Chapter 17

27 13 0
                                    

Chapter 17

Nagising ako dahil may biglang yumakap sa akin. Pinilit kong idilat ang aking mga mata kahit na antok na antok pa ako dahil napuyat kami kagabi.

"Good morning, Mally! Dapat pala ay sa kwarto ko na lang ikaw natulog!" bati sakin ni Jess nang kumalas siya sa pagkakayakap.

Tumayo ako at kinusot-kusot ang mga mata. "Good morning! Hindi na, Jess. Ayaw kong maka-abala sayo sa pagtulog." At ngumiti.

"Naku! Hindi ah! Gusto ko ngang may kasama sa pagtulog, naiinggit kasi ako dahil wala akong kapatid!"

Natawa ako dahil sa sinabi niya. Ganyan na ba siya ka-sabik sa kapatid? Sa bagay masaya ang may kapatid dahil may masasandalan ka, pero sa sitwasyon ko ay ayaw ko nang magpa-bigat kay kuya. Naisip ko tuloy kung may kapatid kaya ako sa totoo kong magulang?

"Siya nga pala, Mally. 'Hwag kang magagalit hah?" puno ng pag-aalalang tanong ni Jess. "Ano yun, Jess?"

"Ano kasi, sinabi ko kay daddy at mommy yung nangyari sa inyo ni Rayleigh dahil pinilit nila akong tanungin, naiintindihan naman nila." Hindi makatingin ng maayos ang aking best friend. Napabuntong-hininga naman ako sa narinig, hindi na ako nagulat dahil ayaw ko rin namang isekreto ang dahilan ng pagtulog ko rito.

Ngumiti ako sa kaniya at hinawakan ang kaniyang balikat. "Ano ka ba! Ayos lang! 'O ano namang sabi nila? Nagalit ba?" nag-aalala kong tanong dahil baka paalisin nila ako.

Sumilaw ang ngiti sa kaniyang labi. "Hindi syempre. Ahmm may suggestion nga si dad sa akin 'e. Pareho tayong makakakuha ng oppurtunity."

"What is it?" kuryoso kong tanong.

"Dad told me that you can go with me to Italy. Matagal na naming plano na 'don ako mag-aral, kaso hindi ako pumayag kasi wala akong kasama sa condo 'kundi ang maid. Ang boring kaya!"

Napa-awang ang aking labi dahil sa pagkagulat sa sinabi ni Jess. "Wait, what?! Hindi ko matatanggap yan, Jess. Masyado nang malaki ang utang na loob ko sa inyo, ayaw ko ring dumagdag sa gastos niyo!" protesta ko.

"Please, Mally. Hindi naman malaki ang gagastusin namin kung sasama ka, magwo-working student rin naman ako 'don dahil ayaw kong umasa sa pera ng parents ko, I want to be independent. We can work and study together there!" pagmamaka-awa niya at nag-puppy eyes pa ang loko.

"Sige, pag-iisipan ko. Pero kailangan ko muna ring kausapin si kuya tungkol diyan." Paliwanag ko.

Malaking oppurtunity sa akin 'to, pero ayaw kong magpadalos-dalos. Maganda rin 'yon dahil hindi na namin kailangang magkasalubong ni Rayleigh sa school.

Mabuti na lang at Sunday ngayon kaya pwede akong makipag kita kay kuya. Nag-aya rin si Jess na mag-mall dahil bibili daw siya ng mga damit para sa posibleng pagpunta namin si Italy. Napaka atat talaga neto! Still, I'm thankful dahil biniyayaan ako ng ganitong kaibigan.

Tinext ko si kuya bago kami bumaba para makapag-almusal.

Ako:

Good morning, kuya. Can we talk? This is important. Magkita na lang tayo sa mall.

Mabuti na lang at pumayag agad si kuya at magkikita daw kami ng 12:00 PM sa Rupa's Cuisine. Pinahiram naman ako ng pang-alis na damit ni Jess. Masyado naman daw akong out of place kung magsusuot ako ng simple. Sosyal talaga 'tong kaibigan ko!

11:45 AM nang makarating kami sa mall. Nang pumunta kami sa napag-usapang resto ay nakita agad namin si kuya kasama ang kaniyang pamilya. Sinalubong nila ako ng mahigpit na yakap.

"Kuya, heto si Jessie Rivera, kaibigan ko, anak ng Vice Mayor." Pagpapakilala ko kay Jess kila kuya. Naglahad naman ng kamay ang aking kapatid at si Jess.

Ikinwento ko sa kanila ang nangyari bakit kasama ko si Jess at kung bakit ako sa kanila natulog. Naintindihan naman ni kuya pero hindi niya maiwasang magalit kay Rayleigh.

"Loko ang lalaking 'yon hah! Kung alam ko lang na ganyan ang gagawin niya ay pinilit kong sa amin ka tumira kahit nahihirapan kami!" giit ni kuya.

"Hayaan mo na kuya, kaya nga nandito rin si Jess para ipaalam namin na balak niya akong isama sa Italy para doon mag-aral."

Bahagyang nagulat si kuya dahil sa balita. "Huh? Hindi natin kakayanin ang gastos doon, Mally. Marami pang iniwang utang si papa." Bakas sa mukha ni kuya ang pag-aalala.

"Hindi tayo gagastos kung sasama man ako, kuya. Sagot na nila ang plaine ticket at magwo-working student kami ni Jess doon kaya sa tingin ko ay matutustusan ko ang pag-aaral ko. Ayaw ko rin kasing umasa sa inyo kuya, may pamilya ka na." Paliwanag ko kay kuya.

Sumang-ayon naman si kuya. Ngiting aso naman ang aking kaibigan dahil sa pagpayag ng aking kuya.

Sinamantala namin ang aming pagkikita sa pagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari at kung ano ang magiging plano ko sa pagpunta sa Italy.

"Kapag naka-ipon na ako tutulong ako sa pagbabayad ng mga utang ni papa, kuya." Pinal kong desisyon.

"Hindi mo na kailangang gawin 'yon, Mally. Basta masaya kami para sayo."

Bago kami magpaalam sa isat-isa ay may sinabi pa si kuya. "Mally, bago ka sana umalis, bisitahin mo si papa sa kulungan. Alam kong sukdulan ang kasalanan niya satin pero sana ay magpaalam ka sa kaniya." Paalala ni kuya tsaka niya ako niyakap at hinalikan sa noo.

Ngumiti lamang ako ng tipid. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sinasabi kay kuya na alam ko nang ampon ako. Wala na rin naman akong balak sabihin sa kaniya dahil mag-aalala lang siya.

Pagkatapos ay pumunta na kami ni Jess sa mga bilihan ng damit at sapatos. Nabusog naman ang mga mata ko sa kakatingin sa mga latest fashion. Kung sanang may pera na ako ay makakabili ako. Aasa na lang muna ako sa mga binigay na damit sa akin ni Jess.

"Mally! Anong tinitingin-tingin mo diyan?! Pumili ka na ng gusto mo at ako ang magbabayad!" bulyaw ni Jess sa akin nang makita akong naka-upo lamang sa tabi habang siya ay panay ang shoot ng mga damit sa basket.

"Hindi na, Jess. Ayos na ako sa mga binigay mo, magaganda naman ang mga 'yon!"

Ngunit huli na ang lahat nang hinila na ako ni Jess at siya na mismo ang pumili ng mga damit at sapatos. Nanghihinayang ako sa presyo. Aangal pa sana ako nang dinala na ako ni Jess sa fitting room at ibinigay ang mga damit.

"Ako na ang bahala sayo, Mally! Inimbita kita para mag-mall hindi para manood lang sakin!" sigaw niya ng natatawa habang nasa labas ng fitting room.

Natawa na lang ako sa aking kaibigan at nagsimula nang magsukat. Nasa mahigit sampung damit ang pinasukat niya sa akin kaya natagalan pa ako. Lahat ay sakto sa aking size. Halatang propesyonal sa mga damit ang kaibigan ko!

Ilang oras ang inilaan namin sa pamimili. Para kaming mga yaya dahil sa sobrang daming bitbit na paper bags mula sa mga sikat na fashion boutique.

Alas-sais na nang nakauwi kami at sinalubong naman kami ng mga magulang niya na tuwang-tuwa sa balita naming pinayagan ako. Kumain na muna kami ng hapunan bago tumungo sa kwarto.

Nang matapos akong maghilamos ay dumeretso ako sa kwarto ni Jess dahil binilin niya sa aking magkatabi kaming matutulog. Binantaan pa niya akong magtatampo siya kung hindi ako susunod. Baliw talaga 'to. 

"Before we sleep, I just want to remind you na 'hwag na daw tayong pumasok bukas sabi ni daddy dahil lalakarin na ang mga papeles natin at ang transfer. August pa ang start ng classes sa Italy, July pa lang ngayon kaya may 1 month pa tayo para makapag-ipon sa work!" buong sabik na balita sa akin ni Jess.

"Okay, Jess. Thank you pala sa paglibre sa akin. Babawi ako sayo 'pag nakapag-ipon na ako." At ngumiti sa kaniya. Tumango lang siya at humiga na sa aking tabi at natulog.

Natuwa naman ako dahil hindi ko na makikita si Rayleigh at makakapag-ipon ako. Kahit na may parte sa aking ayaw kong iwan ang Pilipinas ay mas nangingibabaw ang magandang maidudulot nito sakin.

Mabuti na rin ito dahil makakalimutan ko si Rayleigh.

Bukas rin ay bibisitahin ko si papa para makapagpaalam.

Naisip ko rin ang mga tunay kong magulang. Hinanap kaya nila ako? Buhay pa ba sila? Bakit ako napunta kila mama at papa?

Just The Two Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon