Chapter 16
Maaga kaming pumasok ni Rayleigh kumpara sa dating pagpasok namin sa school dahil kailangan pa daw nilang mag-set up ng gadgets at mag-ayos ng mga upuan sa gymnasiun ng school dahil sa meeting at announcement para sa foundation day ng aming school.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nabubuksan ang tungkol sa sinabi niya kagabi. Hindi na rin naman ako nagtanong dahil kung totoo man 'yon ay hindi ako makikipag-relasyon sa kaniya dahil pag-aaral muna ang priority ko. Relasyon agad? Ano bang iniisip ko!
"I'll leave you now, okay? Magkita na lang tayo sa gym mamaya. Wag kang hihiwalay kay Jess." Paalam niya.
"Okay. Don't worry about me." At ngumiti bago isarado ang pinto ng aming room.
Ako pa lang ang tao sa room dahil masyado kaming maagang pumasok ni Rayleigh. Nilapag ko ang aking bag sa upuan at kumuha ng libro para makapag-review.
Makalipas ng ilang minutong pagbabasa ay pumasok si Elyze. Nagulat pa siya dahil sa nadatnan niya at ngumiti para mapawi ang pagkagulat. Tipid naman akong ngumiti at ibinalik ang atension sa binabasa.
"Good morning, Mally!" bati niya nang tumabi siya sa akin.
"Morning." Tipid kong sagot nang hindi tumitingin sa kaniya. Ano nanaman kaya ang sasabihin ng isang 'to?
"I need to tell you something." Hindi ko pa rin siya tinapunan ng tingin dahil wala akong panahon para sa sasabihin niya.
"Elyze, I told you that I don't care about Rayleigh's flings." Umirap ako.
"I know you're not interested but please listen to me, okay?"
Binaba ko ang hawak kong libro at tamad akong tumingin sa kaniya. "Okay, what is it?"
She gave me a heavy sigh before talking. "It's about Rayleigh's girlfriend or fiance, Olivia. I'm not sure what is their label now. I heard that she will visit Rayleigh and announce their engagement."
Kumunot ang noo ko dahil sa narinig. What the hell did I just heard?
"What? You got to be kidding me, Elyze. Yes, he's already 21 but that can't be happening. He's not done with his studies."
"I know you will not believe me about this. I'm just warning you. Yes, hindi pa siya gumraduate pero enough na ang yaman nila at experiences niya para magpatakbo ng kumpanya para sa kaniyang pamilya. Also, Olivia came from a wealthy family. Hindi man sila ikakasal ngayon, engaged naman sila."
Napa-awang ang aking labi dahil sa narinig. Hindi agad ako nakasagot dahil ayaw tanggapin ng aking sistema ang mga nalaman.
"Thank you for telling me that. Still, I'm not interested about his life." Nahihirapan kong sagot bago hinarap muli ang libro at nagkunwaring nagbabasa. Umalis na rin naman si Elyze pagkatapos.
All this time? He didn't tell me that! Kung i-trato niya ako, parang may gusto siya. Tapos ngayon malalaman ko na may fiance na pala siya?!
Inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagbabasa kahit na wala akong maintindihan dahil sa kaiisip.
"Mally! Tara na! Malapit na magsimula ang program!" tawag sakin ni Jess dahil pinapapunta na kami sa gym.
"Oo, sandali lang. kung gusto mo mauna ka na, Jess. Pang-reserba mo na lang ako ng upuan!" nagmamadali kong sagot habang nililigpit ang mga materials namin kanina sa reporting.
"O sige! Basta bilisan mo hah?" 'tsaka na siya sumunod sa mga kaklase namin.
Mabuti na lang at wala kaming last subject ngayon kaya hindi hussle ang pagliligpit ng mga gamit. Huli akong lumabas ng room dahil inayos ko pa ang mga upuan.
BINABASA MO ANG
Just The Two Of Us
RomanceSerendipity (n) finding something good without looking for it. Mallory Melody Sadler, isang babaeng introvert na puno ng kaguluhan ang buhay at hindi naniniwala sa romantic love dahil sa naging pakikitungo ng kaniyang ama sa kanilang pamilya, ang na...