalala ko kay kuya.
Lumabas na siya ng kwarto at nagpasya na akong maligo at magbihis.
Pagkalabas ko ng kwarto ay dumeretso ako sa kusina at nagulat ako nang nagluluto ng almusal si kuya. Nagpiprito siya ng itlog at hotdog.
"Kumain ka na at ako na ang magliligpit, kahit sa ganitong paraan ay makabawi ako sayo" sabi niya habang nilalapag ang pagkain sa aking plato.
"Thank you, kuya. 'Di mo na kailangang gawin 'to, kaya ko naman." ngumiti lamang siya bilang sagot.
Habang kumakain ako ay nagsalita si kuya sa harap ko, "Confirmed nga na si papa ang gumawa kay mama neto, nakita sa CCTV ng barangay na pumunta siya dito kahit na bawal dahil may warning siya, ngunit naki-usap siya at sinuhulan ang mga guards ng purok natin. Siguro dahil tulog ka na ay hindi mo na narinig ang pag-aaway nila."
Napatingin ako sa kaniya at tumango na lang dahil alam kong si papa lang ang may galit sa amin ni mama.
Ngunit ang ipinagtataka ko kung paano siya nagkapera gayong wala siyang trabaho. Siguro nangutang o kaya ay may ginawa nanamang kabalastugan.
Ipinagwalang bahala ko na lang ang mga tanong sa aking isip.
Nagpaalam na akong umalis at hinalikan siya sa pisngi.
Tulala ako papunta sa eskwela dahil sa mga nangyari. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari.
Iniisip ko rin ang sinabi ni mama bago siya ma-comatose. Ampon ba ako? Kaya ganon na lamang ang galit sa akin ni papa?
Nang nasa pathway na ako ng building namin nang nakita kong muli ang itim na pusang nakita ko noong first day ng school.
Tiningnan ko muna ang relo ko at nang makitang 7:15 AM pa lang ay nagpasya na akong lapitan siya at hawakan. Ang ganda ng balahibo niya, makintab na itim at malambot ito.
Habang nilalaro ko ang pusa ay natulala ako dahil sa mga tanong sa aking isip.
Nagulat na lang ako nang may lumapit na lalaking estudyante at hinawakan rin ang pusa.
Naamoy ko agad ang panlalaking pabango, halatang mamahalin ito. Napatingin ako kung sino ito, yung mayabang pala!
Ngumisi ito nang nakitang nakatingin ako sa kaniya.
Bago pa man siya magsalita ay tumayo na ako ambang aalis ngunit hinawakan niya ang siko ko at tumayo rin para maglebel ang paningin namin.
Inalis ko agad ang kamay niyang nakahawak sa akin dahil sa pagka-ilang. Napa-awang ang kaniyang bibig dahil sa ginawa ko.
"I'm Rayleigh Malden. Sorry kahapon if I called you nerd." pagpapaumanhin niya at halatang hindi sanay sa tagalog.
Tumango ako, "Hayaan mo na. Just don't call me that again and stay away from me." giit ko at aalis na sana.
"Wait! I heard about your mother, I'm sorry to hear that. I'm here to help" habol niya sa akin at kita sa mga mata niya ang concern kahit seryoso ito.
Hinarap ko siyang muli.
"I said go away. I don't need you and I don't know you" tsaka siya inirapan at tuluyan nang umalis para makapasok sa room.
Napa-isip ako kung paano niya nalaman dahil mga kamag-anak lamang namin ang may alam, pero ipinagsawalang bahala ko na lamang.
Inabala ko ang sarili ko sa klase para makalimutan muna ang mga nangyari. Hindi ko na rin sinabi kay Jess ang nangyari dahil ayaw kong kaawaan niya ako.
Natapos na ang klase at nagpaalam na si Jess na uuwi.
Nagpasya naman akong puntahan si mama para malaman ang kalagayan niya. Hindi kasi nag-text si kuya sa akin kaya nag-aalala ako para kay mama.
Dumeretso ako sa hospital at nadatnan si kuya at ang kanyang asawang si ate Precious na pinapatahan si kuya.
Kinabahan agad sa aking nakita at dumeretso sa room ni mama at nanlamig ang buong katawan ko sa aking nasaksihan.
BINABASA MO ANG
Just The Two Of Us
RomanceSerendipity (n) finding something good without looking for it. Mallory Melody Sadler, isang babaeng introvert na puno ng kaguluhan ang buhay at hindi naniniwala sa romantic love dahil sa naging pakikitungo ng kaniyang ama sa kanilang pamilya, ang na...